Kilala bilang makulit pero charming na Unang Hirit at Balikbayan host, may bagong show si Drew Arellano sa Kapuso network na tila swak na swak sa personalidad niya.
Ito ang AHA! "It's an edutainment show," pakilala muna ni Drew sa kanyang bagong show nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, March 24, sa press conference na inihanda para sa kanya sa Crustasia, Trinoma mall, Quezon City. "It's a show that features interesting trivia, facts, and a lot more. It's educational and at the same time, entertaining."
Kilala bilang adventurous biyahero, handa si Drew na pumunta kung saan-saan at subukan ang kahit na ano, for the sake of learning and fun. "I've always been like that, I like discovering things. I love traveling and trying out all sort of things. I love talking to locals. Ganun nga ang trabaho ko sa Unang Hirit, di ba? And that's what I do in Balikbayan, too, for five years. So I think, this show, it's also a mixture of traveling and discovering."
Higit pa sa pagdidiskubre, pagbibigay ng mga impormasyon at pagbibiyahe sa mga interesting na lugar, magpapakita rin ng pagiging adbenturero at athletic ni Drew.
"For example, for the second episode, kasi, it's inter-connected, e. In the first episode kasi, we'll feature cloud seeding and for the intro of the second episode, we'll shoot with me jumping off the plane, skydiving and then when I land, I'll say my spiels. 'Tapos pag mali, ulit uli. Malaki budget namin, e," patawa ni Drew. But seriously, kahit na first time gagawin ni Drew ang skydiving, handa naman daw siyang i-take ang challenge na ito dahil na rin sa pagiging fit niya.
Isang tri-athlete kasi si Drew. Sa sport niyang triathlon, tatlong sport disciplines ang ginagawa to compete: biking, running and swimming. "We'll also feature this sport in the show. Especially, running. Well, running now is the new badminton. Everybody is into running. Piolo Pascual is into running, Edu [Manzano] is running, Manny Villar is running," tuluy-tuloy na biro pa ni Drew.
BREAKING A RECORD. Dapat daw abangan sa AHA! ang pagbi-break ni Drew ng isang record. "Ay...baka i-feature pa ito ng Pinoy Records, baka pati kabila [ABS-CBN] kunin pa. Baka imbitahin pa naming ang Guiness World Record for this! Basta, I will attempt to break a record! I will risk my life for this. I might suffocate."
Nalaman later on ng PEP mula sa executive producer ng show at program manager na si Joy Marcelo na ia-attempt ni Drew na magsuot ng pinakamaraming T-shirts, all at the same time. "The current record is around 183 or 185 shirts yata. So, Drew will wear more than that," pahayag ni Ms. Joy.
Tinanong ng PEP si Ms. Joy kung bakit si Drew ang napili nilang nag-iisang host ng show. "Well, it's about time for him to have his solo show in GMA. He's been with Unang Hirit for a lot of years now. And he's very athletic, he's your English-Tagalog boy na ambilis maka-pickup. We believe in him, the News and Public Affairs [Department] believes in him.
"We think it's high time to give him his own show. He's very smart, aside from being good looking. He's also your kuya, your ulirang anak, your barkada. Because he's very friendly, he knows how to talk to people, especially kids, and walang matatakot sa kanyang makipag-usap at matuto, because he's very approachable. We believe it's easy to learn from him."
COMPARISON TO KUYA KIM. Sa napipintong bagong pagpapakilala ngayon kay Drew bilang "your all-around credible info guy," hindi mapipigil na maikumpara siya sa "trivia guy" naman ng kabila na si Kuya Kim Atienza. Ano nga ba ang edge niya rito?
"I'm young and athletic!" biro muna ni Drew na sinang-ayunan naman ng mga naroroong press dahil totoo namang mas bata nga si Drew kay Kuya Kim at athletic nga. "But seriously, I am a fan of Kuya Kim. I watch him. He's like... the new Ernie Baron!
"But you know, I know I'm gonna be compared with him, and it's an honor. Pero I'll try to be different and do my best to be my own. I guess, yun nga, my edge over him is that I am younger and athletic," sagot ng boyfriend ni Iya Villania.
SETTLING DOWN WITH IYA. Naitanong din kay Drew kung may balak na ba sila ni Iya na lumagay na sa tahimik.
"In the future, siyempre. I also have plans of settling down. Pero sa ngayon, hindi pa kasi nagpo-propose si Iya, e. Wala pa akong natatanggap," patawa uli ni Drew. Pero seryoso raw talaga siya sa plano niya to settle down.






he would hav been a better host for survivor...
oh wellz..
goodluck drew !
bagay talaga kayo ni iya!
sana kau na talaga 4ever..lolz
i remembered watching click...
dat was fun...
lol
Si Drew astig ang dating - malakas ang appeal, witty bagay na bagay sa Survivor host or kahit saan basta hosting.
Si RGUTZ na host ng Survivor ngayon - Voy na Voy ang dating, boring mag voice over meron dating pero hindi pangmasa. Proof? watch the GMA Documentaries about nature, movies flop, full house low ang ratings.. etc.. Hai nakow GMA7 nga talaga.
It's about time.
Anyway congrats sa GMA...
2009 ==net income==
GMA 2.8 Billion
hmmmm
ABS kaya???????????
I also discovered it was posted in access pinoy MAS MAHAL ANG AD RATE NG GMA compared sa ABS.
GMA - P475,200 30-second primetime ad spot.
ABS - P432,879 for 30-second primetime ad spot
isa na dapat na pinagpilian nyo si drew.
i suggest after this celebrity edition ng survivor ay ung tunay na host talaga nyo ibigay
true. sa qtv dami hyo magaling na host, marc, rovilson, paolo abrera, ung sa qtube. dami pa
anyway..more power drew. funny and witty ito si drew eh. malakas pa appeal sa mga girls
papanoorin anmin yan
well i know ung balikbayan
malakas dating nya kasi tunay na lalaki sya eh.
dapat tlaga sya sa survivor
dami magagaling na host sa qtv. dapat sila ang pagpilian sa survivor eh
gwapo.
delicious
basta talaga sa gma tunay na lalaki
sana sya na lng host ng survivor eh after celebrity edition
from generala santos city and solid kapuso
merlion_25
March 25, 2010
14:40 PM
katuwa naman ang isa rito.. di naman kinukwestiyon if meron kang mapuri or not sa GMA7. Its your attitude dude. Your character. And your IQ. It all show sa mga posts mo.
---------------------------------------
exactly. di naman kasi big deal kung abs o gma ang gusto mo kasi mga istasyon lang yan at sari-sariling trip naman eh. maigagalang ng mga tao yung mga preference mo pero kung bumitiw ka ng maaanghang na salita na wala naman sa lugar e di malaking problema na yun.
problema kasi sa mga ibang kapamilya kung manlait sa gma akala mo pinatay ng gma yung mga kamag-anak nila. tama ba yun? tapos kung gumawa ng argument wala namang kasense-sense. again, tama ba yun? yan ang itanong mo sa sarili mo.
minsan kasi mas mainam na manahimik na lang. tignan mo si osang. dakdak ng dakdak di naman namimili ng sasabihin. anong bagsak niya ngayon?