news

Kean Cipriano on "snubbing" incident with Arci Muñoz: "I was really caught off guard."

by Rose Garcia posted on April 22, 2010  STATS: 928 Views | 67 Comments

 

"Parang gusto ko, ako pa rin si Kean ng Callalily. Hindi ko tatanggalin yun sa sarili ko. It's something I can be proud of. Siguro naman, I can do two things at the same time," says Kean Cipriano about being the lead vocalist of Callalily and acting on TV5 at the same time.

Photo By: Mark Pimentel

Nagkaroon ng press conference ang bagong youth-oriented show ng TV5 na BFGF kagabi, April 21, sa Celsius bar sa Tomas Morato, Quezon City. Dalawang beses nag-perform ang bandang Callalily na pinangungunahan ng lead singer nitong si Kean Cipriano, na siya ring bidang lalake sa BFGF at mapapanood tuwing Linggo, 4 p.m.

During the question-and-answer portion, Kean was asked how it feels to perform as an actor in front of the camera instead of singing with his band?

"Noong una, nailang ako. Parang hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Pero noong makasama ko na yung cast, naging palagay na rin, enjoy na ako," sagot niya.

Sa pagpayag niyang maging bida sa BFGF, simula na ba ito ng career niya sa pag-arte? Lalo pa nga't sa recent issues tungkol sa kanya, nakikilala na rin siya ng tao hindi lamang bilang lead singer ng Callalily kung hindi dahil sa sariling pangalan niya?

"I don't really know," sabi ni Kean. "Parang gusto ko, ako pa rin si Kean ng Callalily. Hindi ko tatanggalin yun sa sarili ko. It's something I can be proud of. Siguro naman, I can do two things at the same time."


GIRLFRIENDS FROM SHOWBIZ. Naging kontrobersiyal ang pangalan ni Kean dahil sa sunud-sunod na pagkaka-link niya at pagkakaroon ng relasyon sa iba't ibang female celebrities. Prior to his rumored love triangle with ex-girlfriend Arci Muñoz and Rachelle Ann Go (although Rachelle has denied this several times), Kean was first linked to Danita Paner, ang adopted daughter ng former actress na si Daisy Romualdez.

When asked about this, Kean just said, "Well, it's a new chapter now. It happened naman sa relasyon na naghihiwalay ang tao."

Totoo bang nagtanan sila noon ni Danita?

"Wala na ako noon nang nangyari yun sa kanila ng mom niya," sagot ni Kean, na ang ibig sabihin ay break na sila ni Danita nang lumayas ang huli sa kanila.

Ang ka-loveteam ni Kean sa BFGF ay si Alex Gonzaga. Hindi nakaligtas sa paningin ng entertainment press na halos sa kabuuan ng presscon na nakatayo sila for the interview ay nakaakbay si Kean kay Alex.

Posible kayang si Alex na ang susunod niyang magiging girlfriend after Danita and Arci—na mga kumpirmadong naging girlfriends niya sa showbiz?

"Ako, relax lang ako ngayon. Relax na 'ko. Looking forward lang sa future," paiwas na sagot ni Kean.

Nabitin naman ang ilang press na gusto sanang malaman ang totoong nangyari at saloobin ni Kean sa naging encounter nila ni Arci sa backstage ng Earth Day Concert na ipinakita sa Showbiz Central noong Linggo. (CLICK HERE to read related story.)

Sa video ay hindi man lang pinag-ukulan ng pansin ni Kean ang kanyang ex-girlfriend who was there to interview celebrities for the Startalk segment.

Nang tanungin si Kean tungkol sa isyung ito, obvious na ayaw niyang mag-elaborate pa. Ang bukod-tanging nasabi lang niya ay: "Yung nangyaring yun, wala akong bad intention. Pangalawa, I was really caught off guard. Pangatlo, that was all about it."

Pagkatapos ng Q&A ay in-announce na hindi na maaaring mag-stay si Kean. Nagmamadali na itong umalis agad dahil may show pa raw ang banda nila.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

67 Comments

  • 47  DonPacman

    04/23/2010 | 03:21 AM
    fyi sikat na sikat si kean noh...guest nga sya ni vice ganda sa concert nya...isa sya sa nagdala ng showtime before. nood na lang kayo ng concert nya sa big dome.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  danidarw

    04/23/2010 | 02:20 AM
    Dapat nga mali maliin ang english kasi hindi naman tayo kano. pati ba naman pagsasalita nila gagayahin pa natin? talagang gaya gaya lang ang alam ng pinoy. Tingnan mo mga japanese at chinese sa pag iingles eh mga first world yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  allyouloosers

    04/23/2010 | 02:15 AM
    i just happened to see his interview and immediately came to my mind is this guy is a douchebag and a jerk! first of all i dunno who the hell he is acting up like that during an interview, he is not famous, not good looking, not educated and no breeding at all! whoever is this looser of a douchebag! if he has any ill-feelings with the lady, he should have answered the questions being asked politely and in a courteous manner like a gentleman..shows where exactly he came from.. the dump!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  imyselfandi

    04/23/2010 | 02:09 AM
    hindi dapat pang hinayangan ang lalaking ito.

    una walang modo sa harap ng camera nasa tabi ang ex hindi makaharap sa ex. sinu pa ang mag kagusto sa yo.

    Mayabang pa porma. hindi na man gwapo a sus.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  admu_370z

    04/22/2010 | 11:54 PM
    u shud be a gentleman even if u ended up with ARCI in Bad Terms or not lalo na pag hindi naman. kahit saan mo tingnan, mali ginawa mo. Sana lang maisip mo yan.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  cartridge

    04/22/2010 | 11:00 PM
    hay naku, dong, buti nga at naghiwalay kayo ni Arci, dahil ang ganda ni Arci, hindi kayo bagay. Mukha kang jologs at ang pangit ng ugali mo. Sana batuhin ito ng kamatis sa concert at ng matauhan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  branquear

    04/22/2010 | 10:51 PM
    imyselffandi..

    tama ka na sana kaso FYI etong si lalake ang nag iwan kay arci at super di mkapag move on ang girl noon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  imyselfandi

    04/22/2010 | 10:35 PM
    mag paka lalaki ka dong, wag mong isnabin lang ang babae.

    dapat lang na iniwan ka di ka dapat maging boyfriend. parang wala silang pinag samahan. ma karma ka sana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  daredeviltry

    04/22/2010 | 10:35 PM
    san ba mapapnood yung video? di ko sya mahanap sa youtube eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  shakshark

    04/22/2010 | 10:28 PM
    may article nanaman tong jologs na to!

    hahaha ewan ko ba kung bakit pinatulan ni arci at danita to.
    tsk..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  rhiamags

    04/22/2010 | 09:54 PM
    labo ng third reason niya that was all about it?!?! ano yon? ano ibig sabihin non? labo ng english. pwede naman mag-tagalog no!

    gawin mo, ligo ka muna. baka sa sobrang init ng panahon di ka na maka-isip ng tuwid. yikes!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  ConstructiveCritic

    04/22/2010 | 09:23 PM
    The who???? feeling handsome but looking gruesome hehehe. It's ok if you're not that much good looking as long as you are humble and soft spoken. Just be normal, in the first place, you are not popular, 2nd you are not handsome, 3rd you are not good mannered guy and last-looks like never gone to shower and looks smelly. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  badafme

    04/22/2010 | 09:00 PM
    haha mas naaliw pa ako sa comments kesa sa article
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  caboodles28

    04/22/2010 | 08:44 PM
    23 archblue

    hay naku meron naman nagrereact na hindi alam ang basehan ng pagreact.

    kaya ako natatawa dahil may mga nagsasabi na mali grammar, mali spelling, na kesyo mukhang mabaho, etc. hindi ako nagsabi dun kundi sinasabi ko lang ano sinulat nung mga nagcomment dito kasi natatawa ako habang nagbabasa sa mga comments nila. in short, nakakaaliw basahin. bat ba kung magreact ka jan e parang sinasabi mo na ako nagcomment ng mga yun e hindi naman ako! baliw!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  ksa_888

    04/22/2010 | 08:42 PM
    kahit ano pa ang nakaraan nila kean at arci maayos man o hindi dapat naging civil man lang si kean sa pakikipagharap kay arci hindi 'yon kawalang respeto ang ginawa niya lalo na sa harap ng camera. si arci ginawa niya ang kanyang trabaho sa pag interview naging civil siya kahit may sama siya ng loob maging kay rachelle ann go. kean walang respeto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  chuchay07

    04/22/2010 | 08:36 PM
    feeling guwapo ka lang. yabang at bastos!
    maligo ka nga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  brave_angel

    04/22/2010 | 07:47 PM
    Na aaliw ako d2. Comments pa dali habang wala pa pet ko. Pagdating nun d na ako mkabasa hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  skyward

    04/22/2010 | 07:37 PM
    oo nga nmn nkakatakot ang mga pinoy pagdating sa mga inglesan at spelling, d nmn mali ang mag correction pero dpt wag sa paraan ng pag iinsulto. Mas confident pa akong magsalita ng english sa mga foreign english speaking people kesa sa harap ng isang pinoy na natuto lng mag english, ang yabang na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  vanderwoodsen01

    04/22/2010 | 07:23 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  archblue

    04/22/2010 | 07:21 PM
    me nagcomment dito na perfectionist tungkol sa grammar at sa spelling

    FYI sa internet language walang tamang spelling, walang tamang grammar ..ang importante maiintindihan..i reasearch mu pa un..

    pag nag ttxt ka ba me wrong grammar at wrong spelling?

    pero ndi naman kasi ito pataasan ng talino kungdi sharing ng saloobin so kailangan ba talaga correct spelling ,correct grammar? kung magkutya ka sa manlalait kay kian eh ikaw mismo ang nanglalait sa kapwa mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About