news

Claudine Barretto defends herself against "horror stories"

by Rose Garcia posted on April 6, 2010  STATS: 1470 Views | 315 Comments

 

"For the longest time, noong nasa kabila [ABS-CBN] naman ako, wala ka namang maririnig na ganun. Ako, kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang kaya ko. Ano ang ginagawa ko at ano ang hindi ko ginagawa," says Claudine Barretto.

Photo By: Noel Orsal

Isang magarbong press conference ang inihanda ng GMA-7 para kay Claudine Barretto kagabi, April 5, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City. Ito ay kaugnay ng kauna-unahang show ng aktres sa Kapuso network, ang drama anthology na Claudine.

Ang Showbiz Central co-host na si John "Sweet" Lapus ang nagsilbing host ng grand launch ng Claudine. May ipinalabas ding VTR kung saan bumati ang mga kaibigan at naging katrabaho ni Claudine noon sa ABS-CBN, gaya nina Kris Aquino, Diether Ocampo, Direk Wenn Deramas, at Judy Ann Santos. Nagbigay rin ng kanilang mensahe ang top executives GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Abrogar, at Ms, Wilma Galvante.

Present din kagabi ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino. Incidentally, si Raymart ang kapareha ni Claudine sa pilot episode ng kanyang drama anthology.

REAL KAPUSO. Overwhelmed naman si Claudine sa ibinibigay na importansiya sa kanya ng GMA-7 bilang bagong Kapuso.

"Sobra akong overwhelmed sa warmth na ipinapakita n'yo sa akin and truly, you always make me feel comfortable," umpisa niya. "Siyempre, noong una ho talaga, nangangapa pa akong talaga. Hindi rin ho biro ang 17 years [na pag-stay sa ABS-CBN]. And this is the first time na lumabas po ako out of my comfort zone and they've been really so wonderful, and parang I'm blessed with so much and I got more than what I really wanted."

Nararamdaman na ba niya ang pagiging isang totoong Kapuso?

"Yes, I've always felt that," sagot ni Claudine. "For some reason, I've always felt that. Siguro nga dahil palagi kaming tsine-check ni Ninang Wilma [Galvante] sa bahay. Every other month yata dun. Kapag birthday ni Ma'am Redgie [Magno], kahit sino... si Ms. Lilybeth [Rasonable], Ma'am Avin [Marivin Arayata], dun sa bahay ini-spent. Tapos, magluluto si Raymart, yun."

CLAUDINE & GRETCHEN. Sa pagsisimula ng Claudine sa Sabado, April 10, ay halos makakasabay nito ang pagpalabas ng episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kung saan ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto ang bida.

Aminado si Claudine na malungkot siya sa naturang pangyayari.

"Hindi po ako natutuwa. Malungkot po ako. Kasi, ayoko na ho sana... Once and for all, sasagutin ko na ho para hindi na lumaki pa. The only reason...sana na lang, hindi. Dumating sa point na kung puwedeng ma-move na lang next week or next, next week yung airing ng Claudine because...

"Only yung mga pinagdadaanan ko, pagdadaanan ko pa lang, simula pa lang ng paglabas ng show na ito, alam ko ho yun. Pero hindi ko ine-expect na ganito, kasi it affects my parents so badly.

"Ang parents ko ho, 70-plus na. Huwag naman sana, sabi ng dad ko, na pagsabungin kaming magkapatid kasi pamilya namin 'to, e... Three years ko hong hindi nakausap ang kapatid ko. Naging magkaaway kami for such a long time and sana huwag lang siyang magamit," saad niya.

Kumusta sila ni Gretchen ngayon, okay ba sila?

"Alam n'yo, honestly, ayoko talagang magsabi about my ate. Kasi, all she wants is to work and you know, I really want to give her that with all sincerity. And ayoko talaga... Ang ayoko lang, ang pag-awayin ulit kami. Please naman," sabi ni Claudine na halatang pinipigil lang mapaiyak.

Umiling si Claudine nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagkausap na ba sila ng Ate Gretchen niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

315 Comments

  • 155  fanhan

    04/06/2010 | 08:24 PM
    When will this start?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 154  bruth

    04/06/2010 | 08:18 PM
    ang arte mo naman kasi dati pinagsasam akayo ni Gretchen sa isang teleserye tinangihan mo at lumipat ka pa ng istasyon, ngayon naman sasabihin mo pinagtatapat kayo, ang arte mo naman..natural nasa magkabila kayong estasyon eh kaya there will come a time talaga na magkakatapat kayo...and by the way ang MMK di nagpapalit ng araw at timeslot ikaw ang may new show eh di ibig sabihin kayo, GMA, ang estasyon mo ang tumapat...isip ka nga mabuti....naghahanap ka lang issue eh idadamay mo pa ABS na nagpasikat sa yo at si Gretchen na kapatis mo....KALOKA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 153  kaizha

