Paolo Bediones will spend Holy Week break practicing for new show on TV5

Nerisa Almo
Thursday, April 01, 2010 @ 01:14PM  |  10717 views

"Kung hindi ka kinakabahan, there's something wrong.  You're overconfident.  And I don't want to be overconfident, e.  Kinakabahan ako, sobra.  Kinakabahan ako na tatanggapin ba ng tao itong bagong role ko," says Paolo Bediones about his new roles in TV5.  Aside from managerial job, Paolo will also be doing its weekend public affairs program U.S.I. and will be one of the news anchors of TV5 primetime newscast Aksyon.

Photo By: Noel Orsal













"Walang bakasyon," sambit ng TV personality na si Paolo Bediones nang tanungin siya ng media kung ano ang balak niya ngayong Semana Santa.  Nakausap ng ilang miyembro ng media ang dating Kapuso host sa presentation ng mga bagong news and public affairs program ng TV5 noong Martes, Marso 30, sa Tangerine Restaurant, Greenhills, San Juan.

"Rehearsal kami, e.  So the remaining days na meron kami, [naka-schedule] sa practice.  Tomorrow [March 31], we'll have our dry run.  I think, pahinga namin would be Thursday and Friday.  Then, Saturday and Sunday sabak ulit kami. We wanna make sure kasi it's very tech-heavy, e, 'yong newscast namin," sabi ni Paolo bilang isa sa mga news anchor ng primetime newscast ng TV5 ang Aksyon.

Sa pagpapatuloy ni Paolo, nagbigay siya ng kaunting ideya kung ano ang mangyayari sa Aksyon simula sa Lunes, April 5.

"May malaking screen 'tapos parang may slideshow na mangyayari.  So, there are portions sa program na hindi parang ordinary newscast na nagbabasa ka lang.  May part doon na parang nagle-lecture ka.  So, it's something na kailangan mong pag-aralan.  So, I have to go to work really, really early to study."

Hindi ba kinakabahan si Paolo sa kung paano tatanggapin ng mga manonood ang kanilang bagong news program?

Sagot ni Paolo, "Sa akin, simple lang.  Kung hindi ka kinakabahan, there's something wrong.  You're overconfident.  And I don't want to be overconfident, e.  Kinakabahan ako, sobra.  Kinakabahan ako na tatanggapin ba ng tao itong bagong role ko.  I've done so many things in the past—nag-artista ako, nagpelikula ako, nag-reality show ako, nag-showbiz-oriented ako, nag-morning show ako, nag-game show, nag-pageant, lahat.  Ito ba tatanggapin ng mga tao?

"You know, I just really pray every day na kung anuman 'yong mga talent na binigay sa akin ng Diyos, talagang maipakita ko.  And I really wanna prove to TV5 na hindi sila nagkamali sa akin."

RECALLING PAST EXPERIENCES WITH GMA-7.  Sa kanyang paglipat mula sa GMA-7, inamin ng dating Survivor host na binabalik-balikan pa rin niya ang kanyang mga karanasan sa dating home network.

Para kay Paolo nagsisilbing gabay niya ang nangyari sa kanya noon sa GMA-7 noong siya'y nagsisimula pa lang. Pahayag pa niya, "Binabalikan ko ang experiences ko when GMA-7 was starting out noong 1998.  Nagsisimula na sila doon sa pag-angat nila bilang number one network.  Bakit ko binabalikan 'yon?  Kasi, 'yon ang nararanasan namin ngayon.  Kung ano ang GMA-7 12 years ago, 'yon ang nangyayari pagpasok namin [sa TV5]."

Dahil sa magsisimula pa lamang ang mga bagong news programs ng TV5, aminado si Paolo na hindi magiging madali ang pakikipagsabayan nila sa dalawang nangungunang network, ang ABS-CBN at GMA-7.

"Gaya nga ng sinaabi ni Ma'am Luchi [Cruz-Valdez, head of News5], tabula rasa as in clean slate, walang mga programs, mga cameramen, walang regular reporters, mga tao namin, producers, wala.  We had to search, to convince people to move. 

"It was really tiring pero doon 'yong fulfillment, e.  Parang, 'Wow!' Nakikita mong nabubuo sa harap mo.  As opposed to naging bahagi ka na ng isang malaking-malaking network, nakapuwesto na 'yan lahat, e.  And what contributions one person can really make.  I mean, iba 'yong fulfillment kapag nakikita mong nabubuo right before your eyes.  'Yong mga tao, natututo sila.  'Yong mga reporters namin dati sobrang shy, ngayon, medyo matapang na. 

"Cheryl and I are going to be training the reporters as well, sharing our knowledge para at least naibabahagi namin kung ano ang nakuha namin in 12 years sa industriya.  We were able to share it to the people."

"MAS VISIBLE AKO."  Isa sa mga kinagigiliwan ni Paolo sa  paglipat sa TV5 ay ang kanyang partisipasyon sa ilang managerial duties para sa network.

Kuwento ni Paolo, "When I did Survivor, wala nang mas active pa sa akin noon, I knew the show inside-out.  I'm a fan of the show, I was the consultant.  I made sure that I knew every little detail.  Lahat ng mga challenges inside-out, alam ko kung paano gawin, alam ko ang script ko, ako ang gumagawa ng script ko.  So, ang kaibahan lang, dito kasi, binigyan ako ng title na hindi lang ako anchor or host.  May title din ako as a person from management."

1  2  Next »

Related Articles

30 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name