news

Claudine Barretto defends herself against "horror stories"

by Rose Garcia posted on April 6, 2010  STATS: 1381 Views | 315 Comments

 

"For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa," says Claudine Barretto.

Photo By: Noel Orsal

Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.

Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.

Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.

REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.

"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?

"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."

CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.

Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.

"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...

"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.

"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.

Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?

"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.

Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

315 Comments

  • 95  apayagamin

    04/06/2010 | 04:22 PM
    maayos naman ang paglipat nya .. saka bakit ngaun lang daw may issue.. wala naman nababasa these past few days tapos ngaun kung ano anong issue raw?? hhhm.. something fishy.. gimikera na rin ba sya?/ or ang nagmamanage sa kanya ang gumigimik?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  lollipop1

    04/06/2010 | 04:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  purepinoy0815

    04/06/2010 | 04:19 PM
    ginagawan lang talaga ng issue eh ganun naman talaga ang mga show. nagkakatapat talaga yan. bakit si mark bautista di nyo sinasabihan ng masama eh tinapatan niya ang asap na nagpasikat ng matagal sa kanya. hay talaga naman oh..medyo nakaka inis na talaga ang reasoning ng mga writers pati na rin ng mga tao. for claudine, i still like you. gusto kita dati ka partner ni rico yan. gusto ko yong iisa pa lamang ninyo ni angelica so sana maging successful ang career mo diyan sa gma. sana di ka nila pabayaan at sana di pabagsak ang mangyari sa career mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  wildtaurus692000

    04/06/2010 | 04:17 PM
    ..naku purepinoy...ito ay gimik to the highest degree....very timely lagi sila mag away.....pag may movie at pag may soap, kahit anong show yan...lagi sila naiyak at nag aaway para ma curious ang audience na manood:-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  brickles

    04/06/2010 | 04:17 PM
    42
    prettyasalway
    s
    April 6, 2010
    14:38 PM

    You're nothing but a second rate trying hard copycat---Sharon Cuneta re: pamamaga ng mukha
    =================================
    Natawa naman ako dito. Hahaha...=
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  wildtaurus692000

    04/06/2010 | 04:15 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  purepinoy0815

    04/06/2010 | 04:13 PM
    at saka hello...gano ba kalayo ang bahay ni gretchen? at wala ba silang cellphone number ng isat-isa? di ba nila pwedeng tawagan ang isat-isa para mag-usap at sabihin na trabaho lang ito at maging masaya tayo para sa sarili natin. ayaw ba nila na pareho silang maganda ang career. ano bang klaseng magkapatid ito..di daw nag-aaway pero di nag-uusap ng matagal? ganun ba ang magkapatid dapat? idinadamay pa nila yong mga istasyon na kinabibilangan nila. artista sila alam na dapat nila na madaming intriga so dapat bilang magkapatid di sila both dapat makinig sa mga sinasabi ng iba kung meron man at kung may tampo diy tawagan agad para mag-kausap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  wildtaurus692000

    04/06/2010 | 04:12 PM
    ..in fairness naman kay Claudine....di naman sya pasaway sa Star Magic, 17 years sya doon...ang star magic naku super higpit ni Mr.M...kung pasaway ka eh talagang di ka sisinuhin nyan at pagagalitan ka talaga....si Jiro Manio nga na award winning actor na eh tinanggal nya dahil sa attitude problem eh....in all fairness si Claudine eh nagtagal ng 17 years which means na napakaprofessional nya....ang di lang maganda dito...ang siete palaging nilalagay sa badlight ang dos...bakit ba sobrang bitter nyo....ang artista ng dos pag umalis eh walang masabi sa mother network nila...sa siete pag umalis naku super daming hinanakit..eagle...tuesday...rainer, maverick etc.....galing talaga gumawa ng demolition job ng siete
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  purepinoy0815

    04/06/2010 | 04:09 PM
    kaya nga parehong genre so dapat di siya magtatampo kasi unang una tinanggap niya yong challenge na yon na tapatan ang show ng president ng abs. i don't think bitter ang mga kapamilya dito kay claudine. para sa akin kung san ka magiging masaya go...pero one day naman babalik din kayo. paikot ikot lang ang showbiz. balang araw iba na uli ang sasabihin ng mga artista na yan. tingnan mo nga si jolina gusto na rin talaga kahit papano na bumalik ng abs kaya lang eh wala naman yata offer na maganda kaya stay siya sa gma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  wildtaurus692000

