Sa biglaang pagpanaw ng bunsong anak ni Toni Rose Gayda na si Edward James Lim, 27, nang mahulog ito mula sa fourth floor ng condominium nila sa Wack Wack, Mandaluyong City, ang mag-inang Rosa Rosal at Toni Rose pa lamang ang nakukunan ng panayam ng media hinggil sa trahedyang naganap.
Marami ang nagtatanong, sino ang ama ni James? Sa Startalk kahapon, March 20, nakausap ng programa ang mismong ama ni James na si Moonie Lim. At hindi nito nagugustuhan ang iba't ibang ispekulasyon tungkol sa pagkamatay ng anak nila ni Toni Rose.
Ayon kay Moonie, "Kasi, nanggaling 'to sa driver [nina Toni Rose]. He made a conclusion na kaya raw tumalon si James kasi may depression daw. 'Tapos, kinausap ko yung driver. Sabi ko sa kanya, 'Papaano mo maidi-deny sa akin, e, lumabas sa TV, ni-review ko sa TV. Tiningnan ko rin sa computer. And I saw you say those things, how can you deny it?'
"At sabi ko, 'Yang pamilya namin, kami ang gumawa n'yan. Ako ang gumawa ng building. That's 20 storeys. Kung magpapakamatay ang anak ko, aakyat na lang sa 20th floor. At 'yan, siguradong patay.'"
CLOSE RELATIONSHIP. Patuloy pa ni Mr. Lim, "I'm not a vindictive person and I'm very religious. My son, si James, we're very close. This past few weeks, we're very happy when we saw each other. Everything he requested, I granted it to him naman. Magkasundo kami. We had a very beautiful New Year together.
"Ang sa akin naman, masakit naman tanggapin na parang may sira ng ulo yung aking anak and it's unfair for us to accept na suicide na hindi naman suicide."
At kahit daw may mga nagsabi nga at nagpalagay na suicide ang naging sanhi ng kamatayan ng anak, wala naman daw siyang planong magdemanda pa.
"I don't have plans of suing, I guess, I am just requesting sana... if the kind mayor [Benhur Abalos of Mandaluyong City] would help us, give us justice naman. But I don't want anything na hindi aboveboard. I want anything na transparent and fair. Ilabas lang ang katotohanan that it was just a plain accident."






maraming pilipino kasi ang may ugaling kapag nakita nilang naiiba ang tao ay pinagtatawanan nila. nakaka disappoint talaga.
James was 6'2 and probably the railing of the balcony is below his waist. I'm sure it was very traumatic for Toni Rose to see her son in pain and agony co'z James was still CONCIOUS for over an hour before he expired due to internal bleeding.
... if a statement is given, to ridicule MENTAL HEALTH PROBLEMS, then it is right to criticize such IGNORANCE. Hindi po tamang i perpetuate nating mga Pinoy, ang pagmamaliit sa problemang pangkalusugan na kaugnay sa pag-iisip. Gusto pala nila ng ABOVE BOARD report, bakit pinipili nila ang katotohanan. Di hayaan ang isang transparent report. E papaano naman magkakaroon ng transparent report, kung pinaka cremate na agad ang labi? ILABAS LANG ANG KATOTOHANAN NA IT WAS AN ACCIDENT, sabi ng ama. How does this father know? How many children do you know, are honest with their parents, on how they feel deep inside? Kasama ba nila araw araw ang anak nila?
unsafe pala mga condo dyan sa Pinas.