news

Eula Valdes says relationship with Rocky Salumbides is not on the rocks

by Rommel Gonzales posted on April 20, 2010  STATS: 193 Views | 17 Comments

 

"Bakit ako magpo-post ng mga videos ni Rocky kung magkagalit kami, kung nagkakalabuan kami? Hay, ano ba 'yan, nakakatawa, lahat na lang nilagyan ng kahulugan. Para sa sarili ko yung mga posts na yun, 'yon ang pang-motivate ko sa sarili ko para huwag akong antukin dahil may taping pa nga ako," explains actress Eula Valdes about the messages she posted on her Facebook account.

Photo By: Noel Orsal

Pinabulaanan ng aktres na si Eula Valdes na nagkakalabuan na sila ng hunky model at dating Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Rocky Salumbides.

Nagsimula ang intriga sa mga messages na inilagay ni Eula sa kanyang Facebook account na tila may inaaway siya at sinasabihan na huwag tulog nang tulog at tatamad-tamad. May ilang mga nag-isip na ang pinagsasabihan o pinatatamaan ni Eula ay si Rocky.

Nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Eula upang tanungin kung sino ang pinatatamaan niya. Agad naman sumagot ang aktres at sinabing ang pinatatamaaan niya ng mga nabanggit na mensahe ay ang kanyang sarili.

Isa raw 'yon sa paraan para i-motivate niya ang kanyang sarili na huwag antukin dahil may taping pa siya para sa The Last Prince that day kaya wala siyang karapatang antukin at matulog.

Ayon sa text message sa amin ng aktres, "Sinasabi ko yun sa sarili ko dahil antok pa ako, pero aga call time ko lagi. Pang-motivate ko."

Dagdag pa niyang text, "Magpu-post pa ba ako ng mga vid ni Rocky if may mali? Aber."

May mga pinost kasi recently si Eula sa kanyang Facebook account na mga video ni Rocky. Isa ay ang Levi's (Men) fashion show sa Mall of Asia at ang isa naman ay isang video ni Rocky backstage sa isang modeling stint nito sa Milan, Italy kung saan ininterbyu pa si Rocky ng FTV (Fashion TV).

Sa naturang video nga, buong pagmamalaking sinabi ni Rocky na: "My name is Rocky Salumbides, I'm from Philippines!"

"Bakit ako magpo-post ng mga videos ni Rocky kung magkagalit kami, kung nagkakalabuan kami? Hay, ano ba 'yan, nakakatawa, lahat na lang nilagyan ng kahulugan. Para sa sarili ko yung mga posts na yun, 'yon ang pang-motivate ko sa sarili ko para huwag akong antukin dahil may taping pa nga ako," text sa amin ng aktres.

Isa pang pagpapatunay na wala silang problema ay ang pagge-guest nila bilang celebrity contestants sa sikat na game ng Eat Bulaga!, ang "Pinoy Henyo" last Saturday, April 17, kung saan nanalo sila sa first round at nakuha rin nila ang jackpot. Kitang-kita rin ang teamwork at sweetness ng dalawa during the game.

Tinanong din ng PEP si Eula kung bakit hindi siya dumalo sa presscon ng Working Girls noong April 15 sa Gateway Suites sa Cubao. May nag-akala kasi na baka iniiwasan siyang ma-interbyu about the issue sa kanila ni Rocky.

"April 13 dapat yung presscon, iyon ang original date. E, binago nila, ginawa nilang 15. E, hindi na ako puwede ng 15 kaya hindi ako nakapunta. At hello, wala akong iniiwasan na tanong! Kung nandun ako sa presscon at itinanong ang tungkol sa amin ni Rocky, sasagutin ko dahil wala naman nga kasing problema sa aming dalawa. Okay na okay kami," diin ni Edula sa kanyang text message.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  karensky

    04/21/2010 | 07:04 PM
    Ang ganda mo Ms. Eula :P ikaw ang PEG ko. love u!

