Halos wala pang tulog ang Pop Princess na si Sarah Geronimo nang dumating siya kasama ni vice-presidential candidate Loren Legarda sa Baseco Compound sa Tondo, Manila noong Biyernes, May 7.
According to Sarah's mom, Mrs. Divine Geronimo, nag-shoot ang kanyang anak ng isang TV commercial-na hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano-last Thursday, May 6, at tumuloy siya sa isang campaign rally ni Sen. Loren. From there, bumalik pa si Sarah sa commercial shoot kaya halos umaga na rin sila nakauwi.
Pero walang mahahalatang kapaguran kay Sarah. All smiles pa rin siya kasama si Sen. Loren na nakipag-boodle fight (kumain na nakakamay at hindi gagamit ng spoon and fork) sa mga Happy Land residents ng Baseco.
Ang samahan ng mga kababaihan doon ang naghanda ng kinain nila: nilagang talong, sitaw at okra, mangga at bagoong, itlog na pula with kamatis, pritong tilapia, adobong manok at baboy, prutas, at kanin na nakalagay sa mga dahon ng saging sa ibabaw ng table.
Pagkatapos ng kainan ay saka pa lamang umakyat ng stage sina Sen. Loren at Sarah upang magpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tagaroon.
"Sana po ay nakapagbigay ng tulong sa inyo ang aming Lingkod Loren [free eye checkup, free eyeglasses, free calls to the USA and Canada, medical checkup with free medicines at libreng tuli]," pahayag ni Sen. Loren. "Hindi po diyan matatapos ang pagsasama-sama natin, lalo na kung magtatagumpay tayong mahalal sa Lunes, May 10, bilang inyong vice president."
Sabi naman ni Sarah, "Nagpapasalamat po ako dahil nakasama ko kayo at nakatulong ako kay Sen. Loren para ipaalam ang kanyang advocacies, lalo na po ang tungkol sa karapatan ng mga kababaihan at mga kabataang tulad namin. Ang mga advocacies po niyang ito ang dahilan para suportahan ko siya."
DUET. Nagparinig din ng awitin si Sarah, ang "A Very Special Love" na theme song ng blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruz of the same title. Nakisabay pa kay Sarah ang mga tao.
May isa namang ginang na nag-request kung puwede raw mag-duet sina Sarah at Sen. Loren ng paborito niyang song, ang "I Won't Last A Day Without You." Pinagbigyan naman ng senadora ang hiling sa kanya.
"Hindi po ako tatanggi. Pero pagtiisan po ninyo ang boses ko, medyo namamaos na po ako dahil sa sunud-sunod na kampanya namin ng Nacionalista Party!" natatawang wika ni Sen. Loren.
Matindi ang palakpakan nang si Sen. Loren pa ang unang kumanta at naki-duet na sa kanya si Sarah. After their song, isinunod na ni Sarah ang campaign jingle niyang "Ikaw Lamang."
Tinawag muna ng host ang tatlong batang nanalo sa singing contest na ang campaign jingle ang kinanta nila. Sinabayan nila si Sarah sa pagkanta, at nagulat siya nang sa finale ay bumirit ang dalawang batang lalake na akala mo ay si Sarah ang kumakanta.
"Nakakatuwa naman kayo, ang liliit pa ninyo. Saan ba nanggaling ang boses na 'yon?" tanong ni Sarah.
CONTROVERSIAL PHOTO. During the event ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Sarah. Muling natanong sa kanya ang tungkol sa controversial picture niyang kumalat sa Internet na naka-Laban sign siya at naksauot ng yellow na damit. Si Sarah kasi ang endorser ni Sen. Loren at ang presidential candidate ng Nacionalista Party, samantalang ang yellow ay kulay ng Liberal Party presidential candidate na si Senator Benigno "Noynoy" Aquino III.
"Nag-apologize na po sa akin ang nag-upload ng picture na 'yon," sabi ni Sarah. "Nalungkot lang po ako nang ipinakalat pa nila 'yon, halata naman pong luma na yung picture. Sana po ay na-realize nila na iba naman ang sinusuportahan ko, sina Sen. Manny Villar at Sen. Loren Legarda lang ng Nacionalista Party. Sana po ay hindi na maulit ang ganoon."





Nawalan ako ng gana kay Sarah.
Dont get me wrong - she is better than Jamby Madrigal - pero Loren will only be loyal to people who will further her personal advancement. For as long as you CAN help her - you are in her books. She also does not have a record of keeping friends within the industry that helped make her famous. Come on, name someone who still is in her friend's list. Masyado kasi grand ang ambitions niya for HERSELF and HERSELF alone.
Loren - nadalaw mo na ba recently ang ama ng mga anak mo sa Munti?? Better yet, napasalamatan mo na ba si Tony Leviste for helping you jump start your political career? I hope your children wont turn out to be totally s crewed up kids.
1. Mang Dolphy Quizon
2. Willie Revillame
3. Sarah Geronimo
4. Dingdong Dantes
5. Marian Rivera
6. Richard Gomez + Lucy Torres dahil hinila ni siya ni Goma
7. Regine Vilasquez
8. Ogie Alcasid
TANDAAN YO ITO, SINO MAN MAKAKABASA
Loren --- Loser
mas gugustuhin kong humawak sa pinas ang amerika kesa sa mga chinese tingnan mo si pgma ang nasa likod nya mga mayaymang chinii businessman nakita mo naman halos 85percent ng mayayaman ay mga ching chung dyan sa pinas at halos alipin ang mga pilipino ng mga ching chung na yan..