PEP EXCLUSIVE: Maria Venus Raj reacts to rumor that Krista Arietta Kleiner was the alleged "tipster" on her birth records

Glen P. Sibonga
Friday, April 09, 2010 @ 08:51AM  |  58098 views

"Yun po ang goal ko talaga—ang maibalik ang title sa akin, ma-reinstate po ako. Kasi po yun talaga ang dream ko to represent your country in an international pageant at nagkataon na Miss Universe pa na super prestigious. Tapos bigla pang mawawala sa iyo, sobrang masakit po sa akin," says Maria Venus Raj.

Photo By: Noel Orsal













Patuloy na ipinaglalaban ni Maria Venus Raj na makuha  niya ulit ang korona at titulo bilang Bb. Pilipinas-Universe na binawi sa kanya ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BCPI) dahil sa nadiskubre nitong inconsistencies sa kanyang birth records at sa sinasabi niyang personal information kaugnay ng birthplace, father's nationality and religion, at marriage ng kanyang mga magulang.

Patuloy rin ang pagpapa-interview ni Venus sa media at paglabas sa mga showbiz talk shows. Ang pinakahuli nga ay ang guesting niya kagabi, April 8, sa Tweetbiz: The Bizniz of Chizmiz ng Q Channel 11.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Venus matapos niyang sumalang sa pagtatanong ng Tweetbiz hosts na pinangungunahan nina Tim Yap, Mr. Fu, at Sam YG.  Ayon kay Venus, ang masakit daw sa kanya noong kausapin siya ng lawyers ng BCPI ay lumalabas na wala talaga siyang choice but to give up the crown.

"Ang masakit kasi is nung sinabi nila sa akin na whether I resign or they will dethrone me. So, wala talaga akong choice, di ba? Noong marinig ko yun, doon na talaga ako umiyak. Sobrang hindi ko po maintindihan yung reasons nila," pahayag ni Venus.

Inamin ni Venus on television na noong high school pa siya nang malaman niya ang tungkol sa discrepancies sa kanyang birth certificate. Aniya, mas inuna kasi ng nanay niya ang ipapakain sa kanilang magkakapatid kaysa gastusan ang pagpapaayos ng birth certificate niya.

Pero dumaan na siya sa kolehiyo at nagkatrabaho pa. Bakit hindi niya pa rin naipaayos ang kanyang birth certificate?

"Totoo pong nag-college na ako and then nagkaroon na rin ako ng trabaho after grumaduate. Nag-college ako through the help of a foundation, na nagpaaral sa akin. Nagtrabaho ako sa DENR [Department of Environment and Natural Resources], government agency siya. Alam n'yo naman po kung gaano kaliit ang sahod sa isang government office na hindi ka pa regular.

"So, kahit naman po tumagal na hanggang ngayon at kung may sahod man akong natatanggap noon, siguro mas pipiliin ko rin na mas tulungan ang nanay ko o ipaayos yung bahay namin o yung tulungan ang mga pamangkin ko. Yung mga ganung pagkakataon po. At hindi ko rin na-anticipate na aabot ito sa ganito," saad niya.

Gumawa na ba siya ng way para kausapin ulit ang BCPI after ng huli nilang pag-uusap nang sabihin sa kanya na babawiin ang titulo niya?

"The day after nung in-announce nila na may bago na ngang papalit [na Bb. Pilipinas-Universe], nung morning noon, nag-usap yung lawyers ko, ako at saka yung lawyers din ng BCPI. Ni-request namin na sana huwag munang ituloy yung pag-pronounce doon sa bagong papalit[2nd runner-up Nicolette Henson]. Sabi pa nga nila, 'Ay, hindi pa siguro yun gagawin.' Tapos bigla pong ginawa na nila."


GLORIA DIAZ. Sa guesting ni Venus sa Tweetbiz ay ipinapanood sa kanya ang interview kay dating Miss Universe Gloria Diaz na tila pumapabor sa naging desisyon ng BCPI. Ano ang masasabi niya rito? (CLICK HERE to read related story.)

"Well, hindi ko rin naman siya masisisi kung ano po yung...siyempre opinyon niya po yun. Pero okay lang din po. Sabi nga, opinyon niya yun, e. So, siguro may sarili rin po akong opinyon. At kung hindi man po yun magtugma, okay lang din," pahayag ni Venus.


KRISSA MAE-TIPSTER ISSUE. Sa kontrobersiyang ito ay may bagong anggulong lumalabas na diumano'y may isang "tipster" na fellow candidate ni Venus na nagsumbong sa BCPI tungkol sa inconsistencies sa birth records ni Venus. Ano ang pakiramdam niya noong malaman niya ito?

"I felt so sad kung meron nga talagang ganun kasi parang pati ako, kung ano man yung napag-usapan o kung anuman yung naging isyu doon, pati ako nadadamay," sagot niya.

Feeling niya ba na-betray siya ng isang kandidata?

"Well, when you say betray, parang someone na nagkaroon ka ng personal connection and then may ginawa siya against you. Pero kung sa part ko naman na may taong gumawa noon, if ever na meron man, well, siguro hindi naman yung connection na parang mahe-hurt ka kung may ginawa man o wala. So, okay lang din. Kung totoo man, well, ang Diyos na po ang bahala sa kanila," sabi ni Venus.

Sa naturang "tipster" issue, lumabas ang pangalan ng nanalong Bb. Pilipinas-International na Krista Arietta Kleiner, o mas kilala sa showbiz bilang si Krissa Mae, na diumano'y nagsumbong daw sa BCPI. May haka-haka rin  kasing lumabas na inakala raw ni Krissa Mae na siya ang ipapalit para mag-represent sa Miss Universe kapag natanggalan ng korona si Venus. Diumano'y nauna na rin daw ipinangako kay Krissa Mae ang Bb. Pilipinas-Universe title.

1  2  3  Next »

Related Articles

131 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name