"Max is friend with everyone. It happens to be either she becomes really good friends with someone when she works with them on the set or not at all. So, ganun lang yun. It's like everyone kilala niya or she has a good standing with everyone," says Pia Magalona about daughter Maxene.

Photo: Rommel Llanes

Bagamat ilang beses na rin namang sinagot ng mga miyembro ng Amapalaya Anonymous at ni Pauleen Luna ang isyung nagsimula sa Twitter, nagsalita na rin ang ina ni Maxene Magalona na si Pia Magalona sa Startalk noong Sabado, May 22.

Live na sinagot ni Pia ang mga paratang tungkol sa kanyang anak na si Maxene, na isa sa mga miyembro ng Ampalaya Anonymous, isang grupo ng ilang young female stars. Diumano, "pinagtutulungan" ng Ampalaya Anonymous si Pauleen sa pag-post ng mga ito sa Twitter ng mga patutsada laban sa Eat Bulaga! co-host.

Kasamang nag-interview ni Joey de Leon kay Pia si Lolit Solis, na siyang manager ni Pauleen.

THE MEETING. Ayon kay Joey, may naganap na raw na meeting sa pagitan ng kampo ni Maxene at kampo ni Pauleen. So, Joey asked both Pia and Lolit na baka puwede raw nilang i-relay kung ano ang naganap sa meeting na yun.

Si Lolit ang unang nagkuwento. Aniya, "Actually, nag-usap lang dun kasi nga may kumakalat na balita na parang pinagbibintangan si Pia na pinapaalis niya sa teleserye na yun si Pauleen. Pero hindi totoo yun. In fact, kung totoo yun, bakit nandun pa si Pauleen?"

Ang teleserye na tinutukoy ni Lolit ay ang upcoming afternoon soap na Bakit Kay Tagal ng Sandali? na pagsasamahan nga nina Maxene at Pauleen.

Ayon naman kay Pia, "What happened behind closed door, so to speak, we took them...[they] spoke to each other and wala na kami dun and we don't really care about that. But to put a rest to this Ampalaya thing, it was something from before."

Dagdag ng ina ni Maxene, "And you know naman, when people are overwhelmed, marami silang free time, parang they got together and they were just maybe so happy to be with each other."

Nabanggit naman ni Lolit na ang gaganda raw ng members ng Ampalaya Anonymous. Bukod kay Maxene, kasama rin dito sina nina Angel Locsin, Cristine Reyes, Bianca King, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, at Bubbles Paraiso. Pero nilinaw ito ni Pia by saying, "Hindi naman member... There's nothing formal like anything can be called. I think it's so uso pa nga. I think they should go into marketing."

Pagkatapos ng meeting, nagkaayos na ba sina Maxene at Pauleen?

"Apparently ganito... Well, we had a story conference for the show. Then, we're supposed to have a workshop Monday. Sunday, John Lapus said something in Showbiz Central which people are calling me up because I am watching naman," sabi ni Pia.

Bago magpatuloy ng kanyang statement si Pia ay nag-"Hi!" pa siya kay John kung nanonood daw ito.

Patuloy niya, "I am really bothered with that, he [Sweet] made a statement that I was having someone pulled out of the show which is totally not true. And I saw it nga, online, on the site. Me, I really mind when people call me...against me, all the more if it's not true, di ba? Kasi, matagal na rin yung ini-invest ko in this business."

Joey then said, hindi muna raw narinig ang side niya?

"No, walang side because that's totally untrue. Before that, mababalik na naman si JC Tiuseco because at first, binanggit siya as part of the cast. I reminded nga the management na hindi dapat si Max pine-pair sa same leading man subsequently. So, naka-two shows na siya na leading man but for a different type of roles naman. So, I said, they might be too associated with each other.