news

Claudine Barretto defends herself against "horror stories"

by Rose Garcia posted on April 6, 2010  STATS: 1367 Views | 315 Comments

 

"For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa," says Claudine Barretto.

Photo By: Noel Orsal

Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.

Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.

Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.

REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.

"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?

"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."

CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.

Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.

"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...

"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.

"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.

Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?

"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.

Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

315 Comments

  • 255  rhiamags

    04/07/2010 | 09:09 PM
    kalahati ng muka niya natakpan na ng buhok!

    sana nag-burka or abaya na lang siya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  happyme

    04/07/2010 | 09:00 PM
    hello Kapamilya move on kung laos na sya wag ng pag aksayan ng panahon to post a comment at huwag basahin ang article na ito!totoo naman ah na pinag tapat talaga sila kasi kung hindi eh sa dami daming artista sa DOS ng walang trabaho bakit si Barretto pa ang tinapat sa Show ng isang Barretto!well si CLaudine I know that she love ABS until now! pero kailangan lang nyang umalis para walang ng masaktan pang iba kung na gets nyo ang comments ko eh di oks!mas mabuti pa syang ang aalis kaysa my madamay pang ibang big boss dahil lang sa pagmamahal sa kanya kaya she decided na lilipat nalang nagkataon ng my offer ang chanel 7 sa kanya kaya nag go sya! Claudine ur still the best! Ur professionalism makes me proud!Mabuhay ka sa lahat ng nagsabing laos go for it and GOD bless you! I know nasabi nyo yan dahil ayaw nyo sa kanya halos lahat naman ng artista dito pag my article meron tlgang mag cocoment na laos walang sikat pag ayaw natin sa isang artista!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  czeska221

    04/07/2010 | 08:49 PM
    side effect cguro yan ng retoke kaya maga ang fez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  claudinian

    04/07/2010 | 06:55 PM
    Very propesyonal ka clau.. I idolized u tlga.. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  claudinian

    04/07/2010 | 06:54 PM
    Sabi ko bakit iba yata ang mukha ni CLAUDINE nang mag-guest sya sa SHOWBIZ CENTRAL?Yun pala may allergy kaya namamaga ang mukha at mga braso.Yan ang dapat gayahin ng mga maaarteng artista!Yan ang propesyonal!Basta pwedeng gawin eh kakayanin!Mabuhay ka CLAUDINE at mabuhay din ang bagong drama anthology mo na CLAUDINE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  hongkongyan

    04/07/2010 | 06:33 PM
    ang taba mo naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  bruth

    04/07/2010 | 05:19 PM
    naku! tama, ginusto GMA makipagsabayan sa MMK ni Gretchen para mapag-usapan new show ni Claudine, para kunwari may issue...hay! GMA mahilig sa GIMIK....kaya ako bilib ABS kasi iba level nila, kung andito sila GMA andito lang o....HAY! gudluck na lang sa new show mo at yung new movie mo sinama nyo pa talaga si Anne kasi kung kayo lang 2 Richard pulutin sa kangkungan yun...am sure di nyo malampasan movies star cinema..dyan mo ma compare Star Cinema na nagbigay sayo mga awards at GMA films...mark my words!!!!GUDLUCK!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  ohmychika

    04/07/2010 | 04:38 PM
    she looks like SANDARA PARKS!

    oh oh oh....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  dale09

    04/07/2010 | 04:05 PM
    kung talagang ayaw nya ng competition between her and gretchen..

    eh di iatras nya ang pilot ng show nya!! sya ngayon ang reyna ng gma kaya im sure pagbibigyan sya kung irerequest nya..

    ang bilis nga naatras pilot ng Party Pilipinas nang malamang magbobora ang ASAP, so im sure ito madali lang din iatras..

    hindi kaya si claudine din or ang gma ang may gusto na itapat ito sa MMK ni gretchen para mapag usapan???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  salty_pepper

    04/07/2010 | 03:22 PM
    Bobita talaga ang barettong ito kahit kailan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  musheegal

    04/07/2010 | 02:36 PM
    kahit namamaga ang face ni Claudine because of allergies, maganda pa rin!

    pero kayong mga bitter, tumingin muna kayo sa salamin ok.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  ragingbull6

    04/07/2010 | 02:29 PM
    ask lang po naka STEROIDS ba si CB look her mukhang maga moonface hahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  ak1nna

    04/07/2010 | 02:21 PM
    mejo namamaga pa mukha nya kakaparetoke lng pag nawala na maga nyan ganda ganda na lalo ni clau
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  frenzy69

    04/07/2010 | 02:11 PM
    Sa inyo na nanggaling ha na LAOS na si Claudine BEFORE transferring to GMA7. Pwes, sino ang dahilan ng downfall ng Career niya, diba nag kanyang mother studio, ABS-CBN?????????

    Kaya siya nag-transfer to GMA7 para ibalik ang ningning niya na hindi na maibabalik ng ABS sa kanya.....

    Basta it's a competition this saturday between Claudine and Gretchen

    I WILL DEFINTELY WATCH CLAUDINE!!

    GO CLAUDINE!!!!!!!! GO KAPUSO!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  ahem

    04/07/2010 | 02:05 PM
    Ahahah PEP naman Baket lage na lang kayo nagkakamale One time naglagay kayo ng fektyur ni Joan Rivers tapos nang basahen ko ang artikol tongkol kay Ate Gritchin fala

    Ngayon anong genagawa ng fektyur ni John Lafus sa artekolo tongkol kay Ate Claudine
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 240  filam

    04/07/2010 | 01:52 PM
    Bakit namaga mukha nya nagparetoke nman ba??? parang si Vicky belo na rin kung tumawa banat na banat ang FACE hahaha..kawawang claudine LAOS na!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  agukoy

    04/07/2010 | 01:43 PM
    ang picture ni claudine akala ko si krista na tumaba kasi buntis....hawig di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  nicole23

    04/07/2010 | 12:45 PM
    MMK lang pala eh kala ko yung new soap ni greta at ni bea. heller..alangan naman MMK ang mag move ng oras para lang di ka makasabay, eh ilang taon na yung MMK..sana yung GMA ang pinakiusapan mo kasi unang una sila mahilig mag move ng mga launching shows like party pilipinas. besides di mo ba naisip na pinapadama ka lang ng GMA para magalit sa ABS? sino ang matinong pag iisip na sasabihin pa sayo yung sinabi na bad against yo,.para saan,..para lalo mo ikagalit..eh kung sila di naman sila maniniwala na ganun ka eh di sana dun na mag end di yung ilalabas pa ng GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  pepticulcer

    04/07/2010 | 12:43 PM
    I watched her interview with Pia Guanio and I had to look twice because I thought it wasn't her. Parang manas at tabingi yung face ni Claudine and it appeared as though she was trying to cover it by letting her hair frame the sides of her face. Richard G did mention that Claudine was sport enough to come despite having allergies so this must explain her bloated-face look.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  wombat99

    04/07/2010 | 12:32 PM
    unfair naman, bakit naman yang pic na yan ang ginamit eh halatang namamaga si Claudinesa katabaan?? PEP, pakipalitan please!!! Hindi nag mukhang teleserye queen si Klaw-klaw dito kungdi Kusina Queen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About