"Mom, I'm in pain."
Ito ang huling salita na binitiwan ni Edward James Lim sa kanyang ina na si Toni Rose Gayda.
Namatay kaninang umaga, 6:30 a.m., sa Cardinal Santos Memorial Hospital ang bunsong anak ni Toni bunga ng pagkakahulog mula sa 4th floor ng kanilang condo unit sa Wack Wack, Mandaluyong City. He was 26 years old.
Isang malapit na kaibigan ni Toni ang nagkuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga detalye tungkol sa pagpanaw ng anak ng kilalang TV personality at apo ng veteran actress na si Rosa Rosal.
Pinabulaanan ng PEP source ang kumalat na balita na nag-suicide ang anak ni Toni. Pinagsabihan daw kasi ni Toni si James na huwag manigarilyo sa loob ng kuwarto kaya lumabas ito sa balkonahe at dito naganap ang malagim na aksidente.
Nang makita ang katawan ni James, nakadapa raw ito at nakatuon ang mga kamay sa lupa, isang palatandaan na sinikap niya na huwag mabagok ang kanyang ulo.
Sa kasamaang-palad, nabali ang braso at ribs ni James na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Conscious pa si James nang dalhin sa Cardinal Santos Memorial Hospital at dito nga niya sinabi sa kanyang ina ang sakit na nararamdaman. Pero binawian din siya ng buhay pagkalipas ng ilang sandali.
Dinala ang bangkay ni James sa Funeraria Paz sa Quezon City at agad na ipina-cremate ng kanyang pamilya. Nagawa pa ni Toni Rose na i-donate sa isang eye foundation ang mga mata ng kanyang sumakabilang-buhay na anak.
Nakaburol ang abo ni James sa Sanctuario de San Jose, Greenhills, San Juan. Balak ni Toni na iuwi sa kanilang condo unit ang abo ng anak.
Nasabi ni Toni sa PEP source na hindi pa nagsi-sink sa kanya ang tragic demise ni James. Pero nagsalita ang TV personality na gusto na niya na mag-report sa Eat Bulaga! sa Lunes, isang sign na gusto ni Toni Rose na libangin ang sarili upang matakasan ang nararamdaman na kalungkutan.






ayaw din nila sa building na pang 4flr.pero walang pagpipilian,magkaka 5'6'7 and so on kung walang 4flr.kaya ang ginagawa nalang nila,sa bawat dorm number ng 4flr hindi nilalagyan ng 4 na numero,halimbawa dorm 1'2'3en 5'6 etc.
malas daw kase,yun daw ang petsa ng gyera dito at maraming namatay.
dati sa 16flr kami,pero lumipat din nsa 3flr nalang kami,.
yung nasa 16flr kami,pag dumudungaw ako sa may veranda kakatakot talaga!buti maliit lang ako kaya hindi ako nakakaupo sa may veranda,..pero sa 3flr,iniisip ko nga na kung sakali tumalon ako mabubuhay pa kaya ako?damuhan naman kase ang binabagsakan,.
pero wag naman natin sisihin ang building na walang veranda,..mas maganda nga na may veranda,kase kung puro salamin at walang harang na bakal abah eh magtutuloy-tuloy ka malaglag!pero kung matangkad ka,may tendency talaga na malaglag!kaya paalala lang,sa mga matatangkad na may veranda ang bahay,wag doon magtambay,kung gusto manigarilyo o magpahangin,andyan naman ang small window..
Our prayers to you and your family. Also to your Mom.
...funny after the incident she looks all ssso cheerful and somewhat unaffected on the choob! ...reminds me of Marie Osmond after her son's suicide the next day, she continued her concerts in vivaglam Las Vegas! ...you gggo gggurl break a leg!
...that's Showbiz!
People tend to judge and ask questions kapag ganitong klase ang aksidente.Its very tragic talaga. Imagine he was still CONCIOUS after the fall? No major head trauma reported but he crushed his liver,massive broken ribs and internal bleeding.My prayers to Toni Rose..
Nakikiramay Po Ms.Toni at kay Mam Rosal..
Desperate Moves na nman,ipaplug ug BoraNG borang Kembot2x Party sa thread na ito.haizt to highest level.
Newi,ang bait ng Family na ito.never heard mga intriga galing sa kanila.bakit pa mgsuggest iautopsy ang bangkay?ano pang silbi?
Tama ka hndi maganda ang Number 4 sa Chinese ang number 8 ang maswerte.pero ako yaw ko tlaga sa mga high rise building bukod sa may potential mahuhulog ka,prone den sa collapse during an Earthquake.Earthquake Hotspot pa naman Pinas.
People ask a lot of questions when things like these happens. Its very sad and tragic to lose someone you love this way.
Condolence Toni Rose..
number 4 means death sa chinese
kakaunti lang silang family talaga. nabawasan pa..
never ko nagustuhan ang condo na may verandah, ako nasusunod kapag nagre rent kami ng asawa ko ... nakakatakot dumungaw...un pa kayang umupo ka sa railings...nginig!
magagawa kaya yun ng isang na ka drugs.
walang masama magbigay ng comments pero dapat responsible naman.
facts before presumptions.