Marian Rivera on negative issues: "Kung masaya sila sa paglalaro sa akin, ako, okey lang."

Rose Garcia
Sunday, May 09, 2010 @ 10:38PM  |  81215 views

 

She gets a lot of negative press but seems twice as blessed. Last week, her romantic comedy with reel and real-life boyfriend Dingdong Dantes nearly broke the record for opening day grosses.

 

Photo By: Rose Garcia













Iilan na lang ang natirang entertainment press sa victory party para sa You To Me Are Everything nang dumating si Marian Rivera. Na-late din ang kapareho niya sa pelikula na si Dingdong Dantes, pero mas nahuli ang aktres dahil nanggaling pa ito sa meeting ng bago niyang endorsement na Honda.

Hindi maitago ang saya sa mukha ni Marian dahil sa pagkapatok sa takilya ng pelikula nila ni Dingdong.

Hiningi kaagad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment press na nakapaghintay kay Marian kung ano ang reaction niya sa kinitang estimated P27 million ng pelikula sa loob ng halos dalawang araw pa lamang.

"Unang-una talaga, hindi kami nag-expect na kailangan ganito ang makuha natin," sabi ni Marian. "Kumbaga, kung ano na lang ang maibigay sa amin at kung paano kami magugustuhan ng mga tao.  Siyempre, pinagdasal din namin yun na sana mag-click itong You To Me Are Everything."

ROM-COM SUCCESS. Kuwento pa niya, "Sinabi rin ni Direk [Mark Reyes]... iniba ko ang character ni Iska, ginawa kong natural. Tapos, ginawa ko kung ano ang mas feel kong Iska. Siyempre, ang sarap din gawin."

Mismo ang GMA Films producer na si Ms. Annette Gozon-Abrogar na ang nagsabing hindi raw malayong magkaroon ng sequel ang movie nila.

"Wow! Siguro kung magkaroon man ng part two, ibang approach naman. Siyempre, sinasabing ganito, mas malaki pa ang i-e-expect ng tao kapag nag-part two."

Halos hindi raw sila makapaghintay ni Dingdong na malaman ang resulta noong opening day.

"Kinukulit-kulit na namin sina Sir Joey [Abacan, GMA exec], si Ms. Annette na, 'Ano ba ang balita?' Tapos sabi nila, 'Sige, relax ka lang, i-a-update ka namin.' Tapos yun nga, 'Successful tayo,' so, ang saya lang."

"TRABAHO-SHOPPING-GALA." This Wednesday, May 12, ay papunta na silang dalawa ni Dingdong kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Canada at U.S. One month silang mawawala.

"Trabaho-gala" ang description ni Marian sa one month abroad nila.  Special guests sila sa concert tour nina Ogie at Regine, at mga apat na araw lang daw ang pahinga nila. Doon na lang daw nila siguro magagawa ang "shopping-shopping, gala-gala."

Ang biro ni Dingdong, siya raw ang tagabuhat ng mga pinagsa-shopping ng girlfriend.

"Hindi totoo 'yan! Siya kaya ang mahilig mag-shopping!" natatawang balik ng dalaga, na dinagdag pa, "Pero siya, puro relo, sapatos, belt."

BLESSINGS AND ISSUES. Bago ipalabas ang pelikula nila, sari-saring negatibong isyu ang lumabas tungkol kay Marian, katulad ng may "anak" na raw siya at di raw siya marunong mag-Ingles. Pero sa kabila ng lahat, parang lalo naman siyang sinusuwerte.

"Yes!" natatawa niyang sagot agad.  "Talagang smile lang daw ako. Dedma na lang. Tawanan ko na lang sila.  E, kung masaya sila sa paglalaro sa akin, ako, okey lang ako.  Hindi naman ako ang magdadala nun, sila.  At saka, tao lang naman ako.  Ano ba!  Hindi naman ako perfect.  Ang suwerte ko naman kung lahat nasa akin na.  Relax lang....

1  2  Next »

Related Articles

1052 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name