news

Tweetbiz reporter Justine Ferrer denies being the reason Gretchen Barretto walked out in a presscon

by Ruel J. Mendoza posted on April 15, 2010  STATS: 1471 Views | 51 Comments

 

"Nagulat naman ako at ipinagtanong pa raw ako ni Gretchen. Kaso may nagbuking sa akin na hindi raw ako babae! Imagine, ibuking pa ako kay Gretchen! Hindi raw ako babae at transsexual ako. Natawa tuloy ako and for sure, nagulat si Gretchen doon," says former Survivor Philippines castaway Justine Ferrer.

Photo By: Noel Orsal

Ipinagtanggol ni Justine Ferrer ang kanyang sarili tungkol sa balitang siya raw ang dahilan kung bakit nag-walkout si Gretchen Barretto sa sarili nitong presscon noong April 7 sa Eastwood City. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa lumabas na report, ang Survivor Philippines: Palau runner-up na si Justine ang nag-i-interview kay La Greta para sa programang Tweetbiz ng Q Channel 11 bago tumayo sa kanyang kinauupuan at nag-walkout ang aktres. Hindi raw nagustuhan ni Gretchen ang mga tanong nito tungkol sa kanila ng kapatid niyang si Claudine Barretto.

Sabi naman ni Justine sa PEP (Philippine Entertainment Portal), mali ang balitang lumabas dahil hindi lang siya ang nagtatanong kay Gretchen noong oras na 'yon.

"Marami kaming nakapalibot kay Gretchen sa presscon na 'yon. 'Tsaka hindi ako ang nag-initiate na magtanong about sa kanila ni Claudine. May isang reporter doon na nagsimulang magtanong about Claudine. Sinagot naman ni Gretchen, e, kaya I felt na okay na mag-follow up ako ng tanong tungkol din doon.

"Bago naman ako magbigay ng mga tanong, nag-research ako at lahat naman ng tinanong ko ay based sa mga sinabi ni Claudine sa presscon niya sa GMA-7. In fairness, wala namang masamang sinabi si Claudine tungkol sa kanya.

"In fairness din, sinasagot naman ni Gretchen nang maayos ang mga tanong ko. Tapos nagulat na lang kami nang bigla siyang tumayo at nag-walkout. Pero before siya tumayo, hindi ako yung huling nagtanong sa kanya. May isang babaeng reporter doon na nagtanong sa kanya, tapos doon na siya nag-walkout.

"Kaya nagulat ako na ako ang sinisisi. Mali 'yon kasi marami kaming nasa paligid ni Gretchen. Kung sana ka-one-on-one ko siya for Tweetbiz at bigla niya akong nilayasan, e, di ako ang may kasalanan talaga. Kaso marami kami, kaya huwag nilang isisi sa akin," paliwanag ni Justine.

LESSON LEARNED. Inakala pa nga raw ni Justine na baka nagdyu-joke-time lang si Gretchen sa kanyang pag-walkout. Kasi nga raw, hindi ito dumiretso sa kanyang sasakyan kundi naglakad-lakad pa ito sa labas ng venue habang sinusundan siya ng mga kamera.

"Naloka nga ako kasi akala ko nagsu-show lang itong si Gretchen. Feeling ko kasi, hindi siya nag-walkout. Kasi kung nag-walkout siya talaga, hindi na siya magpapaikut-ikot sa labas. Didiretso na ito sa sasakyan niya at aalis na siya. Kaso nagpalakad-lakad pa raw sa labas at nagpapasunod sa mga kamera. Parang TMZ ang drama niya, di ba?

"Tinanong ko tuloy ang sarili ko kung totoo bang walkout 'yon? Umasa pa nga ako na babalik siya para magpa-interview ulit. E, hindi na siya bumalik. Pero hindi ako ang may dahilan no'n, huh!" giit niya.

Bago raw tuluyang nawala si Gretchen ay may sinabihan daw ito na uminit ang ulo niya kay Justine. Tinanong pa raw ni Gretchen kung sino raw ang babaeng nagtanong sa kanya.

"Nagulat naman ako at ipinagtanong pa raw ako ni Gretchen. Kaso may nagbuking sa akin na hindi raw ako babae!" malakas na tawa ni Justine. "Imagine, ibuking pa ako kay Gretchen! Hindi raw ako babae at transsexual ako. Natawa tuloy ako and for sure, nagulat si Gretchen doon."

Ano ang natutunan ni Justine sa experience niyang 'yon kay Gretchen?

"Naku, napaka-unpredictable pala niyang tao. Gano'n pala siya. Feeling ko pa naman makakapag-picture ako sa tabi niya after ng interview. E, biglang nag-walkout!