    04/06/2010 | 08:17 PM
    its not because mgtatapat ang Claudine at MMK ang issue, kundi yung pagpili ng episode ni GRETA sa MMK bilang pantapat sa pilot ng CLAUDINE..meaning, pwede namang hindi c Greta ang gawing pantapat sa pilot dba?? pwede namang iba..actually, from out of nowhere nga itong MMK episode ni Greta eh..ni hindi nabalita na may gagawin syang MMK episode b4hand..kumbaga, it seems like talagang they sought Greta para igawan ng MMK, para lang itapat sa pilot ng Claudine..i think, yun lang ang issue..
    ---------------------------------------
    anong out of nowhere eh halos 2 weeks na ang teaser ng mmk ni gretchen. o cg ipamove nalang natin ang mmk sa lunes para walang issue. Ay sus!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 152  kagandahantalaga

    04/06/2010 | 08:00 PM
    caboodles28

    pareho yan silang magasawa na si Raymart na chainsmoker..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 151  blas0530

    04/06/2010 | 07:53 PM
    wala parin naman siyang sinabi againts ABS-CBN eh,, play safe parin siya,, kasi malaki talaga utang na loob niya sa ABS, kasi kung mag sasabi siya ng againts sa pinanggalingan niya, matatawag lang siyang INGRATA! hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 150  shoti1029

    04/06/2010 | 07:49 PM
    144
    wait pa natin kapag natuloy ang pag lipat ni RAG..
    hahahahahha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 149  kagandahantalaga

    04/06/2010 | 07:40 PM
    i remember daming kapuso dito ang nagcocomment against kay claudine b4 na kesyo nagpalaglag, goodluck dahil may attitude problem at kung anu ano pa.. ngayon all praises ang mga hitad..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 148  ShuttleEndeavor

    04/06/2010 | 07:40 PM
    hindi lang naman mukha nya namamaga eh

    pati katawan nya namamaga, allergy rin ba yan? bwhihihihii!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 147  shoti1029

    04/06/2010 | 07:37 PM
    kaya namamaga ang mukha ni Clau kasi allergic!!
    ALLERGIC SA HANGIN NG KAMUNING..
    hahahahahaha!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 146  daredeviltry

    04/06/2010 | 07:31 PM
    hello? bakit mo sinasabing pinagaaway kau pirket sabay lang ung airing ng plabas nyo that's business and kung tlagang magkapatid kayo at ok ang relasyon nyo dapat pinaguusapan nyo yan, dapat kaw mismo gumagwa ng paraan para maayos kayo hindi yong dadamay mo pa ang istasyon na pinanggalingan mo, sisihin mo hay naku artista ka nga wlang utang na loob ang tawag dun...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 145  brattinela

    04/06/2010 | 07:27 PM
    go claudine aabangan ko ang claudine mas may k ka sa actingan compare to your sister
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 144  magandaako11

    04/06/2010 | 07:24 PM
    watever! basta for me kahit nsa dos sya before pinapanood ko parin ang teleserye nya kc magaling tlga syang actres at maganda wag mo nlng pansinin clau ang mga nega sa paligid mo.. mas madami parin nmn nag mamahal syo at humahanga syo at hndi na mawawala un wla ng pedeng pumantay ikw at c juday ang tlgang reyna..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 143  cagayana2

    04/06/2010 | 07:21 PM
    asan na yung mga kapuso dito na Abortionista at drug addict ang tawag kay claudine nung nasa abs pa siya!!.

    ngayon super star na tingin nila kay clau!!.
    . hahaha.. mga ipokritang bak la!!!
    .
    i still love claudine!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 142  Starlight009

    04/06/2010 | 07:17 PM
    Pareho silang maganda,Sakit yan sa mga Barreto..GANDA,,pero sa actingan,,obvious naman na mailampaso ang acting ni Greta,,ang galing ng kapatid niya..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 141  happyperson1966

    04/06/2010 | 07:14 PM
    magkamukhang magkamukha na sina claudine and marjorie. bilog na bilog na rin ang mukha ni clau! ang sarap lagyan ng butter and sugar. ensaymada na!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 140  tangerine_dream114

    04/06/2010 | 07:02 PM
    namamaga pa yung face nya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 139  skyward

    04/06/2010 | 06:51 PM
    Sinasadya talaga yan ng abs na c gretchen ang itapat kay claudine. Oo nmn timeslot talaga yan ng mmk eh ang ibig sabihin nya episode ni gretchen itatapat sa kanya.. hello.. ang daming mga artista nila pwede i-feature sa mmk bat ang sister pa nya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 138  mr90210

    04/06/2010 | 06:50 PM
    Sa tingin ko hindi ang GMA o ABS ang gumigimik. This past few weeks kasi pansin ko puro mga artist ng VIVA ang may mga issues so sa tingin ko VIVA ang gumagawa ng mga publicity n yan para sa mga artist nila. Lalu nung ngreformat ang TV5, yung mga artist nila s ch 2amp;7 sinasabi nilang my offer daw s 5 kahit wala nmn para taasan ng mga network ang TF nila. hay! palubog n din kasi ang VIVA.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 137  tseekitita

    04/06/2010 | 06:49 PM
    kahit kapuso na sya hindi ko pa rin sya feel pero gudluck pa rin..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 136  certifiedkapamilyainkorea

    04/06/2010 | 06:36 PM
    masyado nmng OA e2!!!eh isang epesode lng nmn ng MMK un at hindi4 epesode ,,,,wag nyo n idamay ang ABS sa program nyo pra umingay kau!!!cge gudluck
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About