KC Concepcion will reportedly join Kris Aquino and Boy Abunda in ABS-CBN's showbiz talk show The Buzz starting April 11.

Photo: Noel Orsal

Pumirma na ng kontrata si KC Concepcion bilang bagong dagdag na host ng The Buzz, ang top-rating showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN every Sunday—ayon sa isang reliable source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na konektado sa The Buzz.

Pormal daw na ipakikilala si KC bilang co-host nina Kris Aquino at Boy Abunda sa The Buzz ngayong Linggo, April 11.

Before Holy Week pa ay pumayag na raw ang ilang malalapit at nag-aalaga sa showbiz career ni KC na maging parte ng show. Hinintay na lang daw ng The Buzz ang final say ni KC after Holy Week. Nakipag-dinner na raw si KC with Kris and Boy two Sundays ago, March 28.

Kahapon, April 5, ay nakipag-meeting na raw si KC sa staff ng The Buzz para sa magaganap na malaking pagbabago sa show with Boy and Kris.

Tuwang-tuwa at excited naman daw sina Kris at Boy na tinanggap ni KC ang offer na makasama sila sa The Buzz. Grateful daw si Kris na pinayagan ng ina ni KC na si Sharon Cuneta na mag-host ang anak kasama nila ni Boy.

Pinabulaanan naman ng aming source na isa si Gretchen Barretto sa mga naunang napili bilang bagong kasama nina Boy at Kris sa The Buzz. From the start, sinabi na ng manager at kaibigan ni Gretchen na si Boy na hindi magho-host ng The Buzz si Gretchen. Mas gusto raw talaga ni Gretchen na mag-concentrate sa kanyang acting career, especially sa bago at kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Magkaribal. First time din niyang makakatrabaho sa drama series na ito si Bea Alonzo.

Wala rin daw kaalam-alam ang The Buzz kung saan nagsimula ang balitang kinu-consider nila na kuning host si Vice Ganda.