(2ND UPDATE) ELECTION WATCH: Showbiz personalities perform well in the May 2010 elections

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, May 13, 2010 @ 12:22PM  |  433 views

(Top, from left to right) Senatorial candidates Jinggoy Estrada, Bong Revilla, and Lito Lapid; (bottom, from left to right) Batangas Gov. Vilma Santos, congressional bets Lani Mercado and Lucy Torres- Gomez.

 

 

Photo By: Noel Orsal













Ngayong tapos na ang kauna-unahang automated election sa Pilipinas at halos tapos na rin ang bilangan, marami sa ating mga kababayan ang interesado kung anong kinahinatnan ng pagtakbo ng ilang showbiz personalities. Generally speaking ay naging maganda naman ang resulta para sa karamihan ng mga artistang tumakbo ngayong halalan, pero meron din namang mga hindi pinalad sa kanilang hangaring makapagsilbi sa bayan.

SENATORIAL RACE. Isang pruweba na hindi puwedeng balewalain ang hatak ng mga artista sa publiko ay ang resulta ng senatorial race.

Sa pinakahuling partial official tally ng Commission on Elections (Comelec) ay dikit ang mga boto ng magkumpareng action stars na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa senatorial race. Nangunguna sa listahan si Revilla samantalang pumapangalawa naman si Estrada.

Ang Eat Bulaga! host na si Tito Sotto naman ay kasalukuyang nasa 9th place, samantalang ang isa pang dating action star, si Lito Lapid, ay nasa 11th place.

Pare-parehong second term na nina Revilla, Estrada, at Lapid kung walang magbabago sa ranking ng mga tumatakbong senador. Si Sotto naman ay balik-Senado matapos niyang matalo nung huli siyang tumakbo.

Hindi man artista, maituturing na ring showbiz personality si dating Senator Ralph Recto dahil sa pagiging mister niya ng Star for All Seasons at incumbent Batangas Gov. Vilma Santos. Kasalukuyang nasa ika-walong puwesto si Recto sa senatorial race.

GUBERNATORIAL RACE. Speaking of Gov. Vi, naiproklama na siya kagabi, May 12, bilang Governor ng lalawigan ng Batangas. Maituturing na landslide ang panalo ng aktres kontra sa kanyang pinakamahigpit na kalaban na si Sto. Tomas Mayor Edna Sanchez. Si Mayor Edna ay ang maybahay ni dating Governor Arman Sanchez, na sumakabilang buhay ilang linggo bago eleksyon. Ikalawang termino na ito ni Gov. Vi, na nanungkulan ng tatlong termino bilang mayor ng Lipa City.

Ang dating aktor na si ER Ejercito, pamangkin ni dating Pangulong Erap Estrada, ay nanalo rin sa gubernatorial race sa lalawigan ng Laguna. Si Ejercito, na anak ng yumaong aktor na si George Estregan, ay dating Mayor ng Pagsanjan, Laguna.

Ang brother-in-law ni Sen. Bong Revilla na si Junjun Ynares ay nagwaging muli bilang Governor ng Rizal.

Nagtagumpay rin ang aktor na si Daniel Fernando sa kanyang pagtakbo bilang Vice-Governor ng Bulacan. Ito rin ang puwestong napanalunan ng dating PBA coach na si Yeng Guiao sa Pampanga, kung saan nagwagi rin si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Congresswoman at ang kaalyado nitong si Lilia Pineda bilang Governor.

CONGRESSIONAL RACE. Sa ikalawang subok niya sa larangan ng pulitika ay pinalad na rin sa wakas ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao. Malaki ang lamang niya sa incumbent Congressman ng Sarangani na si Roy Chiongbian. Ayon kay Manny, bagamat isa na siyang Congressman ngayon ay baka pagbigyan niya pa rin ang kanyang boxing fans sa kanilang kahilingan na kalabanin niya si Floyd Mayweather, Jr.

Iprinoklama na rin kahapon ng umaga, May 12, ang TV host na si Lucy Torres-Gomez. Siya ang nanalo sa congressional race sa 4th district ng Leyte. Pinalitan ni Lucy ang mister niyang si Richard Gomez na siya talagang tumatakbo bilang kongresista. Pero na-disqualify ng Comelec si Goma dahil hindi raw na-meet ng aktor ang required years of residency sa Ormoc City. Ilang araw bago ang eleksiyon ay nagdesisyon ang mag-asawa na si Lucy na lang ang patakbuhin.

Ang maybahay ni Sen. Bong Revilla na si Lani Mercado ay iprinoklama na rin bilang bagong Congresswoman sa ikalawang distrito ng Cavite. Landslide din ang kanyang pagkakapanalo kontra sa pumapangalawa sa kanyang si Plaridel Abaya.

Nagwagi rin ang aktor na si Dan Fernandez bilang Congressman sa first district ng Laguna.

Nanalo rin si Gina de Venecia bilang Congressperson sa 4th district ng Pangasinan. Si Manay Gina ay asawa ni dating Speaker Jose de Venecia at mula sa pamilya ng mga Vera Perez na siyang may-ari ng Sampaguita Pictures..

1  2  3  Next »

Related Articles

384 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name