Cristy Fermin tells Willie Revillame: "You don't challenge the station."

Rose Garcia
Sunday, May 16, 2010 @ 12:23AM  |  426 views

"Kapag nakatayo ka sa studio, matindi ang sikat ng araw, hindi ka napapaso, hindi ka nasusunog. Kapag malakas ang ulan, hindi ka nababasa kasi may bubong. May bubong ng ABS-CBN na yumuyungyong sa 'yo. Kailangan mong mag-sorry. Hindi siya kumikibo. Kailangan mong mag-sorry dahil hindi mo ginaganun ang nagpapala sa 'yo," the gossip queen told her close friend.














Matagal bago namin napapayag ang talk show host na si Cristy Fermin na gamitan ng tape recorder ang interview namin sa kanya sa Mga Obra ni Lola sa Scout Reyes, Quezon City. Kuwentuhan na lang daw at huwag nang interbyuhan.

Ipina-interview kasi ng Juicy ang tatlo nilang hosts dahil starting tomorrow, hindi na sila mapapanood sa afternoon time slot. But instead, primetime na rin ang daily showbiz talk ng TV5 tuwing alas-onse ng gabi.  Bukod pa rito, makakasama na rin nina Cristy, Alex Gonzaga at IC Mendoza ang bagong Kapatid na si Mo Twister.

RECONCILIATION. Aware ang marami na hindi maganda ang relasyon noon nina Mo at  Cristy, pero bago pa man sila magkasama sa isang show, even before the pictorial, ay nagkabati na sila. At para kay Cristy, magandang addition sa kanila si Mo na kilala rin sa pagiging no-holds-barred when it comes to giving his opinions and interviewing stars.

Ayon kay Cristy, "Kung init at init ng pagkokomento ang pag-uusapan, siguro ay wala nang iinit pa sa kanya sa liga ng mga kalalakihan, di ba?

"Talagang si Mo, e, ang dila rin niyan, minantikaan," nakangiting pahayag niya.

Paano sila nagsimulang maging okey ni Mo?

"Pictorial pa lang, nagkausap na kami.  Walang sorihan. Walang nagsabi ng sorry kahit kanino, titigan lang, tapos, yakap."

So, posibleng mas magiging maanghang pa ang programa nilang Juicy sa pagpasok ni Mo?

"Naman! Juicier than ever.  Si DJ Mo pa, sinilihan ang bibig niyan.  At wala siyang pakialam kung may magalit. Parang ikinabubuhay niya yung galit. Maraming nagagalit, mas buhay ang career niya."

JUICY GETS JUICIER. Natutuwa ang talk show host na sa araw-araw nilang pag-ere noon tuwing hapon, halos nagiging source of issues and news na rin ang show nila.

"Ito ang programang walang promo. Ito ang programang opinion kung opinion.  Ito ang programang walang iniingatan. Walang iniiwasan. Walang imaheng pinapangalagaan. Pero hindi naman bastos, di ba?"

Nakangiti nitong sinabi, "Walang ka-pressure-pressure magtrabaho sa TV5. Walang pressure. Para lang naming ginagawa nang maayos.  Ang atake lang kasi, iba. Di ba, kapag nasa ibang istasyon ka may mga kontratadong personalidad, siyempre, palagi mong iniisip na, 'Naku, hindi puwedeng gawin 'to, masisira si ganyan. Naku, hindi puwedeng ganitong komento, makakaapekto sa karera ni ganyan...' Kami, walang ganun. Walang pasintabi."

Sa pag-change time-slot ng Juicy, mukhang head-on na sila ng mga dati niyang kasamahan na sina Boy Abunda at Kris Aquino sa Showbiz News Ngayon. Anong masasabi niya rito?

"Hindi ko kasi alam kung ano talaga ang desisyon ng management kung bakit inilipat ang programa. Basta ang alam ko, noong napanood nila ang Juicy ngayon, nanghihinayang sila sa material kung bakit nasa pang-hapon lang.  Kailangan daw nasa primetime kung kailan ang ating mga kababayan na mula sa traffic ay nakauwi na. May panahon nang manood. Kasi, ang daming nagre-request na sana may replay sa gabi."

May dapat bang ikatakot sa kanila ang katapat na show?

1  2  3  Next »

Related Articles

272 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name