Isang buwan na namang suspension ang ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa morning talent-search show ng ABS-CBN na Showtime. Ito ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng programa noong Enero.
Bukod sa Showtime, kasama rin sa suspension ang panandaliang pumalit na programa rito, ang Magpasikat. Iminungkahi rin ng MTRCB ang pagsampa ng "criminal charges" laban sa ABS-CBN Head of Entertainment Production Linggit Tan at iba pang kaugnay na opisyal ng network na "responsible for the violation."
Sa kabilang banda, hindi naman na ikinagulat ng ABS-CBN ang desisyong ito ng MTRCB. Ayon sa press statement na ipinadala ng Corporate Communications head ng ABS-CBN na si Mr. Bong Osorio kaninang hapon, March 26, sa PEP (Philippine Entertainment Portal): "Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime."
BACKGROUND. Matatandaang nag-utos ng 20-day preventive suspension ang MTRCB sa Showtime noong Enero kasunod ng hindi magandang pahayag ng aktres na si Rosanna Roces bilang judge tungkol sa mga guro. (CLICK HERE to read related article.)
Agad umapela ang ABS-CBN sa Court of Appeals para maalis ang suspension. Habang naghihintay ng desisyon, bumuo ang network ng isa pang programa na pansamantalang pumalit sa Showtime, ang Magpasikat.
Matapos ang ilang linggo, dininig ng Court of Appeals ang apela ng Showtime sa pamamagitan ng pag-isyu ng Temporary Restraining Order na nagbigay-daan upang muling magbalik sa ere ang Showtime. (CLICK HERE to read related article.)
Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng MTRCB ang imbestigasyon sa controversial episode ng Showtime. Ang panibagong suspension order ay kaugnay ng naging resulta ng nasabing imbestigasyon.
SHOWTIME GOES ON. Sa statement na inilabas ng ABS-CBN, binanggit nito na hindi pa naman "final at executory" ang desisyon ng MTRCB kaya tuloy pa rin ang pagpapalabas ng Showtime. Aapela rin daw ang ABS-CBN sa Office of the President.
Ito ang full statement ng ABS-CBN:
"Ang lumabas na desisyon ng MTRCB kaugnay ng programang Showtime ay hindi na ikinagulat ng ABS-CBN.
"Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime. Matatandaang, tuwirang kiniwestyon ng pamunuan ng ABS-CBN ang 'validity' ng ipinataw na preventive suspension order kung kaya't ang ABS-CBN ay naghain ng pormal na reklamo sa Ombudsman laban sa MTRCB chairman sa paglabag nito sa anti-graft and corrupt practices act.
"Ang desisyon ng MTRCB ay hindi final and executory. Hindi sang-ayon ang ABS-CBN sa nasabing desisyon kung kaya't ito'y iaapela sa Office of the President.
"Samantala, ang SHOWTIME ay patuloy na mapapanood at magbibigay aliw at inspirasyon sa mga kapamilya sa buong mundo."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
325 felixsotto
324 showbizbuddy
323 kapuso_u
..
..
..kasama ang milliong fan ni vice at libo-libong fan ni ann...patalsikin sa pwesto si la guardia...
..
..mga showtime fans patalsikin natin si la guardia...
322 arniebella
321 AKOKAZE
320 myca_bag
319 purplebaguiocats
ang comment ko lang sa issue na to,,,parang napaka-baseless naman na ngayon pa isu-suspend ang showtime, e yung nasabi na yun ni rosanna roces kelan pa ba nangyari? matagal na yun ha, wala na yun sa memory ng mga nanonood tas saka ipapataw yung sanction.
very poor judgement ito ng mtrcb, in my opinion.
318 remyr12
Hindi ako kapamilya or kapuso, I watch what I want pero ang labo ng MTRCB na ito, power tripping talaga. Kung walang action ginawa ang ABS after that incident or in general any network ayon, ayon makialam na talaga sila.
317 archangeldiva
kahit sa eleksyon kaya nila pinipilit manalo si noynoy abnoy ay para maghari-harian na naman sila at lumakas sa presidente.
tingnan ko lang ang galing nila na PURO UTANG sa dalawang istasyon na maraming pera...galoing galing at pang-dos sila
ngayon after GMA and TV5 POOR THIRD na ang abs...
bwahahaha
kung ako ang MTRCB...papatawan ko ang lahat ng shows nila ng suspension kasi LUMALABAN PA AT SUMASAGO....hahaha
316 Proxy13
Kaya pala na-ubusan na ng stock ng sardinas na ipinapamigay sa panel homes ang GMA eh, binigay na lahat kay LaGuardia! haha
315 datingkapams
ABSCBNThe1stP
hilippineTVSt
ation
-----
ateng below sea level ang iq mo ano kinalaman ng GMA dito ? di kaya ang Evil-s-cbn ang disperado palibhasa ngayon lang nakatikim ng mejo mataas na rating sa umaga kaya lahat ng issue ginagawa? kahit hindi dapat sa TV pinapayagan? helllueeeerrrr grabe naman ang kamangmangan ng isng to
314 kapamilyangtanga
313 citiboy
ginawa na ng management yung nararapat by pulling out osang from the show, but still ay pinasuspend padin sila as a whole...tsktsktsk
312 purepinoy0815
311 ranz1227
.
Laosdos geh pagdasal m0ng mawala ang sh0wtime, yun lang bA ang alam m0ng way para 2maAs ang rating ng mahal m0ng diz is it.?
310 leedemi
309 laosdos
308 laosdos
307 akosigotti
306 coolitz4coolitz4ever
more comments