Para sa finale number ng kanyang birthday concert noong Friday, March 26, tinutoo ni Aljur Abrenica ang kanyang pangako na magpe-perform nang topless habang kinakanta ang "I'm Yours" ni Jason Mraz.
Laking tuwa ng mga taong nakapanood sa Zirkoh Tomas Morato sa Quezon City, at halos hindi mawala sa mukha ng young actor ang napakasayang ngiti.
Masayang-masaya si Aljur sa naging turnout ng kanyang first solo concert. Nakahinga na rin daw siya pagkatapos ng ilang linggong kinakabahan simula nang malaman niyang magkakaroon siya ng concert, in line sa kanyang birthday noong March 24 at sa launching ng kanyang album under GMA Records and Sony.
"Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari, na mapupuno ko ang Zirkoh. Kaya ngayon, parang gusto ko pang round two," natatawa niyang biro.
"Nasa bahay pa lang ako, tinatawag-tawagan ko ang mga kaibigan ko. 'Kumusta ang crowd?' Noong sinabi pa lang nila na mahaba ang pila, talagang na-excite ako. Kaya hindi naman ako masyadong kinabahan. Mas nabuhayan ako noong sumigaw na sila."
May prompter daw na nakahanda, pero hindi na niya kinailangan ito.
"Sa totoo lang, lahat ng mga songs na kinanta ko, hindi ko sila alam. Ni isa sa kanila, wala akong piyesa. Binigay sila sa akin na bago lang. Pero sa loob ng two weeks, talagang pinagdasal ko na magawa ko sa kabila ng mabigat na schedules ng taping, promotion, every night nire-review ko siya bago matulog, sa biyahe. Palagi 'yan, so, kasama ang dasal d'yan," aniya.
Kaya, "talagang nagpapasalamat ako. Unang-una, kay Lord na palaging nandiyan para sumuporta. Sa aking showbiz family. Sa aking family, sa mga supporters at sa iba pang mga bossing ng GMA, nandiyan, sila Tita Lilybeth Rasonable dumating, at mga taga-GMA Artists Center at siyempre, sa PPL [kumpanya ng talent manager na si Perry Lansigan], thank you very much sa PPL, kay Tatay Perry Lansigan na nag-produce ng show na ito para sa aking birthday concert."
SURPRISE GIFT. Sa kalagitnaan ng duet niya with special guest Kris Bernal, may iniabot sa kanya ang kanyang ka-loveteam.
Kuwento ni Aljur, "Habang kumakanta kami, medyo humiwalay siya sandali. Tinawag niya si Camille, isa sa mga kaibigan namin, tapos may inabot sa kanya at binigay sa akin. So, sa gitna ng stage, na-speechless ako. Tapos sabi niya, suotin ko at hanggang ngayon suot-suot ko kaya maraming-maraming salamat sa 'yo, Kris, sa pagiging thoughtful."
Sabi ni Kris na ibinigay niya raw ang Charriol bracelet kay Aljur para palagi siyang maalaala nito habang suot-suot ang gift na gawa ng kilalang Swiss manufacturer.
"Isa ito sa mga gift na hindi ko ine-expect," nakangiting sabi ng binata.
Ikatlo na nga ito sa mga regalo na binigay ni Kris sa 20th birthday ni Aljur. Nauna na ang dalawang polo shirts na natanggap niya sa birthday niya mismo.
Ani Aljur, "Simple lang akong tao. Kahit anong ibili ni Kris sa akin, naa-appreciate kong talaga. Minsan wala nang time bumili, minsan siya ang nagkakaroon ng time para bumili ng mga damit sa akin. Thank you talaga, Bebs."
CLOSENESS WITH KRIS. Sinadya raw talaga ni Kris na tatlong regalo ang ibigay, para na ring sinabi niyang "I love you." Sa personal, nasabi na ba ito ni Kris sa kanya?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
52 blitzkrieg144
51 xspring
50 nzabanal
tutal hindi naman kayo maniniwala..
'ako kasi witness .. kaya bahala yung mga bitter kay Kris.. God Bless You..
BAsta yung mga nasa ZIRKOH eh masaya . sa mga naiingit eh sorry na lang for you.. kasi kami nanadoon until 3 am ..kung saan nandoon ang ALKRIS ...
dahil apreho pa sila ang rehearse.. before the show
actually the show starts 12 aam.
sa mga bitter.. naku kayo na lang kaya magtanong sa Family Abrenica,, at don sa Kins ni Aljur na nandoon din sa Concert na mga taga Pampangs.. sa kanyang mga tita Lola at cousins who are present there
49 alexangel
48 investigator
Sa kabila puro PA MEN..!
Eeeeww!
47 diakoikaw
GMA Truly Gives Mga Kapuso World Class Show.! KUDOS..!
Sobrang GALING.!
46 lanalang08
45 ldavid
44 asidik
43 ABSlol2GMA
42 archeryrich
badjaobabe
Asus,hindi nga ata niya kinakausap si Kris off cam eh. Muwahaahhaha! Isa sa piakaOA na labtem ng Pinas.
41 archeryrich
franchescarya
nne
Nakakaloka! Super Super Mega Over hype ang nangyari,. Si Fusion,parang kaballroom lang ni Geleen Eugenio,ayun na iyun? Wala,nilipat ko agad,bigla ko tuloy na=appreciate yung ASAP kahit wala sa studio. Palipat lipat na lang ,ang balak ko sana papanuorin ko buong show. Watapak! Pinilit pilit ko pa man ding imulat ang aking mga mata kanina para makapanuod ng PaPi,feeling ko luging lugi ako. Yun na yun?! Parang so-so episode ng ASAP.
40 rehamreema
palagpasin mo na lang yan si dubai, ganyan talaga ang mga camel, di lang siguro napakain at napainom dun sa desert safari! laklakan na lang kayo ni al yun na! aljur, congrats!
39 isseymiyaki
38 badjaobabe
franchescarya
nne
weird, i said exactly the same kay arch!!!
37 tokiyomi69
36 tokiyomi69
35 nzabanal
Sana nanood kayo ng Nirthday Concert ni Aljur sa ZIRKOH para malaman ninyo na mas naging vocal this time sa appreciation niya kay Kris si Aljur at hindi kris..inspite of the aljurs kins present on the concert ..lahat sila nandoon supportive of ALKRIS.. from the Abrenica Family to the kins of Aljur in Pamoanga who were there ...
Sana nakita ninyo kung paano ou ong-puno ng pasasalamat si Aljur kay kris..
huwag ninyo sanang husgahan si kris.. doon nakita kung gaano ka vocal si aljur kabaligtaran sa sinasabi ninyong naging vocal si Kris..
yung hindi ninyo nakitang ginagawa ni aljur pag nasa harap ng camera sa television..
you will along witness it doonsa concert ni Aljur.. kung paano siya ang uanag yumakap kay kris on that day of the concert...
34 greatballsofchina
33 greatballsofchina
more comments