news

Mocha Uson says talent is the selling point of the new Mocha Girls

by Rommel R. Llanes posted on May 12, 2010  STATS: 3320 Views | 8 Comments

 

The new Mocha Girls trio is composed of former EB Babe Mae dela Cerna (left) and former band singer Jhane Santaguiel (right). The group's leader Mocha Uson (center) says both Mae and Jhane are very talented.

Photo By: Courtesy of Mocha Uson

Kinontak ni Mocha Uson, lead singer ng grupong Mocha Girls, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) upang magpaliwanag sa tunay na rason kung bakit nagkaroon ng personel changes sa sexy all-girl group na kinabibilangan niya.

Lumabas kasi kamakailan dito sa PEP ang interview sa breakaway group ng Mocha Girls na ngayon ay kilala na sa pangalang Girlz Ink. Gusto raw sana niyang magpaliwanag sa tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay nina Hershey, Grace, Bez at Heart sa Mocha Girls. (CLICK HERE to read related story.)

"They were forced to resign by the management," sabi ni Mocha tungkol sa pagkawala ng apat na former Mocha Girls. "Nagkaproblema po sila sa manager po namin. Hindi po nila sinunod ang mga rules when we were in Guam."  

Ayon pa kay Mocha, hindi lang sa manager nila nagkaproblema ang former Mocha Girls, nagkaroon din daw ng problema ang mga ito sa producer ng show nila sa Guam.

"Kaya dun pa lang sa Guam, may usapan na ang manager ko at yung mga girls na pagdating dito [Pilipinas] ay papalitan na sila," patuloy pa ni Mocha.

Ayaw nang mag-elaborate pa o magdetalye ni Mocha hinggil sa pagkakatanggal ng apat na former Mocha Girls. Wala rin daw naging problema sina Hershey, Bez, Grace, at Heart kay Mocha.

"Sa akin wala. Sa manager ko lang talaga."

NEW MEMBERS. As for the new members of Mocha Girls, proud na proud si Mocha na inihayag na very talented daw ang mga pumalit sa apat na nawala sa grupo niya—sina Jhane Santaguiel at Mae dela Cerna.



"Si Jhane Santaguiel ay singer-dancer na under management ng kapatid ng manager ko. Dati siyang band singer. Si Mae dela Cerna na former EB Babe ay nakilala po namin sa final taping ng Cool Center. Inalok namin siya na sumali sa grupo at natuwa naman kami dahil pumayag agad siya," sabi ni Mocha.



May balak pa ba silang magdagdag ng members?



"Aside from Mae and Jhane, may dalawa po kaming professional back-up dancers na kasama namin palagi sa mga shows namin. Sa ngayon po, tatlo ang Mocha Girls. I am training Jhane and Mae to become solo performers in the future," sagot ni Mocha.



Kung noon daw ay kilala ang Mocha Girls sa pagiging sobrang sexy at daring sa kanilang image, ngayon daw ay mas mangingibabaw ang talent para ibenta ang grupo.



"Dahil talented naman talaga ang mga bagong members ngayon. Ngayon lang po nagawa ng Mocha Girls na mag-perform ng acoustic live [ABS-CBN Music Uplate, kunsaan kinanta nila ang "Hawak Kamay" ni Yeng Constantino, CLICK HERE to watch clip] dahil marunong po talaga kumanta ang bagong members. Nadagdagan pa ng entertainment value ang grupo because Jhane is not only a dancer, she can sing and play the guitar at the same time. Malaki din po ang contribution ni Mae dahil napakagaling po niya sumayaw at sobrang lakas ng appeal niya sa tao," pagmamalaki ni Mocha.



So, ano pang susunod na dapat abangan from the new Mocha Girls?



"We are now working on our third album. May photo shoot din po si Mae and Jhane for FHM. May bago po kaming product endorsement at abangan niyo po ang aming billboard. Ako naman po, may hot production number po sa P.O.5 every Sunday [sa TV5]. We are also going to launch Mae in a TV show soon.



"Tuluy-tuloy pa rin po ang mga weekly shows namin: Mondays and Thursdays nasa Hard Rock Café kami. Then every Tuesday, we are at the Mugen Bar. Wednesday naman, Bluewave. We do out-of-town shows naman every Friday."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • pusotisipmo

    05/13/2010 | 05:33 PM
    sus,,ang babata pa nyo,,sana mag trabaho kayo ng proffesional at decently,,diba,,respeto sa sarili at pagpapahalaga sa pagkababae naman,,para more blessings,samahan ng magandang relasyon sa dyos,.malalim ha,..tama kayo,,ayaw ng tao sa malaswang stars now,gutso yung may talents at magandang ehemplo sa tao,,ikakasira lang nyo mga kalaswaan na ganyan,ano paba ang tingin ng mga lalake o tao sa inyo???aber,...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sakanalovelife

    05/13/2010 | 03:49 PM
    well,,trabaho lang iha,,,wag pasisira sa showbiz,,if not,,wala din,mag ipon kayo,,habang bata tamang gawain lang naman,,,at magandang relasyon sa dyos,sa pamilya,..focus lang at ang lovelife naman darating yan,ang tamang guy sa inyo,.wag magmadali,,baka msira lang,,,diba,,wag pauuto sa mga guys jan,,,simply work proffesionally,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ronareyes

    05/13/2010 | 01:06 PM
    napanod ko dati sa showtime di naman sabay sabay... pero ok naman voice... more practice.and why the girl kissing pala if all talent... stop it cuz its corny na and bad example to kids.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jhn

    05/13/2010 | 10:16 AM
    Puro bakla siguro itong grupo na to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aq_etech

    05/12/2010 | 07:20 PM
    sayang nmn 2 c mae..patweetums p nmn xa,tpos porn ang group ni mocha...nag hahalikan cla s kpwa babae..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zama_jap

    05/12/2010 | 06:12 PM
    wow!..natotomboy talaga ako pag nakikita ko si mocha!...LOL

    Tapos dinagdagan pa ng dalawang nag sesexihan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ishigaki

    05/12/2010 | 04:28 PM
    Mas magaganda sila in fairness
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jeroldraven

    05/12/2010 | 03:19 PM
    next article
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About