Ipinakilala noong Sabado ang apat na bagong hosts ng Wowowee, sina Carmen Soo, Isabel Abiera, Kelly Misa, at si Jed Montero na nanalo sa Willie of Fortune. Kasama pa rin sa balik-live na programa na may bagong set sina Valerie Concepcion at RR Enriquez na natsismis na mawawala sa naturang show.
"So sad naman na ganun ang kumalat na tsismis pero I'm so happy kasi rumors lang naman siya, kasi nandito pa rin naman kami. At sana nga talagang rumor lang yun," bungad ni RR sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
"Sabi naman ni Kuya [Willie Revillame], hindi mababawasan ang hosts kundi madadagdagan. Ang saya nga. Ang dami na namin, walo na," sey pa niya.
Hindi ba mas mababawasan ang exposure nila? Doon na nga lang sa kanilang apat ni Pokwang, Mariel Rodriguez at Val ay parang kulang na ang oras.
"The more, the merrier," reaksyon niya.
JOKE ONLY. Pero nakarating ba sa kanya na muntik na silang masibak ni Val?
"Actually, nakarating na sa amin ang balitang may tatanggalin pero hindi namin alam kung sino. Pero nag-iisip na rin ako sa sarili ko na baka ako. Ayaw ko namang magpaka-sure na hindi ako, di ba?
"Di ba minsan, nagbibiro si Kuya, 'O, may tatanggalin na sa inyo,' pero dyino-joke lang naman niya. Biro lang naman niya, then after that binabawi naman niya na, 'Hindi, walang mawawala sa inyo, mahal ko kayo...' Ang mangyayari ay madadagdagan pero walang tatanggalin."
Pero maganda ba ang relasyon nila kay Willie Revillame? Wala ba silang nararamdaman na tinabangan na ito sa kanila?
"Sweet nga siya sa amin, e!" tugon ni RR.
Sa palagay ba niya may pagkukulang siya sa Wowowee kaya may kumalat na matatanggal siya?
"Ako kasi ever since, alam ko kung saan ako lulugar, e! Never kong trinato ang sarili ko na host talaga dito, yung main hosts like Pokwang, Valerie and Mariel. Kinuha kasi sila sa Wowowee as host talaga. Ako I started here as tanga-tangahan talaga, pamali-mali ang English. Pero nabigyan ako ng chance na mag-host, dapat maging masaya na ako. Opportunity na sa akin yun at dapat ay maging masaya na ako. So, dun sa pagkukulang, palagay ko naman hindi," aniya.
NO HARD FEELINGS. Sumama ba ang loob niya nang sitahin silang dalawa ni Valerie ni Willie noong isang buwan?
"Hindi... sanay na kami. Si Kuya laging nagbibiro nang ganyan. Ganito ang attitude ni Kuya, once na biniro ka niyan, ibig sabihin mahal ka niyan. Pero kung dinededma ka niya at hindi ka niya pinapansin, good-bye ka. Lahat naman kami ganoon siya... binibiro niya kami. Pag binibiro niya kaming ganun, happy na kami. Kasi feeling namin, love na love niya kami. Mas gusto nga namin ang ganun, binibiro niya kami. At least, pansin na pansin niya kami," deklara niya.
Napag-usapan na ba nila ni Valerie ang "tsugihan issue"?






one of my fav model!
don't get me wrong - solid EB kami sa bahay kaso nakakasawa na. they should evolve. same old slapstick jokes since 20 years ago. same old portions, pekeng palakpak or canned applause. tanggalin na yung mga gurang na hosts like ruby and jimmy na kahit man lang mag-effort bumihis to look good on tv. di naman sila nakakadagdag ng entertainment eh. kulang sa energy. pag sumisilip kami sa wowowee, sa mga ayos pa lang nila val, mariel at pokwang, it's a refreshing sight to look forward everyday. sa eb, panay jeans at parang pupunta lang ng mall except minsan for pia g. minsan yung mga hosts parang nagbabasa lang na nagmamadali. yung sexbomb din, palitan na, magte-trenta na yan soon, maghanap sila ng fresh fac
ha haha bago ka tumawag ng basura sa iba tingnan mo muna ang sarili mo the way na magpost ka. You don't tell the pepsters what to post and where to post. Who do you think you are? ha ha If you cannot take the heat get out of the kitchen kaya nga tinawag na forum ito. Isip isip ka nga. You dont own pep.
ikaw willie ha!
i love carmen soo. siya na lang.wag na yung tatlo. hahaha
PEACE OUT :D