Ang singer at bagong Kapuso na si Rachelle Ann Go ang sumalang sa bagong segment ng Showbiz Central na "Behind The Wall" noong Linggo, May 9.
Bago ang mga tanong sa kanya ng "tatlong informants" ay tinanong muna si Rachelle ng isa sa mga host na si Raymond Gutierrez kung kumusta na ang pagiging Kapuso niya.
"I'm very thankful dahil sobrang naramdaman ko ang pag-welcome sa akin ng mga staff, lahat ng artists and bosses dito sa GMA. So, maraming-maraming salamat sa inyong lahat," sagot ng dating mainstay ng ASAP XV na ngayon ay bahagi na ng Party Pilipinas.
Ang tatlong special informants na nagtanong kay Rachelle, yung isa ay nakasama raw nito noong nagsisimula pa lamang ang singer at may alam na backstage secret nito. Yung isa naman ay ilang beses na raw na-test ang friendship nila, at ang ikatlo ay nakita na raw nito ang singer at her best and at her worst.
IS MARK COURTING HER? Ang tanong ni Special Informant No. 1: Since napapadalas na ang pagsasama nila ni Mark Bautista sa GMA-7, nililigawan na ba siya nito?
"Lahat na lang nanliligaw sa akin!" natatawang sabi ni Rachelle. "Hindi, hindi totoong nanliligaw. Si Mark, close friend ko 'yan simula pa nang magsimula ako dito sa Seven. Wala, barkada, barkada talaga kami ni Mark at hindi siya nanliligaw sa akin."
IS RACHELLE INSPIRED? Tanong ni Special Informant No. 2: Totoo ba na inspired siya ngayon sa kanyang lovelife?
"Ngayon, marami po talagang espesyal na tao. Hindi ako nagpapaka-showbiz, pero marami po talagang espesyal na tao sa akin ngayon. There's no particular person, pero marami, marami—kaibigan ko, pamilya ko na kahit na anong mangyari, nandiyan sila sa likod ko," sagot ng singer.
"Is there a guy in your life?" tanong naman ni Raymond.
"Guy? Marami...marami rin!" natatawang sagot ni Rachelle. "Marami akong kaibigan. Boy friends, marami akong mga kaibigan."
Pero yung tinatawag na "one and special boyfriend," meron na?
"Wala pa... Actually, hindi ko hinihintay, darating lang 'yan."
CHRISTIAN & GAB. Tanong ng Special Informant No. 3: Sa mga nakarelasyon ni Rachelle sa showbiz, kanino siya aminadong pinaka-nasaktan siya?
"Kanino na-hurt? Hindi ko kasi maikukumpara yung mga naramdaman ko, yung sakit na naramdaman ko sa dalawang... Magkaiba kasi," sabi niya.
Pinangalanan ni Raymond na sina Christian Bautista at Gabriel Valenciano ang dalawang tinutukoy ni Rachelle.






un lang un!
I have nothing against Kyla,but its obvious hindi sya nakaangat..
Im not a fan of Sarah either simply because shes not my type but her growth/transformation is so obvious... and havent you observed in the commercials/ads na mas maraming talents from as youve put it -- DOS....?
you know what ganyan talaga ang buhay/reality hindi lahat nabibigyan ng chance.
Kalorke kayo. Eh sino pala ang may career? Si sarah na viva artist? Si charice na under the helm of david foster? Or ung tabaching ching winner ng pacontest ng dos? And the longlist keeps goin and goin.. Lol.
Congrats Rachelle Ann Go at nasa GMA7 ka na.