Naging usap-usapan noong Final Judgment ng StarStruck V sa Araneta Coliseum last February 21 ang hindi pagsipot ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice. Among the past winners kasi ay si Jackie lang ang wala, puwera na lang siyempre sa Ultimate Sole Survivor ng batch 3 na si Mark Cielo, na pumanaw noong December 2008. May previous commitment daw kasi Jackie kaya hindi siya naka-attend ng Final Judgment.
Kaya ito ang unang itinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Jackie sa taping ng "Tisay," ang susunod na episode ng Dear Friend for the month of April. Ginanap ang taping sa 22nd bar & restaurant ng aktor na si Mon Confiado sa Marcos Highway, Marikina City noong March 23.
Mas importante ba ang previous commitment niya kesa pag-attend ng grand finals ng StarStruck V, na nagsilbi ring reunion ng past winners and Avengers?
"Matagal ko na pong pina-block-off ang February 21 sa schedule ko kasi birthday po 'yon ng brother ko na binigyan ko ng party sa Subic," paliwanag ni Jackie. "Kaya nang sinabi po nila sa akin na kasama ako sa show, nakiusap akong huwag na akong isama dahil nakahanda na 'yong party, hindi ko na puwedeng i-cancel."
Alam ba niyang dahil dito ay nababalitang nagiging pasaway na naman siya?
"Hindi na po ako pasaway," nakangiti niyang sabi. "May natutunan na ako sa nangyari sa akin after ng StarStruck 3. I'll turn 20 na po sa April 27, at alam ko na ang mga obligations ko, at naka-focus po ako sa career ko."
Hindi ba siya nanghinayang na kung nagtuluy-tuloy sana siya after winning StarStruck ay baka malayo na ang narating niya, at baka isa na rin siyang superstar ngayon?
"Naniniwala po ako na hindi pa 'yon ang time ko," sagot ni Jackie. "What's important, nakabalik po ako at may trabaho. Hindi po ako naghahangad na maging superstar. If ever na maabot ko 'yon, bonus na lang po 'yon sa pagsisikap ko sa pagtatrabaho.
"Kaya I'm happy and thankful na kahit mayroon na akong Panday Kids sa primetime, kinuha pa rin nila ako rito sa 'Tisay.' Basta po trabaho, hindi ako nagrereklamo. Like ngayon, nagte-taping na ulit ako ng Panday Kids three times a week. Semi-regular din po ako sa Bubble Gang na Monday naman ang taping namin."
LEADING MEN. Alam ba niyang hindi na si JC de Vera ang katambal niya kundi ang kapwa niya StarStruck graduate na si Paulo Avelino?
"Nagulat nga po ako nang bumalik ako sa taping, wala na si JC," sabi ni Jackie. "Hindi ko po alam na aalis na siya sa show namin at sa GMA Network. Hindi po niya nabanggit noon, at hindi rin siya nakapagpaalam sa akin."
Si Joross Gamboa ang leading man ni Jackie sa "Tisay." Alam ba niyang crush siya ni Joross at bumili pa ito ng copy ng FHM na siya ang cover para mapa-autograph sa kanya kapag nag-taping na sila?
"Talaga po?" nagtatakang tanong ni Jackie. "Wala po kasi siyang nababanggit sa akin noong first taping day namin at wala rin naman siyang dalang copy ng FHM! First time ko pa lang nakilala si Joross at ang bait-bait niya sa akin. Masaya siyang kasama, kabaligtaran ng role namin dito sa 'Tisay' na may pagkaseryoso."
Isang bar girl ang role ni Jackie sa "Tisay."
"Misteryosa po ang character ko. Sa araw, college student ako. Schoolmate kami ni Joross at hindi niya alam na sa gabi, pumapasok ako sa bar. Hindi po naman daring ang role ko rito, tama lamang sa age ko. 'Saka Sunday afternoon po ito ipalalabas after ng Party Pilipinas, kaya hindi puwede na magpaka-daring ako sa eksena," sabi niya.
JACKIE'S BOYFRIEND. Kung noon ay nagde-deny si Jackie na may boyfriend na siya, ngayon ay inamin na niya ito. Ang pangalan ng kanyang boyfriend ay Andrew, na sinasabi noon ni Jackie na ka-date niya kapag free siya sa trabaho.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
25 2gud2bpinoy
if that's your belief then so be it. But I tell you this, once they take their showers...
24 2gud2bpinoy
OMG! Your reasoning is way off mark. Are you telling me that caucasians smell bad? If that's your belief once they take showers, they will still look way better than your average half-caste Pinoy.
Exotic beauty? That's below the belt. I know what you're implying - dark-skinned Filipina women? Personally, I've laid eyes on many dark skinned Filipina women and they aren't bad, some more hotter than your half-caste Pinoys. But as I've said, once you see the world, your views will change.
23 badjaobabe
under_rated
wala akong preference...pero gusto ko yung may features na mapapawow ako
may mestisa talagang walang dating kahit matangos pa ang ilong at maputi ang balat. si jackie lou blanco, wa arayb sa akin yan, kahit half espanol, ang tapang ng mukha. pero si marian ang soft ng features nya, pwede kong ibenta sariling kong nanay kapalit ng byuti ni marian...
si donita rose, nakasabay ko na sa salon sa makati, and no hindi ako ang nagkulot sa kanya, customer din ako tsehhh!!! mestisa pero hindi rin ako napa nganga sa ganda
eh kase siguro mga mukha nila parang lagi ko na nakikita sa araw araw, i swear my ka opismeyt akong kamukha at magandang version ni nadine samonte, eastern european din like nadine na may dugong aleman...isip isip ko ang dami kong magagandang ka opisina siguro kung sa pinas tong mga to niligawan na ng mga bading para mag artista
22 badjaobabe
under_rated
asus isa ka ring nagpapaniwala sa sabi sabi...lahat ng lahi may mababaho. wala yan sa race, nasa personal hygiene mo yan and yung uri ng diet mo
enewis, mabango kaya ako...amo'y malinis, amoy sabong panlaba
21 eliza222
kaso di ko gus2 ung pag bf nya..
di sya makakafocus sa work kahit anung sabihinn nya
20 beall
19 coolangotboy
18 coolangotboy
17 under_rated
badjaobabe
baka iba lang ang taste nyo... maybe u guys prefer exotic beauties!!!
oo nga hindi cya stunner compare sa mga beauties sa binanggit mong lugar... perhaps, u've been there, coz isa lang ang masasabi ko... they dont smeel good! do u??
16 pusotisipmo
15 investigator
14 casper123
13 mafugly
12 2gud2bpinoy
No I concur with your comments. She is not a stunner, not even worth a second look. Filipinos, Filipinos, please just because a Filipino is half-caste doesn't automatically mean they are beautiful. Do you guys want to see real caucasian beauty? Then go to Europe, the UK, NZ , Australia. Open your eyes, see the world. Then you will realize that these half-caste Filipinos that you so adore aren't that hot at all.
11 sleepingchild
10 Bopet
9 superpanalo
8 12345
7 lema
6 bataanmatamit
Mag-asawa ka na lang.
more comments