Breakaway Mocha Girls form new group called Girlz Ink

Glen P. Sibonga
Sunday, May 09, 2010 @ 08:08AM  |  12367 views

Hershey, Grace, Bez and Heart just wanted to have more freedom to show people what they've got, so they left Mocha Girls to become Girlz Ink, with "Ink" meaning "Independent Na Kami."

 














Ang kagustuhang maging independent ang nagtulak sa apat  na miyembro ng all-female group na Mocha Girls na sina Hershey, Grace, Bez at Heart para mag-resign at bumuo ng sarili nilang grupo na pinangalanan nilang Girlz Ink.

"Yung meaning kasi ng Ink—Independent na kami," paliwanag ni Hershey nang makausap sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanilang launching sa Mugen Bar sa Metrowalk sa Ortigas kamakailan.

"Mas may freedom na kami to do what we want. Yung isa pang meaning ng Ink kasi may tattoo kaming lahat. Di ba associated ang ink sa tattoo?"

Sa kanilang bagong packaging, "ie-enhance namin yung talent ng bawat isa, more daring," sabi ni Bez.

Dagdag pa ni Heart, "Mas maraming surprises. Mas magugulat talaga kayo sa Girlz Ink, sa aming apat."

"At saka mas lalo nila kaming mamahalin ngayon  kasi kami na ito, we're the Girlz Ink. Sine-share lang namin yung interests namin sa ibang tao na sumusuporta at naniniwala sa amin," sabi naman ni Grace.

REASON FOR LEAVING MOCHA GIRLS. Ano ang nangyari sa Mocha Girls?

"Actually, masaya naman  sila, e. Meron silang bagong members, sina Jane at Mae, na dating EB Babe. I think okay naman sila. Siguro kailangan lang naming ibigay sa sarili namin yung dapat para sa amin. Alam naman namin na may potensyal din ang grupo namin ngayon," ani Hershey.

Lumikha ng intriga ang pag-alis nila sa Mocha Girls dahil apat silang umalis at si Mocha na lang ang natira sa grupo. Ano ba ang tunay na dahilan ng pag-alis nila?

"Career move lang. Career move lang ng bawat isa para maipakita naman namin ang kanya-kanya naming talent," sabi ni Heart.

Wala bang away o alitang nangyari na nagtulak para mag-resign sila sa grupo?

"Siguro po sa part ni Mocha," sagot ni Bez. "Hindi naman po maiiwasan na sasama yung loob niya  kasi apat kaming nawala. Kasi nasanay na kami na kasama namin siya. Nasanay na siya na kasama niya kami. Pero siguro po maiintindihan naman niya. Pero sa ngayon po alam din naman po namin na kahit papaano masama yung loob niya sa amin."

Hindi pa ba sila nakakapag-usap nang maayos ni Mocha?

"Actually, hindi po kasi kami sabay-sabay umalis, e. After po ng show namin sa Guam, si Heart po hindi na nag-perform with us. And then si Bez po ang sumunod na nawala. And then kami po ni Grace ang sabay umalis," paliwanag ni Hershey.

Nakarating sa kaalaman ng PEP na nagkaroon si Heart ng conflict sa manager nila sa Mocha Girls na si Byron Cristobal. Gaano ito katotoo?

1  2  3  Next »


10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name