"Kasi lahat naman siguro ng artista enjoy naman na umarte at umeksena. Siguro lang, iniisip din yung image. Pero ako, I feel very, very lucky sa mga opportunity na dumarating sa akin," says Victor Basa about playing out-of-the-box characters in movies.

Photo: File photo

May pagka-complex ang character na ginampanan ni Victor Basa sa indie film na Romeo at Juliet, na palabas na ngayon sa mga sinehan. Kapareha ni Victor sa naturang indie film si Alessandra de Rossi.

Sa premiere night ng movie last March 22, halatang masaya si Victor sa kinalabasan ng kanilang pelikula at sa mga papuring narinig niya sa kanyang acting.

Kung matatandaan, sa indie film na Maling Akala, he played a gay role. Dito naman sa Romeo at Juliet, ginagampanan niya ang isang lalake na dala ng hindi magandang childhood ay nagkaroon ng hindi magandang epekto sa kanyang pag-iisip at emosyon.

OUT OF THE BOX. Sa hanay ng young actors ngayon, si Victor yata ang isa sa masasabing hindi nagpapa-kahon lang pagdating sa pag-arte. Hindi ba siya yung tipong takot tumanggap ng kahit anong klaseng character?

"Well, hindi ako takot," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi lahat naman siguro ng artista enjoy naman na umarte at umeksena. Siguro lang, iniisip din yung image. Pero ako, I feel very, very lucky sa mga opportunity na dumarating sa akin.

"Well, siyempre, I trust din also yung mga audience natin is a thinking audience. I mean, matalino naman ang audience natin sa Pinas. So, nadi-differentiate naman nila yung character kesa sa totoong tao."

Nag-audition ba siya for his role in Romeo at Juliet?

"We had a screen test. Parang audition na rin yun," sabi ni Victor.

Nangiti lang si Victor at tila nahiya nang malaman niya na mismong ang director ng Romeo at Juliet na si Adolf Alix Jr. ang nagsabi na isa sa reason kung bakit siya ang napiling gumanap sa role ay dahil sa kanyang mga mata. Ayon sa direktor, Victor's eyes can already speak about the character he portrays.

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang leading lady na si Alessandra de Rossi?

"Well, Alessandra is a dream to work with," sabi ni Victor. "Noon, akala ko yung image niya minsan parang mataray, palaban talaga at saka medyo siyempre napaka-prangka niya. Hindi ko naramdaman lahat yun. Well, nakita ko ng konti, pero sabi ko, hindi...hindi siya 'to, e. Tapos usap-usap kami. She's actually very sweet."

SEX VIDEOS. Natawa si Victor nang ipaaala sa kanya ang isang eksena sa movie kung saan nanonood siya ng sex video. Nanonood din ba siya ng sex videos sa totoong buhay?

"Siguro may ilang kaibigan na nagpakita. Like, 'Uy, nakita mo na ba 'to?' Pero hindi ako nanonood. Kasi respeto mo na rin sa tao yun. Ano yun, e, private video yun at ayoko rin namang mangyari sa akin yun."

Sigurado ba si Victor na wala siyang sex video na puwedeng lumabas any time?