news

Claudine Barretto defends herself against "horror stories"

by Rose Garcia posted on April 6, 2010  STATS: 1366 Views | 315 Comments

 

"For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa," says Claudine Barretto.

Photo By: Noel Orsal

Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.

Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.

Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.

REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.

"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?

"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."

CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.

Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.

"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...

"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.

"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.

Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?

"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.

Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

315 Comments

  • 315  nathan_82

    05/01/2010 | 11:16 PM
    Pangit?
    Saan diyan ang pangit?

    Mga insecure nga naman!
    Arui!

    Inggit kay Claudine.
    Weh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 314  iloveclau_693

    04/21/2010 | 11:19 PM
    Still looks so pretty! Yan ang tunay na kagandahan. Hahaha! Panalo ka talaga Claud! :D Good luck sa mga projects mo. We are always here to support you! :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 313  iloveclau_693

    04/21/2010 | 11:17 PM
    Still looks so pretty! Yan ang tunay na kagandahan. Hahaha! Panalo ka talaga Claud! :D Good luck sa mga projects mo. We are always here to support you! :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 312  the_persnickety_fan

    04/21/2010 | 09:08 PM
    Dapat lang na warm welcome ang matanggap ni Claudine, she's really a good actress. Dapat lang na alagaan siya ng station niya :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 311  sassy_sab

    04/19/2010 | 12:25 PM
    of course, dapat warm talaga ang pagtanggap kasi isa kang malaking alas, well, if gagamitin ka ng maayos. huwag ka nga lang sanang matulad kay jolens.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 310  tili_2death

    04/13/2010 | 05:45 PM
    anong horror stories meron si kludin? aswang ba siya? o di kaya'y mananaggal? ka horror nga yung fez niya eh--LOOK!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 309  ebberuber

    04/12/2010 | 11:27 AM
    kamukha niya si beauty gonzales of PBB season 2 hehehe. akala ko talaga nasira yong tv namin while watching her on showbiz central kasi namamaga mukha niya eh hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 308  black_bacarra

    04/12/2010 | 11:10 AM
    Allergy my foot! Claudine obviously had something done to her face that's why it was swelling. Probably Thermage which makes your face swell for a week or two after treatment then subsides to a firmer wrinkle free young complexion. 30 na rin kasi si Claudine so Belo is probably bombarding her with anti aging treatments.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 307  ebberuber

    04/12/2010 | 10:31 AM
    kamukha niya si beauty gonzales of PBB season 2 hehehe. akala ko talaga nasira yong tv namin while watching her on showbiz central kasi namamaga mukha niya eh hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 306  909100

    04/12/2010 | 09:39 AM
    Ang manas naman ng face nito, ano nangyari, lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 305  machuraka

    04/12/2010 | 09:27 AM
    inquisitive, it's simple; dysfunctional family. :-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 304  idontknowmuch

    04/12/2010 | 08:28 AM
    297
    mixandmatch

    dati maganda. ngayon pangit na at lalong mas pangit ang ugali ni greta!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 303  Akihir0

    04/12/2010 | 03:10 AM
    mgnda ung claudine!
    can't wait claud s telebabad primetime, yipee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 302  mixandmatch

    04/12/2010 | 01:24 AM
    abah nagparetoke din yang claudine at nagpabawas ng taba pa at pati bo obs binawasan..ate niya maganda talaga kahit noon pa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 301  Monicafer

    04/11/2010 | 09:35 PM
    I watched MMK, and in fairness magaling si Gretchen. I had an officemate who married a priest. Matagal na etong pari pero lumabas sa pagkapari para pakasalan yong opismate namin na dati ay miyembro ng choir ng kanilang simbahan. Madalas siyang kantiyawan noong mga kasama naming abogado, pero hindi siya napipikon ang mahalaga daw ay nagmamahalan sila. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Maraming pari sa atin na may mga anak at eto ay tagong-tago sa ating mga kababayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 300  myca_bag

    04/11/2010 | 10:43 AM
    in fairness kay gretchen ang galing nya sa MMK. masakit lang sa dibdib yong story. lagot ang abs, baka mag react ang buong kaPARIan sa pinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 299  idontknowmuch

    04/11/2010 | 05:33 AM
    292
    le_chic

    baka mamaya niyan may magrelamo na naman tulad ng uplb noon? di kaya umagal ang cbcp?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 298  jane_doe

    04/11/2010 | 12:32 AM
    My friend and i watched claudine.Maganda ang story tumimo sa puso ko.tsaka magaling talaga sa drama si claudine. at si raymart nakipagsabayan ng aktingan kay clau di lang siya pang comedy pang drama din pala.kudos to the couple!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 297  le_chic

    04/11/2010 | 12:20 AM
    i agree with idontknowmuch. times like this, you don't need something that is too depressing or too disturbing! plus, medyo nakakasira sa imahe ng mga priests yung story ng MMK. claudine's show on the other hand is truly laudable. galing talaga ni claudine as an actress. wala na kong masabi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 296  idontknowmuch

    04/10/2010 | 09:16 PM
    sa mmk 'langhiya yung dating paring tatay, inaabuso yun anak na babae!

    ano ba naman yan abs? nakaka-depress!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About