Hindi pa man lumilipas ang isang dekada sa showbiz career ni Christian Bautista ay higit na ang achievements na naitatala ng singer. Hindi lang sa ating bansa kundi sa iba pang parte ng Asya, partikular sa Indonesia, nakapagtala ng kasikatan sa larangan ng pag-awit at pagre-recording si Christian.
Nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kilalang pop balladeer when he performed at the 26th PMPC Star Awards for Movies last April 24 ay nabanggit ni Christian ang tungkol sa hangaring muling subukan ang pag-arte, either sa pelikula o sa teleserye.
"Gusto kong i-revive, nami-miss ko na rin," nakangiting banggit ni Christian. "That's one aspect of my career na medyo hindi nabibigyan ng focus, simply because I've been too busy, quite preoccupied with my singing. But my management team [STAGES] has plans regarding that.
"Matagal na rin yung last na paglabas ko sa movies, sa Mano Po 5 (Gua Ay Di)," banggit din ni Christian sa pelikulang nag-introduce sa kanya, starring Angel Locsin and Richard Gutierrez. Hindi na nga nasundan 'yon and the singer-actor is raring to face the movie cameras again.
CAREER UPDATES. Lately, nakausap uli ng PEP si Christian sa ABS-CBN studios, kung saan may regular Sunday stint siya for the television musical ASAP XV. Kinumusta namin ang pinakahuling development sa kanyang pagiging singer-performer, and possibly bilang aktor na rin uli. Kapipirma lang kasi ni Christian ng contract with ABS-CBN last April 26.
"We're back!" nakangiting bungad niya. "Back po tayo sa acting, back po tayo sa ASAP XV, of course, and hopefully, hosting shows this year."
Gagawa na ba uli siya ng pelikula or for the first time ay lalabas sa isang teleserye?
"Movie? Wala pa sa ngayon....sa Philippines, e," makahulugang sabi ni Christian.
Nasabi nga niya sa unang intervew ng PEP na gagawa siya ng pelikula sa Indonesia, kung saang bansa ay may malaking following si Christian.
"I'm gonna start a movie sa Indonesia by the end of the year," pag-inform niya.
Before last Sunday's ASAP XV, kagagaling lang ni Christian sa Indonesia kung saan naging guest-contestant siya sa Take Celebrity Out, isang sikat na dating game show sa Indosiar, ang major network ng Indonesia. (CLICK HERE to read related story.)
May malaking crush daw kay Christian pati ang host ng show, named Yuanita, at sumali ito sa game show, hoping na siya ang manalo bilang "love" na makaka-date ni Christian. Pero ang napili ng audience para sa binatang singer-idol ay ang Indonesian actress named Smitha. Parehong nanalo ng limang milyong rupiah (in cash) sina Christian at Smitha.
"That's right, that's right!" masayang pagkumpirma ni Christian sa napaulat. "Take Celebrity Out...it was fun! Kaya lang, the next day, I had to leave."
Ang equivalent daw ng napanalunan nina Christian at ng nakaparehang Indonesian actress ay $500 o roughly P25,000.
DUET WITH BUNGA CITRA LESTARI. Isa sa top-selling albums sa bansa natin ngayon ang Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan, ang revival ng mga popular na awitin ni Jose Mari Chan na muling ni-record ni Christian.






as for Christian, I am one of those who are truly elated that you chose to remain a Kapamilya! We're looking forward to the shows you're going to have at ABS now that you've signed an exclusive contract with them. I hope that you and Sarah Geronimo would have a show together! You two are the only artists I admire, not only for your talents but also for the kind of persons you are!Success keeps coming your way yet you remain grounded. God bless you Christian!
000
_______
parang di na nga sya nag iisip.. kinain na ng pagiging kapuso nya ang kanyang isip.. bayaran ata sya e...
GMA7AROUNDTHE
WORLD
May 4, 2010
14:53 PM
___
i dont see your point sa comment mo.. dahil sa kapuso ka kaya ganyan ang comment mo sa kanya??? to hell with you.. nagagawa na nga nyang magbigay ng karangalan sa bansa just like the other singers of gma do.. kelangan galing lahat sa gma?? napakanarrow minded mo talaga.. ugaling talangka!!!
gheezz123
at sinu naman it0ng jovit baldivin0 na ito?kung sinu sin0 na ang hinahangaan ng mga kapamilya..
----------------
hahahahaha. palibhasa wala kang alam. hanapin mo kaya sa you tube para makita mo ang performance n'ya sa PGT o di kaya magbasa ka ng articles regarding sa kanya by searching his name on google. lam mo, pwede s'yang mapirate for PArty PIrata para mi pantapat na kayo ki Arnel Pineda pag andito s'ya. lol.
at uyyyy, paano kayo makaabante n'yan sa ratings against PGT kung di n'yo alam kung sino ang pinakasikat 'don? nilalampaso na nga sa ratings ang pinantapat n'yo na show sa PGT pero di n'yo pa rin inalam kung bakit? kakaawa naman kayo....hahahahaha
truly KAPAMILYA !
carrieeeee.. carrieeee... bravo!!!
ohhhh.... carrie....carrie
loyal tlga xa sa abs,,,
luv yah xtian b