Georgina Wilson not yet sure about accepting offer to co-host Wowowee

Glen P. Sibonga
Thursday, April 08, 2010 @ 02:20PM  |  52005 views

 

"Merong offer, pero hindi ako sure kung tatanggapin ko. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang gusto kong gawin, kung ano ang kaya kong gawin. Hindi ko pa alam," says Georgina Wilson about the offer to co-host Wowowee.

Photo By: Noel Orsal













Buo ang suporta ng Diaz clan, kabilang na ang model-videojock na si Georgina Wilson, sa kandidatura ni Cavite Congressman Gilbert Remulla na tumatakbo para sa Senado sa May 2010 elections. Si Georgina ay pamangkin ng aktres at dating Miss Universe na si Gloria Diaz at pinsan din ng asawa ni Cong. Remulla na si Georgia Isabel Roa.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Georgina sa presscon ni Cong. Remulla kasama ang mga Diaz kahapon, April 7, sa Annabel's restaurant. Bukod kay Georgina, present din sa presscon ang mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Diaz-Daza, at ang mga kapatid ni Gloria na sina Georgie at Ruby, na mother-in-law naman ni Gilbert.

Ayon kay Georgina, pangalawa pa lang ang presscon na ito sa events ni Cong. Remulla na nasamahan niya. Ang una raw ay sa isang fund-raising event na siya ang naging host. Bukod sa suporta ng pamilya, personally ay malaki ang paniniwala ni Georgina sa pinsan niya.

"Yung family namin, actually, very quiet lang pero we are very supportive of Gilbert. We really believe na he'll be an asset to the Senate. We believe that the Senate needs a change and kahit pinsan ko 'yan, wala akong paki [pakialam]. Kay Gilbert talagang naniniwala ako. Matalino siya, he can really bring change and I think 'yan ang pinakaimportante sa gobyerno natin," pahayag ni Georgina.

IS WILLIE COURTING HER? Siyempre, hindi rin pinaligtas ng PEP na tanungin si Georgina sa mga kinasasangkutan nitong intriga sa showbiz. Una na nga rito ang pagkaka-link niya sa Wowowee host na si Willie Revillame. Lalo na nga't naging special guest siya ng TV host sa nakaraang birthday nito. Totoo bang nanliligaw si Willie sa kanya?

"Hindi," tanggi ni Georgina. "It just so happened na nakasama ko siya sa isang endorsement. Pero friend ko yun, walang issue or anything between us. Mabait siya."

May ugung-ugong na magiging co-host na rin siya ng Wowowee. May offer ba si Willie para sumali siya sa ABS-CBN noontime show?

"Merong offer, pero hindi ako sure kung tatanggapin ko. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang gusto kong gawin, kung ano ang kaya kong gawin. Hindi ko pa alam," sagot niya.

CONSIDERING A FULL-TIME SHOWBIZ CAREER. Isa rin sa pinag-iisipan ni Georgina ay ang offer sa kanya na pasukin na talaga ang showbiz kasama na ang pag-arte.

"Maraming offers. I'm considering it. At the moment, I'm hosting, I'm endorsing, marami akong bagong endorsements na lalabas. But acting, hindi ko pa alam kung kaya ko," saad niya.

Bakit ba nagdadalawang-isip pa siya?

"Kasi everyone thought na madali ang mag-artista and everything. Pero mahirap talaga siya. Lahat ng friends ko nagwo-work sila ng 7 a.m. na umaabot minsan ng 7 a.m. din the next day. Sobrang mahirap at nakakapagod. And it's not something na pag may offer, sige, gawin ko. Ako, hindi ako ganyan. Gusto ko lahat ng gagawin ko inaaral ko muna," paliwanag ni Georgina.

Kinukumbinsi ba siya ng mga showbiz friends niya na pasukin ang showbiz?

"Oo, like si Anne, all of them. Actually, they support me in whatever I wanna do," sagot niya.

Kung sakaling ituloy niya ang showbiz career niya, posible bang  kunin niyang manager ang mommy ng ex-boyfriend niyang si Richard Gutierrez na si Annabelle Rama?

1  2  3  Next »

Related Articles

131 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name