"Kapag nakatayo ka sa studio, matindi ang sikat ng araw, hindi ka napapaso, hindi ka nasusunog. Kapag malakas ang ulan, hindi ka nababasa kasi may bubong. May bubong ng ABS-CBN na yumuyungyong sa 'yo. Kailangan mong mag-sorry. Hindi siya kumikibo. Kailangan mong mag-sorry dahil hindi mo ginaganun ang nagpapala sa 'yo," the gossip queen told her close friend.

May dapat bang ikatakot sa kanila ang katapat na show?

"Dyusko, e, wala nang balahibuhan 'to. Walang ganun. Magkaiba lang siguro ng atake. Pero yung pananakot na heto na kami, wala yun, wala sa bokabularyo yun."

WILLIE MOVING TO TV5? Bilang isang taong masasabing pinakamalapit kay Willie Revillame, tinanong namin si Cristy kung kumusta na ang controversial TV host.

"Nasa Macau si Willie. Nagpapahinga kasama ang mga kabarkada niya pati si Governor Chavit Singson.  Parang isang paraan ng paglimot sa anumang nararamdaman niya ngayon."

Kinumpirma nga nitong masama talaga ang loob ng TV host. "Masama," diin niya. (CLICK HERE for related story.)

May balitang lilipat na raw ito sa TV5?

"Hindi ganun kadali ang paglipat sa TV5. Isang mahabang proseso ito. Paano ka lilipat sa isang istasyon na hawak ka pa rin ng istasyong kinabibilangan mo. Hindi ganun kadali yun."

May negosasyon bang nagaganap?

"Wala... wala..." mariin niyang sagot.

Pero sa ngayon, ano ang talagang plano ni Willie?

"Dalawang bagay lang. It's either na magpasa siya ng letter of release.  Ang question, tanggapin o hindi ng istasyon, yun ang dapat paghandaan. Kasi, sa punto de vista ng isang negosyante, ako ang ABS-CBN, hindi ko papakawalan si Willie Revillame. Bulsa siya. May lamang pera 'yan. Napakalaki ng kinikita ng ABS-CBN mula sa Wowowee.

 

"Pero, kung talagang na-touch ang ego ng pamahalaan dahil nga sa sinasabing hinamon sila—although of course, we don't challenge the government, 'ika nga, or the station—pero kung talagang ang ego nila ay nasaktan or pride nila nadungisan, hindi nila tatanggapin si Willie, parang ganun."

"KAILANGAN MONG MAG-SORRY." Right after isiwalat si Willie on the air ang kanyang sama ng loob, nakausap raw ito ni Cristy. Anong advice ang ibinigay niya rito?

"Ako, harap at talikuran, sinabi ko sa kanya, kung ayaw mong mag-sorry kay Jobert [Sucaldito], maiintindihan ko dahil sinasaktan ka kamo ng isang taon na. Pero ako kasi, 'kako, ang katuwiran ko, 'We don't challenge the station. Kapag nakatayo ka sa studio, matindi ang sikat ng araw, hindi ka napapaso, hindi ka nasusunog. Kapag malakas ang ulan, hindi ka nababasa kasi may bubong. May bubong ng ABS na yumuyungyong sa 'yo. Kailangan mong mag-sorry.' Hindi siya kumikibo. 'Kailangan mong mag-sorry dahil hindi mo ginaganun ang nagpapala sa 'yo.'"

Sa mga sinabi niya rito, nakikinig naman si Willie?

"Nakikinig... pero, hindi siya nagkokomento. 'Sobra na kasi akong nasaktan,' sabi niya.  Sabi niya, 'Mula sa stampede, Wilyonaryo, maling bahay na ibinigay sa contestant. Lahat na lang, ako ang may kasalanan. Ako ang humaharap. Hindi naman sila.' Yun ang sinabi niya.