Puno ng sigla si KC Concepcion sa launching ng kanyang second album simply titled KC under Sony Music, na ginanap kahapon, April 14, sa Hard Rock Café Makati.
Kumanta si KC ng tatlong songs kabilang na ang carrier single niyang "Not Like The Movies," na sinulat ng international composers na sina Jaye Muller at Ben Patton. Inawit din ni KC ang isa sa tatlong kantang sinulat niya para sa album, "Magandang Umaga." "Takipsilim" at "Worth The Wait" ang titles ng mga sinulat pa niyang kanta.
Bukod pa riyan nag-co-produce pa si KC with Jinno Mina sa apat na tracks sa album, ang "Hulog," "Naantig Ako Sa 'Yo," "Girl Most Likely To," at "Tayo Na."
Ang iba pang mga kanta sa all-original album na ito ay kinabibilangan ng "Di Bale Na," "After The End," at "Breathe You."
Ayon kay KC, kumpara sa kanyang Platinum-selling debut album na a.k.a. Cassandra na binubuo ng variety of musical genres, dito sa bago niyang album ay mas nag-concentrate siya sa pop sound, lalo na't pawang love songs ang laman nito.
After ng mini-performance at question and answer portion ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si KC.
"Sa album kasi na ito, it's all-original songs, so three songs I wrote. Very personal and siguro mas sensitive, mas romantic, mas inspiring, mas siya sa pumapasok sa isip ng girl na hindi naman niya masabi because our society says you have to be coy. Nagpapakatotoo lang ako dito sa album na ito talaga. I guess yun ang number one pinaka-bottomline ng album na ito," paglalarawan ni KC sa kanyang bagong album.
LOVE TALK. Dahil nga mostly love songs ang laman ng album niya kaya hindi pinaligtas ng press si KC sa mga tanong tungkol sa pag-ibig at sa kanyang lovelife.
Kailangan ba ng inspirasyon pag magsusulat siya ng love songs?
"Wala naman po," sagot ni KC. "Ano lang siguro yung mga pinagdadaanan lang ng isang babae, in general. Parang yung mga naiisip lang ng mga babae. Yung 'Takipsilim' nga po nagsimula yun sa PA [production assistant] ko, e. Yung boyfriend niya kasi, dating seaman. So, nakikita ko yung 'pagluluksa' niya, yung kalungkutan niya. Minsan po naa-affect ako ng mga taong nakapaligid sa akin."
So, experience ng iba ito at hindi sa kanya?
"Sa akin din po. Kasi may mga times din naman na inspired din talaga ako."
May inspirasyon ba siya ngayon na may pusong involved?
"Opo naman. I've been meeting people here and there," aniya.
Meron bang particular person? Kilala ba namin ito?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
339 AMBIYOSA
338 Babylove2
337 fallinlove
336 yssupcatjano
335 narciso_dimayurakan
334 utotngpinoy
Parang ang lakas ng Chemistry nila together on screen ah.
Very contrasting ang Beauties na parang Oriental VS. Spanish ang dating.
I think bagay silang pagsamahin sa isang movie.
333 teardropsfall
332 honeybadger
FYI i don't idolize anybody. i may like some but i don't have an idol. and i never said she's not qualified or anything. i just said anybody would see it as a big boost to their reputation and therefore, it would do them good. get it? nabubulagan ka sa pagiging diehard fan ni kc.
331 moesha
330 honoluluboy
329 chichi777
Paano mo nalamang gusto ni KC si Richard? In your dream. Hindi papatulan ni KC si Chard dahil walang education. Puro for movies lang iyon nakita ninyo from the past. Promo lang iyon. Hindi ninyo kilala ang tunay na KC when it comes to love.
328 chichi777
dumaan sa screening si KC bago matanggap as UN Ambassador, mga kalaban nya came from other Asian countries. You should be proud of her. Hindi basta basta ang ganyang trabaho and she's qualified for that position. Maganda ang background nya wala syang controversies. She can relate to all whether rich or poor. Inggit ka lang sa kanya dahil ang Idol mo malamang walang katangian like KC.
327 andiday
326 ensure
kc deserves a real man that can protect and love her not piolo
325 giogian
324 nicole131
323 misswa
322 honeybadger
naiintindihan kita kasi hindi naman ako inggit kay kc pero nahahalata ko din na OA siya. about dun sa pagiging ambassador niya sa UN kahit sino tatanggapin ang offer ng UN because it is a very big plus factor. sa tingin ko nga it's a favor for them and not for the UN. and i don't know why yung mga supporters niya nagagalit sa mga comments na kamukha ni kc si ciara sotto. does it mean napapangitan sila kay ciara? may napanood ako sa youtube she was with piolo pascual in wowowee nung papunta siya sa stage akala ko talaga si ciara.
321 rafgab
320 beca3677
more comments