"First time ko naranasan 'yan sa trabaho ko as correspondent ng Tweetbiz. Sinasabi nga sa akin ng ibang reporters na hindi lang iyon ang mararanasan ko kasi iba't iba ang ugali ng mga artista.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

51 Comments

  • 51  mary_ann_lei

    04/16/2010 | 04:07 PM
    Justine is very pretty!!! Way prettier than PBB's Rica Paras!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  sudako_pepz

    04/16/2010 | 01:17 PM
    ay nako justine hayaan mo na sila.... inggit lang sila sau.

    inggit lang siguro si greta sa beauty mo kc delapidated baga.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  prettyasalways

    04/16/2010 | 12:17 PM
    nagpapakontrobersyal lang ang babaing ito, pasimpleng mga banat ah, hay talaga naman.. Sometimes we need to be sensitive sa feelings ng iba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  czavril

    04/16/2010 | 10:00 AM
    sinisira talga nila si justin tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  paque

    04/16/2010 | 09:57 AM
    isa ako sa nandun nung time na yan justine, parang mali yata o hindi ka masyadong nag-usisa sa pagwo-walk-out ni greta, ang totoo ikaw talaga ang dahilan ng kankang pag-alis sa harapan ninyong mga reporters dahil sa ilang katanungan mo na ayaw na nyang sagutin e dahil sa ilang sunod na tanong mo ay napilitan na syang umalis kahit na nasagot pa nya ang ilan sa mga tanong mo. pero pinakiusapan nya sana kayo na kung pwede na tama na yung tanong sa kanila sa isyu ni claudine.. pero sinundan mo pa rin ito kaya nag walk out siya. hidi rin siya nagpaikot-ikot doon para gumawa ng eksena or magpahabol sa media kungdi dahil wala pa ang sasakyan niya na hindi rin kasi alam ng kanyang mga body guards ang biglaan niyang pagwo-walk-out....dinig na dinig namin ang mga body guards na taranta sa kakaradyo para lang mapabilis ang pagpunta ng kanyang kotse ng masundo na si gretchen. kaya sana bago ka rin nagpa-interview ay nag-usisa ka rin, naturingan ka pa namang field reporter e hindi mo nagawa yung trabaho mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  sk8r_boi

    04/16/2010 | 08:18 AM
    ok lng yan justine. nag-iinarte lang ung matandang greta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  shakshark

    04/16/2010 | 01:02 AM
    maganda pa rin sumagot si justine!
    walang kupas. parang mga sagot nya noon sa SP2!

    talinong babae! goodluck!

    wala ko pakialam dun sa walkout issue. boring eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  msTrue

    04/15/2010 | 11:37 PM
    tama yang si justine kasi me isang reporter din sa isang network na nagsabi kung totoong walk out yun hindi sya ikot ng ikot sa venue at hindi sya kakaway kaway pa sa camera.......kung walk out kat imbyerna dapat diretso ka sa sasakyan....................

    go justine!!!!!!!!!!!!!
    mas maganda ka kay greta............
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  botchog62

    04/15/2010 | 10:57 PM
    i like justine better than rica paras or bebe gandanghari...but in fairness of rica, she got brains. for me, justine is the real ultimate survivor - in many ways...keep it up girl!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  TFC_AlZour

    04/15/2010 | 08:56 PM
    frenzy69

    talagang damay ang gma dito no, di ba naman kasi tinapatan nila ang mmk ayun talo tuloy sila sa ratings..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  frenzy69

    04/15/2010 | 05:34 PM
    Gud luck Justine!!

    For me, you are the
    Ultimate Sole Survivor!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  frenzy69

    04/15/2010 | 05:33 PM
    I like Justine. He/She is very true to himself/herself. Sana mailagay siya ng GMA7 sa Showbiz Central para mas maexpose yung pagiging magaling niyang paparazzi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  frenzy69

    04/15/2010 | 05:32 PM
    At least ang Tweetbiz orig sa philippines.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  frenzy69

    04/15/2010 | 05:30 PM
    Bakit na naman nadamay ang GMA7 dito??? Hindi ba ang pag-wuwalk-out na yan ni greta ay gimik ng Dos para abangan ang MMK at nagtagumpay naman sila. Makakarma rin kayo mga kapamilyuckks!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  GMA7AROUNDTHEWORLD

    04/15/2010 | 04:40 PM
    hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  sylvester

    04/15/2010 | 03:52 PM
    i love justine!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  kapamilya247

    04/15/2010 | 03:23 PM
    malamang nag antay ng sasakyan yan kaya palakad lakad
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  link_please

    04/15/2010 | 03:23 PM
    Gimikera si Gretchen pero mas GIMIKERA ang GMA! Pano naman Megamanila ratings halos olats na sila kaya kung ano anong gimik ang pinagagagawa! Iiiiiiiiwww! WEIRDO!

    bwaahahahahahahhahahahaahahhaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  prettyasian

    04/15/2010 | 03:18 PM
    para namang di alam ng tao na talagang gimikera yan si gretchen..kaya wag na isisi sa iba un walk out issue nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  badjaobabe

    04/15/2010 | 03:07 PM
    26
    archeryrich

    kailangan ngayon pa lang mag isip na ng gimik si divine diva para may excuse na naman si manilaphils

    di na pwede nipslip at walkout, nagamit na...hahaha

    teka kunyari hiwalay na sila ni mang pidol...hiwalay naman talaga sila eh no

    hiwalay ng network hahahaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About