Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang taping ng Midnight DJ ni Oyo Boy Sotto kahapon, May 13, sa Ninoy Aquino Park & Wildlife, Quezon City.
Ang advanced taping nila ay para sa two weeks na hininging bakasyon Oyo, na tumungong Vancouver, Canada, kasama ang girlfriend na si Kristine Hermosa, na ang pamilya ay naka-base doon.
Kababalik pa lamang ni Oyo noong umaga ng Wednesday at nag-report na siya sa taping kahapon. Ang bungad na tanong sa kanya ng press: Kumusta ang bakasyon?
"Masarap...Ang lamig at hanggang sa umalis kami, may snow pa rin doon," nakangiting kuwento ni Oyo. "Nakapunta kami sa iba't ibang lugar sa Vancouver, kasama ang family ni Tin. Nag-enjoy po kami talaga."
Balitang nagpaiwan daw si Tin sa Canada dahil preggy ito.
"Nope, hindi po totoo," mabilis niyang sagot. "Kasama naming bumalik ni Mommy [Dina Bonnevie] si Tin at hindi po siya preggy. Nandoon pa kami, nakarating na sa amin ang balita kaya tinawanan na lamang namin dahil hindi naman totoo. Hindi puwedeng preggy na siya bago kami magpakasal."
Kumusta naman ang pakikitungo ng pamilya ng Kapamilya actress sa kanya?
"Nandito pa naman sila, matagal na akong kilala ng family ni Tin. Nagpunta lamang kami talaga roon para dumalaw at makapagbakasyon na," ang sabi ng panganay ni Vic Sotto.
WEDDING BELLS? Sa bulung-bulungan namang ikinasal na ang dalawa roon, pinabulaanan ito ni Oyo. Sabi niya, "Hindi po, dahil kung magpapakasal kami, gusto namin dito, hindi roon."
At itinanggi rin ni Oyo ang sabi-sabing isa sa mga pakay niya sa pagsama sa girlfriend ay para hingin ang kamay nito sa pagpapakasal.
"Hindi pa po, dahil wala pa naman kaming date ng pagpapakasal. Napag-uusapan na rin, pero wala pa kaming pinag-usapan kung kailan at saan."
Yaman din lamang na wedding ang topic, inusisa namin kung ano ang kanilang dream wedding.
"Definitely, it will be a Christian wedding," ang sagot ng 26-year-old actor. "Gusto namin beach wedding, pero wala pa kaming naiisip kung saan."
Biniro namin siya na huwag sa Boracay dahil halos lahat ng mga ikinasal doon ay naghiwalay na ngayon.
"Hindi po, wala kaming balak na doon magpakasal, kahit saang beach po dito na mapipili namin," natatawang sagot ni Oyo.






I also think Oyo Boy is another responsible person like Dither.
Good luck, pag nangyari ang kasalan!
kaya nga sani ni tin o nila alisin muna sa isipan ang kasal na yan o marriage kase ang bata pa din nila lalo na si oyo as a man,26 isnt ideal age sa pag aasawa,nagmamadali lang sya kase si tin iyan,,hehe,,.para ngang pilit o awa dahil sa tagal ng umasa ni oyo kay tin ,na sunod ng sunod,naawa na lang yata si tin,ang daming gutsong manligaw kay tin tlaga,kaya tlagang knikilala nila isat isa kase maas matured pa si tin kay oyo,well,,ok naman relasyon ng family nila pero still,,mas maganda yung may spark tlaga,parang u will feel na sya ang soulmate mo,,pero hindi pa tlaga yan,sabi nga ni tin bahala na si god,naghihintay na lang sya ng gods tym at tamang lalake tlaga,.pero as of now,madami pa syang pweding gawin,may tv series sila ni PIOLO-JON AVILA,magiging manager nya SI BOY ABUNDA,to do movies outside starcinema,.long way to go pa kay tin,give a tym para mas makilala pa nila isat isa,tin is very christian kaya maingat at gusto nya maayos na kasal o buhay this tym,..godbless.
vancouver is the city and so does whistler. I live in vancouver it should be vancouver bc canada and whistler bc canada. Its around 20degrees ngayon dito sa vancouver imposible mg snow. Pwede dn na they went to cypress mountain or seymour which is asa north vancouver.
Luongo,
Whistler is also located in Vancouver,isn't it?I visited Kathleen Hermosa's FB and I saw one pic of Kristine together with her brother Joshua who was part of the musical play Pinocchio playing the role of Geppetto last May 4 and 5.They even wore sweaters so maybe there was a snow if they went to Whistler,Vancouver Canada.