ELECTION WATCH: VP candidate Edu Manzano unaffected by pre-election surveys.

Nerisa Almo
Wednesday, March 24, 2010 @ 12:39PM  |  9484 views

 

"I don't believe in surveys. It's just a guide. Pero maraming instances in the past which have proven na hindi ganun ka-accurate 'yong mga sinasabi sa surveys," stated Edu Manzano about the pre-election survey results, which showed he only placed fifth among the eight vice presidential candidates in the coming May 2010 elections.

Photo By: Noel Orsal













"I don't believe in surveys. It's just a guide."

Ito ang naging opinyon ng actor-TV host at ngayo'y tumatakbo bilang pangalawang pangulo na si Edu Manzano tungkol sa mga lumalabas na election surveys. 

Ayon sa pinakahuling pre-election survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Pebrero 21-25, nanatili sa ika-limang puwesto ang dating Pilipinas, Game KNB? host. Ang mga nauna sa kanya, ayon sa pagkakasunod-sunod, ay sina Senator Mar Roxas III, ex-Senator Loren Legarda, Makati Mayor Jejomar Binay, at dating chairman ng Metro Manila Development Authority na si Bayani Fernando.

Ganito rin ang naging resulta ng Business World-Social Weather Stations pre-election survey na isinagawa noong Pebrero 24-28.  

Sa kabila nito, hindi naman ito masyadong iniisip ng dating vice mayor ng Makati. Para sa kanya, "It's only surveys, and surveys can change. Ang tao na-survey kahapon, maaaring bukas iba na ang naiisip. Ganun ka-volatile ang survey, e."

Nabanggit din ni Edu na may mga pagkakataon na sa mga nakaraang eleksyon na "hindi ganun ka-accurate 'yong mga sinasabi sa surveys."

Sa halip na magpaapekto sa mga ganitong surveys, nais na lamang daw pagtuunan ng pansin ni Edu ang kanyang pangangampanya sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

BETWEEN FORA & FORAYS. Ang kanyang puspusang pangangampanya naman ang ibinigay na dahilan ni Edu kung bakit hindi niya nagagawang lumahok sa ilang mga pampublikong debate, lalo na sa telebisyon at radyo. 

Aniya, mas binibigyan nila ng pansin ang pagpunta sa iba't ibang rehiyon ng bansa upang personal na makausap ang ating mga kababayan.

"'Yong iba diyan, walang access sa mga pahayagan, tabloid or broadsheets, at umaasa lamang sa mga local leader. So, this is a better opportunity para namin mai-forgo ang aming mga kampanya, platforms, at ang aming mga  programs," paliwanag ng dating chairperson ng Optical Media Board.

Dagdag pa ni Edu, "Well, sometimes kasi kailangan mong timbangin, e.  Minsan, ang mga local leaders inaasahan mo talaga na tutulong sa iyong kandidatura—siya 'yong gagastos at tutulong mag-ayos ng mga tao.  Kailangan mo talagang pagbigyan.

"While the debates are important, pagdating sa mga region, pagdating sa mga probinsiya, these debates will not address their primary concerns. I mean, they want to talk to you nang harap-harapan. Gusto ka nilang tanungin kung paano mo sila matutulungan. Hindi nila nakukuha sa panonood ng mga debates. So, sometimes it's a very tricky situation.  Kailangan kong tingnan kung saan mas matimbang."

Mahalaga rin umano na alamin kung ano ang mas bibigyang importansiya lalo pa't magsisimula na rin ang kampanya para sa lokal na eleksyon.

"'Yong iba naman, papasok na kasi 'yong local elections, e. So, marami na kaming napangakuan na local politicians na kami ay dadalo. So, it's either you disappoint the network or you disappoint the local leaders," ani Edu.

Kinuha rin ni Edu ang oportunidad na ito upang linawin na wala na wala pa talagang pormal na pampublikong debate ang nagaganap. Aniya, "I think we should correct 'yong sinsabing 'debate.' I have yet to say debate on television. Wala pang debate, these are forums lang."

1  2  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name