news

Claudine Barretto defends herself against "horror stories"

by Rose Garcia posted on April 6, 2010  STATS: 1370 Views | 315 Comments

 

"For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa," says Claudine Barretto.

Photo By: Noel Orsal

Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.

Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.

Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.

REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.

"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?

"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."

CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.

Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.

"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...

"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.

"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.

Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?

"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.

Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

315 Comments

  • 295  pepsterinme

    04/10/2010 | 09:04 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 294  idontknowmuch

    04/10/2010 | 08:59 PM
    madrama nga yung kay claudine at wholesome ang istorya!

    mmk? yuck kadiri! immoral! teacher nakipagrelasyon sa pari!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 293  veejhay_999

    04/10/2010 | 08:25 PM
    yeah! cluadine na pla... exciting...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 292  tili_2death

    04/10/2010 | 04:14 PM
    Bells Palsy daw? di naman siya mukhang Kampanerang Kuba ah?...nakaupo naman siya ng maayos sa interview
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 291  the_persnickety_fan

    04/10/2010 | 02:07 PM
    wow, claudine is still pretty despite the allergy! gretchen on the other hand, maganda na pero di pa makontento. claudine's so professional, kahit may allergy na, she still came. now, that's a real professional. not those who would walk out in the middle of a presscon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 290  idontknowmuch

    04/10/2010 | 11:15 AM
    280
    nicole23

    hehehe!

    ganun ba?

    eh ba't sabi ni kris noong magwalkout sa taping ng ktm na tinawag niyang evil people ang mga reporter ng abs: quot; Ibalik niyo na ko sa GMA!quot;?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 289  ton1004

    04/10/2010 | 07:46 AM
    Excited na kaming panoorin ang pagbabalik telebisyon ni Ms Claudine Barretto! Go Claudine! We will watch your drama anthology sa GMA-7 every Saturday Night. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 288  Monicafer

    04/10/2010 | 04:33 AM
    I managed to watch Claudine's interview sa Showbiz Central, talagang namamaga ang mukha niya, maliit ang braso, malusog ang dibdib. I wonder, yong allergy niya kaya has something to do sa kanyang hairdye, or facial treatment? Whatever it is, buti na lang at hindi siya nagkaroon ng kumplikasyon. Allergy is sometimes deadly when not properly treated.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 287  Akihir0

    04/10/2010 | 12:38 AM
    go claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 286  06_nhon

    04/09/2010 | 12:09 PM
    i really admire her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  nicole23

    04/09/2010 | 11:37 AM
    naku claudine..sayang ka talaga..kahit sabihin mo na mas masaya ka iba ...i'll quote ms kiris... aminin mo ibang level ang saya sa ABS. hehehe....basta ako i'll watch MMK tom kasi mukhang maganda ang storyline at interesting sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  peaches_n_cream

    04/09/2010 | 11:13 AM
    hay naku totoo naman yung ibang horror stories about claudine. natural na magpakitang gilas sya sa gma at kakalipat lang nya noh. dapat lang sya makisama. kung magmamaldita sya agad at mag asta primadona san sya pupulutin? umalis sya sa abs at lumipat sa gma so dapat lang na mag bait baitan sya baka itapon sya pabalik ng gma sa abs kung ipakita nya ang real color nya buti sana kung tanggapin sya uli ng abs.. kaya ayan todo todong pakikisama kelangan nya or else..... ahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  happyme

    04/09/2010 | 10:40 AM
    MOg pipol kahit ano nalang ang mga hakahaka nyo kung nakita nyo si CLaudine sa personal napakawawa nya dahil sa nangyaring allergy nya nakakain kasi sya ng hindi fresh na seafood eh. prone tlga si Claudine sa allergy kaya before palagi sya uminom ng gamot pero hininto nya dahil un gamot na iniinom nya nakakataba!hindi sya nagparetoke di na kailangan nyan dahil pretty na sya!pero kahit my allergy sya pumunta parin sya sa show ganyan sana ang gayahin ng mga artista na maarte kahit kaunting rashes lang eh di na sisipot!mabuhay ka CLaudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  pepzen

    04/09/2010 | 10:33 AM
    pano makikigaya c greta eh ang tagal ng timeslot yan ng mmk?!hellooo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  reynaprincesa

    04/09/2010 | 10:14 AM
    ngka bell palsy si claudine kaya namamaga di pantay ang mukha at dahil sa steroid na iniinom nya,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  claudinian

    04/09/2010 | 10:00 AM
    Actually GMA ang naunang nagsabi na ililipat ang timeslot ni claudine sa saturday.. Nakigaya lng si greta..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  claudinian

    04/09/2010 | 09:59 AM
    Sabi ko bakit iba yata ang mukha ni CLAUDINE nang mag-guest sya sa SHOWBIZ CENTRAL?Yun pala may allergy kaya namamaga ang mukha at mga braso.Yan ang dapat gayahin ng mga maaarteng artista!Yan ang propesyonal!Basta pwedeng gawin eh kakayanin!Mabuhay ka CLAUDINE at mabuhay din ang bagong drama anthology mo na CLAUDINE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  Monicafer

    04/09/2010 | 09:26 AM
    Bakit naman kailangan pang banggitin ni Claudine ang parents niya sa problema. Siya lang naman ang nagpapalaki ng problema, si Gretchen wala namang kibo, lumalabas tuloy ang pagka-spoiled brat ni Claudine. Totoo yata ang tsismis na sakit siya ng ulo sa ABS kaya hindi pinanghinayangan umalis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  lovinABS

    04/09/2010 | 09:07 AM
    ay i just watched her showbiz central in youtube my gosh her face doesnt move or hard to make expression like tawa or smile.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  tili_2death

    04/09/2010 | 07:39 AM
    Ano? sabi dito kamukha daw niya si Sandara PARKS-- para siyang Luneta PARKS and Loyola Memorial PARKS?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About