Pumirma na ng kontrata si KC Concepcion bilang bagong dagdag na host ng The Buzz, ang top-rating showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN every Sunday—ayon sa isang reliable source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na konektado sa The Buzz.
Pormal daw na ipakikilala si KC bilang co-host nina Kris Aquino at Boy Abunda sa The Buzz ngayong Linggo, April 11.
Before Holy Week pa ay pumayag na raw ang ilang malalapit at nag-aalaga sa showbiz career ni KC na maging parte ng show. Hinintay na lang daw ng The Buzz ang final say ni KC after Holy Week. Nakipag-dinner na raw si KC with Kris and Boy two Sundays ago, March 28.
Kahapon, April 5, ay nakipag-meeting na raw si KC sa staff ng The Buzz para sa magaganap na malaking pagbabago sa show with Boy and Kris.
Tuwang-tuwa at excited naman daw sina Kris at Boy na tinanggap ni KC ang offer na makasama sila sa The Buzz. Grateful daw si Kris na pinayagan ng ina ni KC na si Sharon Cuneta na mag-host ang anak kasama nila ni Boy.
Pinabulaanan naman ng aming source na isa si Gretchen Barretto sa mga naunang napili bilang bagong kasama nina Boy at Kris sa The Buzz. From the start, sinabi na ng manager at kaibigan ni Gretchen na si Boy na hindi magho-host ng The Buzz si Gretchen. Mas gusto raw talaga ni Gretchen na mag-concentrate sa kanyang acting career, especially sa bago at kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Magkaribal. First time din niyang makakatrabaho sa drama series na ito si Bea Alonzo.
Wala rin daw kaalam-alam ang The Buzz kung saan nagsimula ang balitang kinu-consider nila na kuning host si Vice Ganda.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
83 tryland252
82 d4thmagi
81 tryland252
pansin ko lang magkamukha si mel tiangco and pia guanio.....wala lang pero ok sila yun lang
80 badjaobabe
galing talaga, kaya pala super kontodo puri lately sa dabuzz si boy at si kris kay sharon, may mga kaganapan pala sa likod ng camera hahaha
79 saturnyne
78 badjaobabe
merlion_25
ew ew ka dian, diehard kapuso ka as if naman sumisilip ka sa ABS..
77 pinoytayo
76 Babylove2
75 merlion_25
74 bhengot
73 tryland252
72 nationwideno1
71 alvaro_alvaro
70 182395
at least sa the buzz eh pwede mong itaas ang kilay sanay buka ng mata - sa kabila eh ipikit na lang kasama ang tenga har har har
69 merlion_25
68 tryland252
67 merlion_25
Pilit pa rin sinisiksik yang KC. Walang ka appeal2x...
Magtrabaho or mag negosyo ka na lang KC. Or mag humanitarian act ek ek.
66 custard
agree ako sa iyo. sila lang ang nagsasabi na insecure si teta kay ruffa. mega-puri nga palagi si kris no.
tsaka one time, napanood ko yung nakalitaw ang bo_bs ni ruffa sa gown nya, wlang kakyeme kyeme na sinabi ni kris, ruffa, i can see you b__bs na, kinoberan naman agad ni ruffa. see? kung hindi sinabi ni kris yun or naghintay pa ng commercial gap si kris pra sbihan si ruffa, e di pyesta na ang televiewers.. sabihin na naman ng iba dyan, gimik na nman ng ABS!!
hahaha!!!
65 datingkapams
tryland252
April 6, 2010
17:23 PM
mas formal naman panuorin ang d buzz ito ang masasabi kung makakahanay sa international...hindi katulad ng iba dyan nanalo lang ng ratingsng isang araw yun na ang bukam bibig sa buong show.....katulad ni raymunda
----
same with kris aquino number one daw ang show nya sa megamanila nag tatalon sa tuwa yun pala fake ang ratings ahahahhahahah
64 182395
more comments