Nag-react ang singer na si Aiza Seguerra sa reklamo ng National Historical Institute (NHI) sa lead singer ng Journey na si Arnel Pineda dahil sa mali raw nitong pagkanta ng ating Pambansang Awit na "Lupang Hinirang" sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Joshua Clottey. (CLICK HERE to read related story.)
Kaya nang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aiza kung gusto rin niyang kumanta ng National Anthem sa laban ni Pacman, ito ang sagot niya: "Sobrang dami ng kritiko. Parang ayaw ko na.
Paliwanag niya, "Hindi sa ano, siyempre gusto ko, gusto kong i-honor ang country ko. I'd be very, very proud. Pero if after nun, puro criticisms lang ang maririnig ko dahil hindi nagustuhan ng isang institution ang pagkakanta ko, parang what's the point?"
Nakausap ng PEP si Aiza sa presscon ng concert na Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris, na gaganapin sa April 16 sa Skydome ng SM North Edsa.
Natatakot na ba siyang kumanta ng Pambansang Awit?
"Hindi naman natatakot, pero masyado lang naki-criticize, e," sagot ng acoustic singer. "Ang sa akin, meron pala kayong paraan ng tamang pagkanta, might as well...kayo na lang ang kumanta.
"Alam ko na mahalaga siya sa atin, pero ang singer kasi may sariling interpretasyon sa song. Let's say National Anthem natin yun, kumbaga, I think ginagawa na namang isyu kay Arnel, di ba? I think kinanta naman niya sa ayos. Sa dulo daw parang binirit. But I think normal kasi gusto mong ibirit kasi gusto mong... Di ba, pag kinanta mo yun—'Ang mamatay ng dahil sa iyo'— mainit yung crowd sa paligid mo. Bakit hindi mo pa ibigay, hindi ba?
"Kasi, para wala nang mga issues na ganyan, yung NHI, magpa-audition sila ng kakanta, sila na lang. Kasi sabi ko nga, I think the only reason kung bakit naibirit ni Arnel yun sa bandang dulo, kasi emotions yun, e. Kasi kapag kumakanta kang ganyan, tapos nagsisigawan yung crowd sa paligid mo, emotions are running high niyan, e.
"Kaya nga, sabi ko nga," patuloy niya, "kung gusto n'yo ng mga taong sunud-sunuran lang sa gusto n'yo, kayo ang mag-provide ng singers. Kasi sa akin, kahit kaninong version, as long as you do your best, as long as you give your heart sa ginagawa mo, there's nothing wrong with that, and I think Arnel gave out his heart.
"I think lahat ng singers na kumakanta ng National Anthem natin ay gustong ibigay ang lahat ng puwede nilang ibigay. Naki-criticize sila because they want to give everything... Nagiging unfair, alam mo yun? Huwag namang i-criticize ang isang tao dahil gusto niyang ibigay yung best niya.
"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already.
"Ano yung every Pacquiao fight, expect mo...si Pacman ang mananalo tapos iki-criticize yung pagkanta ng National Anthem. Parang old news na 'yan. Tama na! Bakit sa American Anthem, nakakanta nila how they feel it? Kasi National Anthem ito ng bawat tao, e. Kasi ito yung gusto ko, e. Eto ang nararamdaman ko, e... 'Ang mamatay ng dahil sa iyo?' Paano mo maibibigay yun na pababa ang nota mo? Gusto mo itaas, di ba?" mahabang paliwanag ni Aiza.
Dagdag pa ni Aiza, mahirap talagang sundin ang exact tempo ng "Lupang Hinirang" lalo na kapag walang minus one o bandang accompaniment.
"Ang hirap nun kung kakantahin mo lang siyang mag-isa. Ultimo yung mga gusto nilang lakas at hinang part, hindi masusunod talaga 'yan, e.
"Kaya nga uulit-ulitin ko, kung gusto nila, sila na lang o kumuha sila ng singers na gusto nilang susunod sa kanila. Kasi, masisira lang ang morale ng singers na kumanta nun. Alam ko namang lahat ng kumanta in the past, they all did their best kaya mataas ang respeto ko sa kanila," sabi niya pa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
92 Qtpnay08
91 careermuna
90 sunrain85
89 khelyn05
Lahat ba kayo d2 na kiso dapat sundin alam nyo ba kantahin ang lupang hinirang ngayon? hahahahaha I doubt it!
Who cares about the NHI? I don't!! ano ba ang nagawa nila sa pinas? Lupang hinirang lang ba ang dapat nila bigyan ng pansin? or is there anything else?
I'm proud to be pinoy but hindi ako proud sa country natin ngayon!
88 sunrain85
87 edwin75
86 unknownuser123
85 ketai
84 kapitan29
May point naman si Aiza. Dapat NHI na ang pumili ng aawit sa susunod. Ngayon, NHI naman ang babantayan ng mga tao. Pag nagkamali ang pakakantahin nyo, baka iabolish na lang kayo.
83 ketai
82 fanhan
she can't belt out so parang very ordinary lang yung pagkanta nya
81 eninaoj
hehe!
80 kalika
79 walasilangpuso
78 careermuna
77 djken_11
76 rhiamags
pano mo nga naman mararamdaman yung last phrase kung mababa ang nota mo! dapat itaas yung nota! pero dahil tinaas ni arnel pineda yung nota, napuna tuloy ng NHI! gusto nila nakababa lagi yung last nota! yun lang!
75 bessie31
74 Clara Pastor
73 ShuttleEndeavor
Sinasadya ba nilang ibahin ang tono para mapag-usapan sila mga KSP pala sila eh.
Hindi rin ako agree kay Arnel na gawan ng sariling style ang pagkanta ng Lupang Hinirang, dahil hindi ordinary na kanta yan NATIONAL ANTHEM yan so kung ano yung original na tono nya yun ang gawin nyo, mahirap bang gawin yan? unless na gusto mong magpakakontrobersyal eh iibahin mo nga ang tono para mapagusapan ka.
more comments