"For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa," says Claudine Barretto.

Photo: Noel Orsal

Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.

Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.

Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.

REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.

"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?

"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."

CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.

Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.

"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...

"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.

"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.

Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?

"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.

Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.