"Hindi naman kailangang magpaalam, bakit naman ako magpapalaam? Bilang trabaho lang siya... And the moment we found out about it, ginrab agad namin yung opportunity, siyempre, di ba? Chance to grow as an actress and learn from another actor. So, wala namang paalam-paalam. Hindi kailangang magpaalam," says Carla Abellana when asked if she needed Geoff Eigenmann's permission before accepting project with Dennis Trillo.

Photo: Noel Orsal

Magkahalong trabaho at pleasure ang nangyari kina Carla Abellana at Dennis Trillo sa taping nila sa Hong Kong aboard a cruise ship sa The Last Romance episode ng bagong weekly anthology ng GMA-7, ang Lovebug. Pero mukhang mas lumamang ang hirap dahil kakaunti lang silang kumarir ng naturang taping.

Ayon kay Carla, "Nandun kami para magtrabaho, hindi basta-basta mag-enjoy. So talagang nagtrabaho kami, we did everything...hair and makeup, kami ang nagbitbit ng mga gamit namin. So, parang cowboy style talaga siya.

"Tapos memorable kasi siyempre sa nakanasayan mo, may mga tumutulong sa 'yo. Dito, tulungan kami, na konti lang kami. And for me, memorable yung Disneyland kasi feeling mo, bata ka ulit. Nag-rides kami, enjoy talaga siya, maganda, maganda talaga yung Disneyland!"

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng The Last Romance last Tuesday night, May 18, aboard Sun Cruises at the CCP Complex, Pasay City.

LAST ROMANCE. Ang The Last Romance ay tungkol kay Rackie (Carla) na may taning na ang buhay dahil sa kanser at makikilala niya si Hero (Dennis) na malapit nang ikasal sa girlfriend nitong si Remy (Iwa Moto). Kaya naitanong kay Carla, kung halimbawang sa tunay na buhay ay may taning nga ang buhay niya, papasok pa ba siya sa isang relasyon?

"If it would make me happy, yes," mabilis niyang sagot. "Parang iyon na yung mga priceless moments, e. Imbes na maghanap ka ng anong material o kung anumang nabibili ng pera, yung mga hindi nabibili ng pera, iyon ang mas gugustuhin mong hanapin. So if it would make you stronger and it would make you happy, yes, oo."

May bagong hamon ba sa acting ni Carla dito sa The Last Romance? Hindi kasi mukhang masyadong mabigat ang role niya dito sa bagong offering ng Kapuso network na mapapanood na sa Sunday, May 23, pagkatapos ng Party Pilipinas.

"Ako yung sagot ko diyan, ang challenge, kasi you went out of your comfort zone. Kasi sanay ako dito sa Pilipinas nagtatrabaho, doon iba, e. Sabi nga ni Dennis, wala kang aasahan kundi ang sarili mo. So, iyon ang hamon sa amin, na mapaganda namin yung story and yung show na kami-kami lang talaga. Na makakabuo kami ng something nice away from the country. Tapos 'yon, 'yon talaga ang hamon, wala ka sa comfort zone mo, kami-kami lang, wala masyadong Pilipino doon. So 'yon, 'yon ang hamon talaga. At nagawa naman naming mapaganda ang show," saad ni Carla.

MEMORABLE KISSING SCENE. May kissing scene daw sila ni Dennis sa The Last Romance, at memorable iyon para sa kanilang dalawa.

"Ay siyempre, memorable naman yun!" sambit ng aktres. "Siyempre, Dennis Trillo, di ba? Oo , memorable naman yun. First time namin, may iyakan, ganyan, love story."

Dagdag niya, "Memorable siya kasi napakalamig nung ginagawa namin yung eksenang 'yon, very cold in the evening, nasa ship kami, di ba? Tapos yung suot ko, naka-dress ako, formal na manipis lang, kaya ginaw na ginaw kami. 'Tsaka very late na'yun, that was past midnight already. So memorable naman, at maganda yung eksena."

Ano ang naramdaman ni Carla sa halik ni Dennis?

"Ay, eksena yun! Trabaho lang yun. So kung paano siya lumabas, ganun din ang pakiramdam, di ba?" sagot ng dalaga.

Nang hingan ng comparison si Carla sa kissing scene nila ni Dennis sa The Last Romance at sa mga naging kissing scene nila ng perennial partner niyang si Geoff Eigenmann, ito ang naging sagot ni Carla: "Magkaiba sila, e. Para namang tinanong mo kung ano ang mas magandang sapatos."

Mas brusko si Dennis?