Biniro ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Xian Lim na napakaguwapo naman niyang albularyo.
Sa Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Elias Paniki ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Jake Cuenca, ito ang role niya.
Kuwento ni Xian, "Ako yung New Age albularyo na tutulong kay Elias."
Hindi naman daw niya kinailangan na mag-aral ng mga bagay-bagay tungkol sa pagiging albularyo. "More on fighting kasi, present day. Hindi natin alam na meron pa palang mga ganun. Parang tayo lang, one of the normal people, but they know spells."
Magkasama sina Xian, Ejay Falcon at Enchong Dee sa teleseryeng Katorse na natapos last January, pero sina Ejay at Enchong ay bibida na sa upcoming Agimat episodes na Pepeng Kuryente (Ejay) at Boy Puitk (Enchong), samantalang si Xian ay support lang ni Jake. Hindi ba siya nai-insecure na wala pa siyang solo project?
"Wala naman akong iniisip na ganun. I believe naman na everyone, like nga si Ejay at si Enchong, they have their own time, kasi magkakasama kami sa Katorse. I guess it's their time and my time hasn't come yet, and I'm willing to wait. Maghihintay naman ako, basta may trabaho naman ako. I'm still active, and that's what's important. I'm just doing my job."
MUSIC STUDENT. Bukod sa pag-arte, gusto rin ni Xian na tutukan ang musika.
"I'm trying to get into music sa UP [University of the Philippines] as a student. I want to enroll pero nasa isip ko, dalawang beses nang nangyari na nag-e-enroll ako tapos nagba-back out kasi nagiging masyadong busy."
Music ang gusto niyang kunin "kasi my mom's a piano teacher and ako talaga I'm a piano player din, so that's what I want to do.
"So kung gagawin ko man, it's when I'm not busy. Sana 100 percent [time and attention], kasi noong naging estudyante ako sa UE [University of the East] and I played basketball, wala, nagbayad lang ako ng tuition. I went through all the trouble and then wala, dito [showbiz] pa rin ang balik. So I think kapag papasok ako yung 100 percent na.
"It would be a good fallback for me. Maybe I would study music here or I'll just go back to the States and study there."
FRIENDS WITH ERICH. Kumusta ang lovelife niya?
"Okay naman. Wala naman."
Na-link siya dati sa Katorse female lead na si Erich Gonzales.
"We're still close but she's really busy now, two shows."






merlion_25
May 15, 2010
20:19 PM
++++++++++
hala nilalait mo si Melai???
hala, pagtapatin mo ng concert sa Araneta si Melai at La Diva, tingnan natin kun sino mas dudumugin...
merlion_25
May 15, 2010
20:19 PM
ilagay lahat ng low budget artists niyo ABS.. paubos na ang kaban??? wala na bang perang pang pirate? hahahahaha.
Saan na pala ang Melai ek ek niyo? PANIS na?? bwahahahaha.
-------------------------
sino naman ipag mamamalaki ng gma? claudine? di nga manalo sa mga bagyhang artista eh.....
Saan na pala ang Melai ek ek niyo? PANIS na?? bwahahahaha.
paminchever4u
May 15, 2010
14:10 PM
ang baklang albularyo.. un lang... bow
-------------------
e2 ang bakla paminchever4u !! hahaha ! inggit !!! hahahaa 1