Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.
Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.
Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.
REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.
"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."
Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?
"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."
CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.
Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.
"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...
"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.
"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.
Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?
"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.
Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
215 ShuttleEndeavor
mo dahil mula ng lumipat ka nasa COMFORT
ROOM ka na, lolz
214 ShuttleEndeavor
OMG matronic na matronic na ang beauty ni claudine, para na syang hippopotamus sa sobrang lapad!
kawawa naman GMA puro horror stories meron ang artista nila... horror stories about Marian and horror stories about Claudine
parehong maldita, yung isa palengkera, yung isa primadonna, lolz
213 freemind24
212 lovinABS
211 lovinABS
210 westbourne
209 girlyme
tsk tsk maganda na sya, bata pa para magpa thermage
208 joanncabale
we will support you.
excited na rin kami sa movie mo with chard
from general santos city and solid kapuso
207 Monicafer
206 rombaoj002
205 loshang
204 StocksAndBonds
203 ABSCBNThe1stPhilippineTVStation
good luck Clau, kahit kapuso ka, mananatili kang kapamilya dahil dyan ka mas nakilala...
202 caboodles28
ay ganun ba? kaya pala di napagbago ni raymart si claudine about sa smoking habit nya kasi sya din pla ganun.
bakit ganyan itsura ni claudine s pic? sa party pilipinas naman nung 1st episode e di naman ganyan kamaga mukha nya? nagmukha nga lang sila magtyahin ni richard gutierrez nung nagduet hahaha
201 sunrain85
200 pacific_girl
199 kleenex
198 bhebhe37
197 bhebhe37
196 skyward
Hayaan mo na cla claudine pano kc nilayasan mo cla kya sobrang tadtad puso nila. Pait lang yan mga kapamilya kumain nlng kayo ng isang sakong asukal or higop nlng kayo ng isang barrel ng dugos para tatamis pakiramdam nyo.
more comments