news

Director Brillante Mendoza receives local awards for his critically-acclaimed  international films

by William R. Reyes posted on May 11, 2010  STATS: 4139 Views | 2 Comments

 

"It is one thing to win a Best Picture award abroad, and another to be given the same back home. Among film audiences, the Filipino is severe in his judgment, yet more than any other moviegoer in the world, I hold him closest to my heart and with high regard," says director Brillante Mendoza.

Photo By: Noel Orsal

Tulad ng ibang local celebrities, maagang nagpunta ng voting precinct niya sa Mandaluyong City ang noted filmmaker na si Brillante Mendoza kahapon, May 10. Bandang ika-11 ng umaga nagpunta ng presinto si Mendoza para bumoto.

Sa Barangka Elementary School sa Mandaluyong bumoto si Direk Brillante. "Wala namang problema. Madami ang bumabati sa akin dahil kilala na ako dito," banggit niya nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon.

Tinanong ng PEP si Direk hinggil sa kanyang pagboto at upang alamin din ang tungkol sa docu-film na Buhos (Downpour) na proyekto ni vice-presidential candidate Loren Legarda. Hindi natuloy ang naitakdang pagpapalabas sana nito bago mag-eleksiyon.

"Wala pa [uling screening re-schedule] ang Buhos," sabi niya. 

Kung anuman ang naging problema ay wala rin siyang binanggit. Sigurado naman si Mendoza na hindi nagkaproblema ukol sa approval ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nasabing docu-film, hindi tulad ng kanyang music video na "Ayos Ka," na bahagi ng AmBisyon 2010 omnibus film project ng ANC na una'y nabigyan ng X-rating ng MTRCB.

LATEST WINS. Samantala, noong May 5 ay muling nagtamo ang acclaimed indie filmmaker ng pagkilala bilang best director para sa pelikulang Kinatay sa ginanap na 7th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (ENPRESS).

Napili rin ng ENPRESS, para sa taunang pagpaparangal, ang pelikulang Kinatay bilang Best Motion Picture-Drama.

Tulad sa nakaraang Gawad Urian rites last April 29 at the UP Cine Adarna, nanalo si Mendoza para sa pelikulang nagpanalo rin sa kanya bilang best director sa presitihiyoso at pangunahing international film festival sa buong mundo, ang Cannes International Film Festival sa France.

Ipinagbunyi ng buong industriya ng pelikulang Pilipino ang pagwawagi ni Mendoza sa 62nd Cannes International Film Festival last year, at ngayo'y minarapat din siyang parangalan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ng Enpress ng mga kaukulang pagkilala tanda ng seryoso niyang commitment sa ikasusulong ng kalidad ng pelikulang Pilipino.

Bukod sa Kinatay, ang isa pang pelikulang ginawa ni Direk Brillante, ang Lola—na nagkaroon ng world premiere noong isang taon sa 66th Venice International Film Festival sa Italy—ay nanalo rin ng mga parangal sa iba't ibang kategorya.

Nagkataong walang commitment sa abroad o sa anumang international filmfest si Direk Brillante sa Golden Screen Awards kaya naka-attend siya.

"I'd like to thank my committed staff, my actors, my writer, especially my mentor, Armando "Bing" Lao [screenwriter of Kinatay]," panimulang speech ni Direk Brillante.

Nanalo rin sa Golden Screen Awards sina Coco Martin (Best Performance by an Actor in a Leading Role-Drama) at Maria Isabel Lopez (Best Performance by an Actress in a Supporting Role).

"I'm very happy with Maria Isabel's award because I know it's a very difficult role that she delivered very well," sabi ni Direk Brillante.

As for Coco, na si Direk Brillante ang tumanggap ng parangal dahil may naunang commitment ang aktor: "Sa una pa lang naming pagtatrabaho sa pelikula [Masahista, 2005], I know that he's got the genuine talent to succeed as an actor. I'm happy to receive and thank the Enpress for this award.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

2 Comments

  • pusotisipmo

    05/12/2010 | 09:03 PM
    wow,,u deserved it naman e,..sana tlaga sa mainstream ka gumawa ng mga dekalidad na movies at matuloy ang tv series na didirek mo kasama daw sina KRISTIN HERMOSA-PIOLO-JON AVILA-SANTINO.soon...kesa naman lagi nalang lovestory na movies ang pinapalabas sa mainstream..kakabaog.l.we need brilliant mind directors,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovemebug

    05/11/2010 | 06:11 PM
    nice
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About