<strong>(PART 1)</strong> Coco Martin's manager defends his ward against Katherine Luna's accusations


 
"Given his character na makapamilya, maka-Diyos, at mapag-alaga sa mga pamangkin niya, at ultimo pamangkin ko, hindi ko mawari, e, na if the child in question is his or not, and he doesn't give me definite answer, maybe you're right. Baka maybe, he's not sure. And maybe, he doesn't wanna talk about it to save the child from embarrassment," says talent manager Biboy Arboleda about Katherine Luna's (inset) claim that Coco Martin (main photo) is the father of her child.

(PART 1) Coco Martin's manager defends his ward against Katherine Luna's accusations

Mell T. Navarro

Rating

Walang dudang si Coco Martin ang isa sa pinakamasuwerteng young actors ngayon ng ABS-CBN. Isang malaking tagumpay ang ABS-CBN series na Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla kung saan na-feature si Coco sa Tonyong Bayawak.

 

Nasa kasagsagan din ng success ang pang-primetime program ni Coco na Kung Tayo'y Magkakalayo, bukod pa sa bagong independently-produced film niyang Noy, at mga bagong endorsements na kabi-kabilang ginagawa ng magaling na aktor.

 

Pero sabi nga, kung hitik na ang bunga ay talaga namang pinupukol. 

 

Noong May 9, Linggo, pagkalipas ng limang taong hindi pagsasalita on national television, lumabas sa Paparazzi, ang bagong talk show ng TV5, ang babaeng sinasabing "naanakan" daw ni Coco noong halos nagsisimula pa lamang ito sa kanyang showbiz career—ang aktres na si Katherine Luna na nilunsad sa Ang Babae sa Breakwater ni Direk Mario O'Hara a few years ago.

 

Nagkasama sina Coco at Katherine sa launching movie ng aktor na Masahista (2005).

 

Sa presscon ng ABS-CBN ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla last May 12, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)  si Biboy Arboleda, ang manager ngayon ni Coco (simula pa noong Tayong Dalawa days ng aktor). Si Biboy ang Unit Ad and Promo Manager ng nasabing Saturday afternoon series.

 

Bago pumunta ng presscon si Biboy, nagkausap daw sila ng alaga niyang si Coco. 

 

"Sabi sa akin ni Coco, 'Mother [tawag nito sa kanya], baka kausapin ka ng press?' Sabi ko, 'Makikipag-usap talaga ako, anak. Ako na lang ang makikipag-usap in your behalf,'" sabi ni Biboy.

 

KATHERINE RESURFACES. Sa nasabing Paparazzi interview sumabog ang matapang na mga pahayag ni Katherine laban kay Coco. Mga akusasyon tungkol diumano sa pagsilang ng kanilang baby ni Coco at pagpabaya nito sa hindi pagbibigay ng sustento, ang pagpatol sa bading para sumikat, paggamit sa kanyang pangalan noong nagisimula pa lang sa showbiz si Coco about five to six years ago, at iba pang mga mabibigat na paratang.

 

Last week ay lumabas din sa isang glossy magazine ang isa pang panayam muli kay Katherine. Tungkol sa nasabing interview, nagkausap at nagkaayos na sina Biboy at ang editor-in-chief nito.

 

Since both in TV and in print ay kontrobersiyal ang isyung Katherine vs. Coco, hindi naging mailap sa movie press si Biboy nang hingan siya ng kanyang side tungkol sa mainit na isyu.

 

"Mina-manage ko si Coco, dalawang taon na," banggit ni Biboy. "Parang sa negosyo natin sa showbiz, before me, may three years na siya under Noel Ferrer and under Ihman Esturco.

 

"Sabi ko, naalala ko noong pumutok ang balita about Katherine na may baby, ang manager noon ni Coco ay si Ihman. After noon, namatay ang issue, nag-indie films si Coco, and at that time, mina-manage na siya ni Noel Ferrer na kaibigan ko rin naman, like Ihman. 

 

"Pero ako talaga," patuloy ng talent manager, "I will claim na ang TV career ni Coco from Tayong Dalawa, ako na 'to, panahon ko na. Sabi ko, unfair na yung ganyang klaseng problema, mamanahin ko pa, di ba? And that's personal. I don't understand why or how come the girl will talk now."

 

May isang reporter na sumingit sa aming usapan. Aniya, may indie film daw kasi ngayon si Katherine.

 

"A, so, magpo-promote?" sabi naman ni Biboy. "So, di ba, parang sabi ko, wala akong nakikitang reason, e. 'Tsaka yung timing ba...yung timing. Kasi sabi ko, may career yung bata [Coco]. May pelikula kaming magbubukas ng end of May. So, nakiusap ako, sabi ko, may papasukan akong endorsements like Belo, nag-pictorial na. Dalawa, tatlong endorsements... So things like that, mawawalan ka ng endorsements. E, hanapbuhay 'to.

 

"So, ngayon, ang iha-handle ko na lang, the people from the other side, ay talagang non-stop...non-stop! Kahapon, sa Juicy, tinatawagan ako ng staff for my reaction, di ko sinagot. Parang ayoko. Ayokong magsalita. Nag-usap kami ni Coco. Sabi ko, 'You are protected. You are not gonna answer anybody.' Sabi ko, 'Pag nag-presscon tayo for your movie, doon ka sumagot. But not now.'"

 

Kailan niya nalamang lalabas si Katherine sa Paparazzi?

 

"Nalaman ko na lang ng 1 p.m. that day na. Nasa photo shoot kami ni Coco for Bench. Walang TV sa studio sa Makati, e. Tapos, ayan na, tumawag na sina Direk Erik Salud, 'O, nakita namin yung plug...' Sabi ko, 'A, okay.' Gano'n lang ako. 'Saka siyempre, ayokong ipaalam sa bata kasi siyempre nagtatrabaho, e, di ba?

 

"Eto na... Nakalimutan ko na ang cell phone niya, hawak niya! May nag-text. Kamag-anak niya. Una doon yung lola niya, kapatid niya... 'Kuya, ano 'to?' Tapos, lumapit siya sa akin, sabi niya, 'May gusto ka bang sabihin sa akin, Mother?' Mga alas-kuwatro na. Sabi ko, 'Ha? Wala naman...' Tapos, lumambing. Nahiga dito [sa balikat ko]... Pag humiga na 'yan, ibig sabihin, don't lie to me!' Hahaha. Sabi ko, 'Oo, anak, lumabas na naman siya. TV na ngayon!'"

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
91 Comments
page    1    2   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement