Toni Rose Gayda and family try to find solace and meaning in the short, tragic life of James Lim


 
Toni Rose recalls: "Maliit pa siya nun, nakita niya 'kong umiiyak, kasi, naghiwalay na nga kami noong ex-husband ko. Tapos sabi niya, 'Mom, don't cry.' Tapos sabi niya, 'Mom, sana, iba na lang ang napangasawa mo kahit hindi na lang kami naging anak mo, basta naging masaya ka lang.'"
 

Toni Rose Gayda and family try to find solace and meaning in the short, tragic life of James Lim

Rose Garcia

Rating

Mag-aalas singko ng umaga ng Biyernes, March 19, nang matagpuan si Edward James Lim, ang bunsong anak ng Eat Bulaga! host na si Toni Rose Gayda, sa ibaba ng tinitirhan nilang condominium sa Mandaluyong City. Balitang nahulog siya mula sa balkonahe ng unit nilang nasa ikaapat na palapag.

 

Namatay din ng araw na iyon ang 27 anyos na anak ni  Toni Rose Gayda at apo ng screen legend na si Ms. Rosa Rosal.

 

Ang panganay na anak ni Toni Rose na si John daw ang nagbalita ng trahedya sa mga kasamahan ng ina sa Eat Bulaga! sa pamamagitan ng text message.

 

Sa Funeraria Paz ginawa ang cremation ni John kinahapunan ng Biyernes ding iyon at nagkaroon ng lamay ng dalawang araw sa Santuario de San Jose sa Greenhills, San Juan City.

 

LAST MOMENTS. Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap si Toni Rose sa camera para sa isang interview with Startalk, kahapon, Sabado, March 20.

 

"The other night, pinagalitan ko, sabi ko, 'James, favor naman, don't smoke na in your room.' Sabi ko, 'If you can just go out.' Tapos, sabi naman niya, 'Sige, Ma, I will.' So, four o'clock kanina, nagising pa, the usual, nag-computer pa, ganyan... kumain, tapos, bumili siya ng sigarilyo.  Siguro, tinamad nang bumaba ulit, binuksan niya yung balcony, dun siya lumabas.  Fourth floor kami, e. May railing kami na ganun. So ngayon, ang ginawa niya siguro, umupo. 

 

"E, malaki yung anak ko, 6'2" na medyo mataba nang konti. Siguro umupo siya run, na-off balance."

 

Magkakasamang nakatira sa unit sina Toni, ang inang si Rosa Rosal, at ang dalawang anak na sina John and James.

 

Tinuloy ni  Toni ang kuwento: "Narinig ng mga yaya sa second floor na may umuungol. So, nag-report sa guard na parang may nangyari, kasi may narinig silang parang bagsak nga na malakas.

 

"So, ginising ng guard yung mga drivers.  Umakyat yung driver ko sa 'taas.  Sabi niya, 'Ma'am, nahulog si James. May nangyari ho... basta sumama kayo.' So, nag-panic na 'ko nun. Then, I saw him.  Sabi niya, 'Ma, I'm in pain.' Sabi niyang ganun, 'Pain... pain...' gumaganun siya. 

 

"Sabi ko, 'James!' Ni hindi ko na natanong what happened. Sabi ko, 'James, hang in there.'  Tapos, sabi niya, 'Water, water...' Binigyan namin ng tubig. Hinintay naming dumating yung ambulance.  Pagdating ng ambulance, sa loob ng ambulance, sumisigaw siya. Sabi niya, 'Ang sakit, I'm in pain!' Gumaganun siya...

 

"So, we took him to the hospital. Pagdating dun, sabi niya, 'Please, lagyan n'yo ko ng kahit na ano,' kasi, sobra nga raw yung sakit.  Noong tsinek yung BP [blood pressure] niya, it was 173 over 83, then, sabi ng doctor, 'I'd rather have it high than low.' Pero siguro in five minutes or less, biglang ano na, biglang bumababa na ang BP niya.

 

"Tapos nakita namin siya nun, medyo lumalayo ako nun, ayoko munang tumingin.  So, akala ko, medyo okey na. Kasi, nakita ko, wala naman sa ulo. Pero later on, nasabi nila, may dumugo rin daw," sabay turo ni Toni sa kanyang ilong.

 

Nag-cardiac arrest na raw si  James.

 

Ayon kay Toni, "Nag-cardiac arrest. Sabing ganun ng mommy ko, 'Stop it na.' So that's it, he was declared dead already at 6:30 ng umaga.  Siguro, umabot pa siya ng mga 30 minutes sa hospital."

 

AT HOME WITHOUT JAMES. Noong makauwi na si Toni, sabi niya, ang "pinakamasakit sa lahat, was I think, yung umakyat ako..." Sa puntong ito ng kanyang pagkukuwento, hindi na napigilan ni Toni ang maiyak.

 

"Kumuha ako ng damit niya. Halik ako nang halik sa kumot, halik ako nang halik sa unan niya. Kasi miss na miss ko yun... Gusto ko yung naamoy ko pa siya. Sabi ng katulong namin, 'Alam mo, 'Ma'am,' noong pag-akyat ko, tumutugtog pa raw yung PSP [PlayStation Portable] niya. 'Tapos,' [sabi ng maid], 'alam n'yo, picture n'yo lang ang nandun.' Yung parang screen saver niya raw yung mukha ko.  Ganun kami ka-close."

 

Dugtong pa niya, "May part ng konting sisi siguro kung bakit ko sinabing huwag kang mag-yosi sa kuwarto mo.  But then, naiisip ko rin, siguro, talagang oras na niya. So yun, you just have to let go."

 

Budding musician si James kung ilalarawan ng kanyang mga kaanak at kaibigan. Balak pa sana nitong tapusin ang kanyang pag-aaral, isang pangakong ibinigay niya sa kanyang lola.

 

"Dapat mag-e-enroll siya for summer. Sa March 22 for summer. In fact, kagagaling lang niya sa school."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
16 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement