Isa sa mga host ng katatapos lang na Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Ruffa Gutierrez, along with Boy Abunda at Lorna Tolentino. Pero isang isyu ang lumulutang ngayon na diumano'y kaya hindi pumunta si John Lloyd Cruz sa awards night ay para umiwas sa dating nali-link sa aktor na si Ruffa. Hindi tuloy natanggap nang personal ng aktor ang kanyang Best Actor award para sa pelikulang In My Life, na humakot ng major awards. (CLICK HERE to read related story.)
Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Ruffa kahapon, April 25, sa dressing room pagkatapos ng showbiz talk show niya sa TV5, ang Paparazzi, at dito ay sinagot ni Ruffa ang isyung ito gayundin ang iba pang intriga sa kanya.
Totoo bang hindi raw um-attend ng awards night si John Lloyd para iwasan siya?
"Is it confirmed?" balik-tanong ni Ruffa sa mga press. "Alam mo mahirap naman for me to presume that. Mahirap naman for me to presume anything. You know, ang sinabi ng tumanggap ng award, may sakit siya. I don't think there's an issue naman, e. I was there because I was doing my job."
Diumano'y may tao raw mula sa kampo ni John Lloyd na nagtanong sa taga-PMPC ilang oras bago ang awards night kung anong oras daw kailangan si John Lloyd. Sinabi ng taga-PMPC na about 9 p.m. Pero noong kalagitnaan na ng awards night, biglang nagpasabi na nilalagnat na raw si John Lloyd.
Bakit kaya biglang nagbago ang isip ni John Lloyd? Naniniwala ba si Ruffa na may nagbawal daw kay John Lloyd na um-attend ng awards night?
"Alam mo, for me, that question should be asked to him. Ang importante I had fun hosting the show with Tito Boy na ang tagal ko nang hindi nakausap, and of course si Tita Lorna. Ang saya-saya namin backstage. So, kung sino man ang dumating at hindi dumating, that's not our responsibility anymore. Basta us, we did our jobs as hosts," sabi niya.
Noong malaman niya na may sakit si John Lloyd, ano ang reaksiyon niya?
"Ingat! Get well soon," sagot ni Ruffa.
Hindi ba siya nag-worry?
"Hindi naman, hello!"
Totoo bang nagtatatalon daw siya sa backstage nang matawag ang pangalan ni John Lloyd as Best Actor?
"Hindi naman. We were joking-joking lang sa backstage. Siyempre naman, inaaliw namin ang sarili namin dahil wala nang kape. Naghahanap kami ni Tita Lorna ng kape, walang kape. You know, we're just friends, huwag n'yo na kaming itukso-tukso," sabi ni Ruffa.
Pero happy ba siya na nanalo si John Lloyd?
"Oo, I think they are all deserving naman," sagot niya.






shut up na c anabel sa isyu JLC kc napagsabihan na nya c ruffa at sunud sunuran naman ang mukhang pera!!.. d kasi SuperYaman c john lloyd...
anong swit2 ang pinagsasabi mo ruffa? ang sabihin moh may iba ng fiance c yilmaz, lokohin mo pa kmi.. gstu mo kc mapag usapan..
kahit mnsan d pko nkakapanood ng paparazzi, at d talaga ako manonood.. sorry!
Sabi ni syetedos, 'brain malfunction' daw. Hahahaha!!!
To you Ruffa congrats! God Bless!
D baleng pangit na lng ako kesa magandang may sariling mundo. Wala na akong balita sa nanay ni Jason Ivler ah. Kmusta na un? Hi3