    04/06/2010 | 04:07 PM
    asus...echos naman tong si claudine...mag ingay ba???tanggapin mo na lang na ganyan ang buhay....pag nasa taas ka na...eh bababa ka din.....yan ang law ni Isaac Newton sa kanyang newton's law of motion sa lahat ng matter....eh matter ka so pababa ka na...ang masakit lang yung lagabog mo dahil medyo may katabaan ka na eh ....hi hi hi...wag ka na lang mang echos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  ebony75

    04/06/2010 | 04:05 PM
    60
    adnagam03
    April 6, 2010
    15:13 PM ang gma ang tumapat eh dati naman saturday ang mmk..eh di wag nyo muna palabas yan para walang isyu! Echos pa eh kayo din nagawa ng way to make an isuue!
    _________________

    its not because mgtatapat ang Claudine at MMK ang issue, kundi yung pagpili ng episode ni GRETA sa MMK bilang pantapat sa pilot ng CLAUDINE..meaning, pwede namang hindi c Greta ang gawing pantapat sa pilot dba?? pwede namang iba..actually, from out of nowhere nga itong MMK episode ni Greta eh..ni hindi nabalita na may gagawin syang MMK episode b4hand..kumbaga, it seems like talagang they sought Greta para igawan ng MMK, para lang itapat sa pilot ng Claudine..i think, yun lang ang issue..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  purepinoy0815

    04/06/2010 | 04:04 PM
    magagalit ba siya at sabihin niya na masama ang loob ng parents niya kung di pala magkatapat. kung ganun diy wala naman pala dapat ipagtampo si claudine dahil pilipinas got talent naman pala ang katapat ng show niya. si alfie lorenzo lahat talaga ng artists ng dos sinisiraan niyan maliban kay juday pero pag taga gma all praises sa. yong sa the buzz magazine di ko pa nakita pero ganun naman talaga ang the buzz may intriga naman kahit san pero lagi naman nila binibigyan ng chance both camp. lalo na at bestfriend ni kris si claudine. hay..sana maging mabait na ang mga tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  ragingbull6

    04/06/2010 | 03:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  ebony75

    04/06/2010 | 03:57 PM
    No.77

    syempre, drama ang show, dapat, katapat nito ang parehong genre nito..

    khit din naman ang mga lumilipat from gma to abs--mismong yung katapat ng iniwanang show nila sa gma, ang sinasalihan nilang program..and vice versa..

    saka ayaw pa nun ng ABS..after all, palaging talo ang MMK sa katapat nito na KAPUSO MO JESSICA..so, nice chnace ito for MMK to really win in the ratings, kc parehong genre na ang katapat nito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  christiancastillo

    04/06/2010 | 03:57 PM
    ATSAKA KUNG DI KAWALAN SI CLAUDINE BAT ANDAMING BITTER DITO NA MGA MAFIAMILYA?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  purepinoy0815

    04/06/2010 | 03:56 PM
    Bakit ganun ang mga writers parang parati na lang pinipiga ang talent na galing abs papunta ng gma na magsalita ng di maganda tungkol sa istasyon na pinanggalingan nila. di ba nila naiisip yon na kahit nagkaron man yang ng problema which is for sure nagkaron just like anyone else in this world..mas mahalaga pa rin dapat yong pagpapasalamat at utang na loob dahil kung naging napakalaking bahagi ng buhay niya yong istasyong pinanggalingan niya. sana ganun din sa mga talents na galing ng gma. dapat both just say their thanks para may babalikan ka. gaya ng mga lumang artists gaya nina maricel at dolphy. ganun lang talaga ang buhay. kung di kaya ibigay sa iyo ngayon hanapin mo sa iba kasi doon ka maggrow pero yong mentality kasi natin laging naninira. nakakalungkot isipin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  christiancastillo

    04/06/2010 | 03:53 PM
    actually di naman magkatapat, malapit lang dahil ang katapat ng claudine is pilipinas got talent. AGAIN, MAY MGA DETRACTIONS KAY CLAUDINE SA THE BUZZ MAGAZINE PATI NA RIN SA ABANTE SA COLUMN NI ALFIE LORENZO NA MANAGER NI JUDY ANN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  pepsterinme

    04/06/2010 | 03:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  purepinoy0815

    04/06/2010 | 03:50 PM
    bat di kaya ganito naman ang sabihin ng tao..out of respect sa president ng abs bat di niya inisip na sana ibahin na lang ang time slot ng show niya hindi yong tatapatan nya ang show ng presidente ng station na nagbigay ng pangalan sa kanya at nagtiwala sa kanya ng 17 years.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  christiancastillo

    04/06/2010 | 03:49 PM
    eh bakit kelangang ung kay gretchen ang MMK episode na ilabas sa pilot ng claudine? di ba pwedeng iba nalang? isip isip kayo, sinadya un nga abs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About