news

Jason Abalos sets aside love life to focus on his career

by Nerisa Almo posted on April 2, 2010  STATS: 7321 Views | 24 Comments

"Kasi hindi lang talaga nabibigyan ng panahon. Kasi, magiging unfair kapag pinasok mo naman, 'tapos di mo mabibigyan ng oras, e," Jason Abalos says about not having a girlfriend.

Photo By: Nerisa Almo

Nilinaw ni Jason Abalos na bagamat magkatambal sila ni Andi Eigenmann sa primetime series na Agua Bendita, imposible umano na mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan

Para sa binatang aktor, malapit na kaibigan lamang ang kanyang turing sa dalagang anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose, na nakatrabaho naman niya sa Nagsimula sa Puso (2009)

Nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin kung sakaling mahulog siya kay Andi, natatawang sagot Jason, "Kailangan munang ipagpaalam kay Mama Minda [Jaclyn's role in Nagsimula sa Puso]."

Ayon kay Jason, napag-usapan na nila noon ni Jaclyn ang pagsasama nila ni Andi noong ginagawa pa lamang nila ang dating afternoon teleserye. 

Kuwento ni Jason, "Kasi noong nasa Nagsimula sa Puso pa lang kami, hindi pa kami tapos, nalaman namin na gagawin namin itong Agua Bendita. Sabi niya, 'Oy, aalagaan mo ang anak ko, ha? Babantayan mo 'yan.' Sabi lang niya, 'Bantayan mo lang.' Parang, siguro, 'Alalayan mo lang.'"

Nabanggit ni Jason na ngayong Holy Week, nagpaplano ang kanyang mga dating kasamahan sa Nagsimula sa Puso na isang get-together. Pagkakataon na kaya ito upang mas mapalapit sa kanyang leading lady at sa ina niya?

"Kung ibibigay 'yon, binigay ng pagkakataon," matipid na sagot ni Jason.

Pero dagdag niya, mahirap na lumigaw ngayon sa 19-year-old actress dahil pausbong pa lamang ang kanyang showbiz career. "Kung darating ang time. Pero ngayon kasi, ang ganda ng takbo ng career niya, e. Parang ang hirap harangin, e. Ang hirap 'yong ikaw ang maging dahilan para masira, di ba?"

STILL MAJA. Sa kabila ng pagkakaroon ng panibagong ka-love team, hindi pa rin naitanggi ni Jason na mas lamang pa rin sa puso niya ang dati niyang kapareha na si Maja Salvador.

Minsan na ngang na-link ang dalawa sa isa't isa ngunit hindi naman ito nauwi sa isang tunay na relasyon.

Ayon sa 25-year-old aktor, minabuti niya muna na mag-focus sa kanyang showbiz career bago bigyan ng pansin ang lovelife. Aniya, "Siguro, hindi lang para sa akin. Gusto ko din pero hindi naman ako nagmamadali. Kung talagang para sa akin, para sa akin."

Patuloy pa niya, "Ito palang trabaho, kumbaga, binigay ng Diyos sa akin, sobrang pagpapasalamat, e. Hindi na ako humihingi ng kung ano pa. Kung ibigay man 'yong, kunwari, lovelife, parang bonus na 'yon.  Sobrang suwerte ko na kapag sa career okay ka, sa lovelife okay ka pa rin."

Ayaw niya rin umano na maging dahilan ng posibleng pagkaudlot ng kasikatan nila ni Maja kung magkaroon man sila ng relasyon. Ito ang dahilan kung bakit tila matagal-tagal nang walang balita tungkol sa lovelife ni Jason. 

Paliwanag niya, "Para kasi nagsisimulang artista [pa lang siya noon]. Ako rin, nagsisimula, iniisip ko rin ang career ko. Sila din, mas iniisip nila ang career nila kasi mga babae sila. Parang kapag pinasok ko 'yon, tapos masira ang career nila, ako pa ang masisisi."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

24 Comments

  • 24  jedakish

    04/07/2010 | 05:36 PM
    i know my gf na xa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  jedakish

    04/07/2010 | 05:35 PM
    basta gwapo si jason abalos.....!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  jedakish

    04/07/2010 | 05:35 PM
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  alvaro_alvaro

    04/04/2010 | 10:45 AM
    i heard na GMA wants to pirate this guy.
    but abscbn stops that kaya ayan andaming projects nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  hohummm

    04/03/2010 | 10:41 PM
    Magaling na artista si Jason. Naging best actor na siya sa Gawad Urian nong 2008.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  gmaforever15

    04/03/2010 | 08:11 AM
    grabe gwapo ah..yummy and hot:D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  periwinkle007

    04/03/2010 | 02:05 AM
    bitter bahh???as in very hehehe...sa daming oTAW na artista kay m.r .pa kicompaaaaare!!! sooo...sooo...talaga

    nawindang ang aking UTAK te!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  gANNda

    04/02/2010 | 10:16 PM
    Jason is good in acting...he is famous here in canada...xempre pa may hawig k Ace Vergel...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  sakanalovelife

    04/02/2010 | 05:43 PM
    wow! we love himm.his mind and heart shows....iba sya,,yan ang gusto ng tao,,may isip at nag iisip sa kanyang future,,,tama ka jason,mag ipon at trabaho lang naman,,saka na yang lovelife,,u just submit yourself kay god at tlagang ibibigay nya nag tamang babae sayo soon..bata kapa naman..career muna,,,jan nasisira mga stars o tao,,,godbless..isa kang actor!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  mhacey

    04/02/2010 | 04:19 PM
    kilala q to kasi tfc lang meron
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  kapamilyatothemax

    04/02/2010 | 03:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kapamilyatothemax

    04/02/2010 | 03:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Einstein_1

    04/02/2010 | 03:02 PM
    dk kilala to.. another STARLET from ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  jemei

    04/02/2010 | 02:43 PM
    1 sino ba lola mo? why isa lang kilala nya? hehe...parang ayaw mo kay marian nuh?? peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  MARKY2000

    04/02/2010 | 01:13 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • erlindap

    04/02/2010 | 01:12 PM
    Being a well educated Engineer and a good looking young man, so humble and a good actor, you are very deserving. Maja would be a good match for you. You are so complimenting to each other.
    Pwede ba bakuran mo na si Maja.sayang naman kung maunahan ka pa..........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thebest

    04/02/2010 | 12:32 PM
    di ko ito feel langaw ka lang sa abs
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kiyemestrykc

    04/02/2010 | 11:46 AM
    hindi ka sisikat andyan si JLC!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tseekitita

    04/02/2010 | 10:58 AM
    at saka magagalit si jason sa yo nyan kasi nilelevel mo lang sya sa pang kamuning lang... dun mo sya e level sa jonas brothers. chura nito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tseekitita

    04/02/2010 | 10:54 AM
    supertalino...

    talagang nag effort ka pang e compare si jason kay marian kong feeling mo mas sikat si jason para sa u.. sikat pala sya abroad e di compare mo sya ke orlando bloom .. kaloka tong taong to...at saka wag mo ni lang lang ang kamuning. halatang bitter ka lang neng wag maxado halata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About