Kasabay ng pagbubukas ng Party Pilipinas noong Linggo, March 28, ay ang pag-welcome sa pinakabagong Kapuso na si Mark Bautista, na regular na ring mapapanood sa bagong musical-variety show ng GMA-7.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Souvenir Room ng GMA Network Studios habang ongoing ang Party Pilipinas.
Bago lumipat ng GMA-7 si Mark ay kabilang siya sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP XV, na katapat ng Party Pilipinas. When asked kung masaya ba siya sa kanyang paglipat, sinagot niya na masaya naman siya. Pero biniro siyang parang hindi naman yata, kaya natawa ito.
"Hindi, kanina, oo...may ganun ako. Parang sa backstage pa lang, parang before noong prod ko, parang, 'Oh no, ito na yun!'" kuwento ni Mark.
What does he mean by saying, "Oh, no!"?
"Well, si Ms. Reg [Regine Velasquez], nag-i-intro sa akin, grabe ang kaba ko!" sambit ng Viva artist. "Pero sabi ko, i-enjoy ko na lang 'to. Masaya ako. Masaya ako na napasama sa show. Bago kasi ang show kaya bago ang lahat.
"Mas excited ako actually sa mangyayari sa career ko rin. Sabi nga ng manager ko, magandang move din for me kasi may mga ino-offer naman silang mga bagong projects for me. As an artist, maggu-grow rin ako at mas marami akong mae-experience na trabaho rin dito. Masaya ako. Masaya ako," diin niya.
NEW HOME. Tinanong ng PEP si Mark kung may pressure ba siyang naramdaman sa pagbubukas at pagkakasama niya sa Party Pilipinas since galing siya sa katapat na show ng kabilang network. May mga comment pa ngang, "Kaya bang ipag-rate ni Mark Bautista ang Party Pilipinas?"
"Sobra naman!" natatawang sabi ni Mark. "Hindi naman siguro. Parang... Actually, hindi naman ako yung reason siguro na magpapa-rate sa show. Sa cast pa lang ng Party Pilipinas—Regine, Jaya, Ogie, and Janno—sila pa lang, e, hindi na nila kailangan ng tulong pa. Alam n'yo yun? Ako naman, ginawa ko lang din ang trabaho ko. Gusto ko lang din na i-enjoy itong ibinibigay sa akin. Walang pressure."
Nakukumpara ba niya ngayon ang work na nakikita niya sa Party Pilipinas sa pinanggalingan niyang show?
"Magkaiba kasi...magkaiba yung ASAP at magkaiba ang Party Pilipinas. May kanya-kanya silang strength at sa ngayon kasi, first day ko pa lang ngayon. So far, yung mga nakikita ko, maayos naman. Maganda naman ang pakikitungo nila sa akin. Maganda naman yung ibinibigay nila sa aking prod," saad ni Mark.
Na-feel ba niya ang pag-welcome sa kanya ng mga Kapuso stars?
"Oo naman," sagot niya. "Grabe naman ang pag-welcome nila sa akin kaya siguro rin madali sa akin na makakonek sa halos lahat kasi hindi rin naman ako nahirapan din kahit papaano. Kahit sila, warm sila sa akin."
Sa ngayon, sino yung masasabi niyang mga nakaka-close niyang Kapuso?
"Actually, before pa ako na lumipat, kilala ko na ang ibang artists dito. Nakatrabaho ko na like sina Jay-R, Kris Lawrence...nakatrabaho ko na sa Japan noong nagsu-show kami. So, sila ang naging malapit sa akin. Sina Ogie Alcasid, sila Ms. Reg, siyempre, Kuya Janno [Gibbs]... Pero yung iba, kinikilala ko pa kasi medyo nahihiya pa ako," nakangiti niyang sabi.






but asap is still the best variety show:
party pilipinas is trying to hard to be like asap. it looks bad though:
go kapamilya!
mark, welcome sa GMA. i like your voice naman eh... mas pa kesa dun sa kapangalan mo... hehehe
abby382
March 31, 2010
10:40 AM
no face value kaya lumipat lol
------------------------------
agree ako dyan
theme palang nila very catchy na...
like sop dati..........
party pilipinas all around the world......
goodluck sa inyo ni mark si mark mas malakas raket kc nagcoconcert abroad at dami talaga nanonood si rachelle nakakagold ang album next nito both si mark sa kamuning magcoconcert at si rachelle wala ng album hayyy sayang rachelle anyway goodluck kung amtutuloy ka.
jjjohn
March 31, 2010
10:10 AM
JAYA PLEASE TALK IN ENGLISH MOST OF THE TIME KASI CLASSY KANG MAG ENGLISH....BELIEVE ME PP WILL REGAIN THE NO. SPOT ON SUNDAY VARIETY SHOW.
---
effective siya sa DIVA..
kaya, goodluck nalang!!!