    Naku naman ung iba daig pa ang psychic kung magpredict na walang patutunguhan ung relasyon nung dalawa. sana mapredict mo din na lahat ng sinasabing masama sa kapwa ay bumabalik sa taong nagpakawala ng salita. MATAKOT SA KARmA. bow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pusotisipmo

    04/21/2010 | 07:41 AM
    ok lang sana kahit bata pa e,,kaya lang ilang beses napo bang nadapa si eula at nabubuntisan..??nakadalawa na yan at mag kakaiba ang ama ng mga anak nya,,maging role model naman sya sa mga anak nya,umayos na sya,,matanda na sya...kawawa mga anak nya,..wala din naman patutunguhan relasyon nila,sa kama lang,,hehehehe,,respeto sa saril naman eula,.asan???nadapa ka na ,umuulit kapa.ito pa,..hayyy,...nagmukha ka ng magdalena din...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  kleenex

    04/21/2010 | 03:09 AM
    korek ang pangit nga ni rocky, lol! nakakainis sya sa pbb noon kac nagalit nung nag exchange ang girl housemates. ang mga pangit daw ay napunta sa kanila. akala mo naman kung cnong gwapo ang rocky na yan. sarap hampasin. sana masaya c eula sa bata nyang bf!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  sunshinearaw

    04/20/2010 | 10:02 PM
    my gosh 2010 na!! ang nega naman ng iba dito.EMBRACE CHANGE!!!
    nowadays its no longer an issue if mas bata ang bf ng babae.its been happening all over the world like demi moore and ashton kutcher and pinas' very own kris and james yap.
    eula and rocky are both working hard and wala silang pineperwisyo na tao. they fell in love and hiwalay na si eula.people should stop being so judgemental lalo na wala naman silang nasasaktan. be happy naman for them peeps!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  agusanonko

    04/20/2010 | 08:51 PM
    Jusko Amen!!!! napa HOLY ng iba dito di nalang mgbasa at manahimik
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  queer_as_folk

    04/20/2010 | 05:58 PM
    aba, nagregister ang mukha ni angelina jolie nung nakita ko ang pic nya..gwapa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pusotisipmo

    04/20/2010 | 05:55 PM
    isa pang makati at nasirang paGKABABAE sa showbiz,,,hayyyy,,maging role model ka naman sa mga anak mo alam mo namang wala namang mangyayari sa relasyon nyo ni rocky,,wala tlaga,,as in,.waalallalalaaaal,..wag kang mapilit,sex machine mo lang sya ,,lokohin nyo pa ang tao,.,,im sure,,nagtitikiman lang kayo....maawa ka sa sarili mo eula,,nakakailan ka na,,respeto sa sarili at pagapapahalaga sa pagkababae mo,....isa pa itong babae na ito na di kinikilala ang DYOS kaya ganyan sya,makati at nagpapakasira,..gaya ni ANGELU DELEON,AIKO MWELENDEZ..JACKIE FORSTER.,..umayos nga kayo,pahirap ng pahirap ang buhay at ang mundo ay baliw na,,so choose someone na may DYOS at maayos,..hayyy..respeto naman sa sarili eula.wag na sa tao sa mga anak mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ayala

    04/20/2010 | 05:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maryclaire

    04/20/2010 | 05:14 PM
    ganda ni eula kahit dami na anak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nightcrawlersOO

    04/20/2010 | 05:11 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • simple_quote

    04/20/2010 | 02:43 PM
    Wala namang kadala dala tong babaitang to e, bata na sa una, nagpakasal pa, now bata na naman ang jowa! wala k ana bang kadalaan?! kailan ka magigising!!! di ka ba mabuhay ng walang batrang lalake sa buhay mo?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • futyakmod

    04/20/2010 | 02:13 PM
    mala angelina Jolie ang drama ah.. pwera lang sa labi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ilovewacko

    04/20/2010 | 02:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • caboodles28

    04/20/2010 | 01:50 PM
    kamukha sya ni angelina jolie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilyang_beermen

    04/20/2010 | 01:43 PM
    ok...next...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • totoysipa

    04/20/2010 | 01:42 PM
    Knowing she has showbiz media people in her FB, Eula posts such. Nagpapansin para mapag-usapan? Yeah, it worked. She's in PEP again.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purpleUbe

    04/20/2010 | 12:45 PM
    ganda ni eula...pro pra syang luka...dinaan pa sa facebook ang pang-motivate nia... in fairness d cguro cila mgttgal kc bata pa ung bf nia eh cia pgwalang make-up kgya sa last prince eh kala q c nora aunor cia...klngan nia laging naka-make up pra mganda at d cila mging mukhang mg-ina ng bf nia!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About