Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kontrobersiyal na TV host na si Mo Twister sa TV5 studios kahapon, May 29, na siya ring araw ng paglabas sa mga diyaryo at online entertainment sites ng balitang nagsampa ang GMA-7 ng kasong breach of contract laban sa kanya at sa TV5. (CLICK HERE to read related story.)
Ito ay dahil sa paglipat ni Mo sa ibang estasyon na hindi pa raw natatapos ang kontrata nito sa Kapuso network. May nalalabi pa raw na ilang buwan noong lumipat siya sa TV5, kung saan may dalawang shows siya ngayon, ang pang-Linggong Paparazzi at ang gabi-gabing Juicy.
Sa Quezon City Prosecutor's Office isinampa ang complaint, at diringgin ito sa sala ni Presiding Judge Santiago Arenas ng QC Regional Trial Court Branch 217.
Pero ayon kay Mo, hanggang kahapon ng hapon, wala pa siyang natatanggap na pormal na papeles tungkol sa kanyang demanda. Ayon sa balita, Eastwood ang nakasaad na home address ni Mo sa complaint subalit lumipat na siya sa Makati City.
Ang unang reaction niya noong umabot sa kanya ang balita: "Mixed emotions."
Pahayag niya na may halong biro, "This is my first case, so, medyo excited! It's exciting... If it's true, I wanna win. I want to set a standard for other celebrities and other one-sided contracts. I don't know..."
Pero, inamin niyang meron din siyang pangamba. "Of course, right now, part of me is worried. But part of me is rather excited..." dagdag pa niya.
Subalit hindi siya masyadong nakapagkuwento tungkol sa terms ng kanyang contract. "I really don't understand it very well," aniya. Sa halip, nagdetalye ito tungkol sa mga nangyari noong siya ay nagpaalam sa GMA-7.
NO FUTURE IN GMA. Ayon kay Mo, ang kanyang paglipat ay bunsod na rin ng kawalan ng mainam na plano para sa kanya. Maliban sa Showbiz Central, wala raw ibang shows na nakalinya para sa kanya ang istasyon.
"Siyempre, when that comes from the head of your production or your channel, you'd think that they don't like you. Or they don't value your contribution sa istasyon," sabi ni Mo.
Hindi rin daw niya alam kung paanong nauwi sa demanda ang mga pangyayari. Sa huling pag-uusap daw nila ni Ms. Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7, hindi rin naman daw siya pinigilan.
"I really have no idea! Ang weird nga, e. I mean... That's the problem with this meeting, e [with Ms. Wilma]. She just told me that. Sabi niya, 'You don't have a future here, we don't have plans for you, we can't do anything.'
"Hindi naman ako nanghihingi ng extra shows. Hindi naman ako nanghihingi ng raise. Pero yun ang sabi niya sa akin, 'There's no future here for you.' Wala!'" ang pahayag ni Mo.
Nilinaw ni Mo na noong pumirma siya ng kontrata sa GMA-7 three years ago, hindi ito bilang isang exclusive talent ng network kundi sa Showbiz Central lamang.
"I didn't sign up with GMA," saad ni Mo. "I just have a contract with the show. I'm not [a talent] of GMA Artist Center. I'm not a... They've not invested anything in me in terms of building me like a StarStruck-type of star...






----------------------------------------
Ang Kapal ng mukha ng Mo Twister na ito. Walang utang na loob!! PAgsisihan mo ang lahat nang ito!!
___________
the height of arrogance! but it's understandable. i just hope that tv5
won't dump you.
enjoy you're fair share now while it last.
but in showbznz arrogant people never last. most of them paid their price already.
kulitot
May 31, 2010
19:49 PM kaw nga nagcocoment sa article nya so ibig sabihin kilala mo si mo.. wag ka ngang ipokrita!
apayagamin
May 31, 2010
14:56 PM
they have the option to renew??? pero paano kung yun ang inaasahan ng mga talents kaya sila di nag entertain ng ibang trabaho pero dahil option to renew lang yun e walang kasiguraduhan.. pano kung ayaw pala nilang i renew ang contract?? so tama lang ang ginawa mo.. dapat maturuan ng leksyon ang management para hindi maging unfair sa kanilang mga talents and employees...
_________________
naiintindihan mo ba ang pinagsasabi mo?
pasimplehin natin oke.
ikaw kunyari amo, kinuha mo si inday para maging katulong mo, si inday ba dapat ang dapat mag-decide kung kukunin mo ulit siya o hindi na o ikaw na amo ang dapat magsabi sa kanya?
granting na kinausap ka ni inday bago matapos kontrata niya, pero nalaman mo nang nangangamuhan na siya sa iba, ano gagawin mo?
ay susko!
Gandang laban ito. Parang laban din s
No.2 spot, GMEWWW at mga Kapatid
GO TV5!
senso12we
May 31, 2010
----------------------------
OA naman nito...bakit pa ginawa ang tong section na to dito kung bawal mgpost..exclusive ba to sa mga kapupu???
mgsama kau ni welma g.
senso12we
May 31, 2010
----------------------------
OA naman nito...bakit pa ginawa ang tong section na to dito kung bawal mgpost..exclusive ba to sa mga kapupu???
mgsama kau ni welma g.
senso12we
May 31, 2010
09:04 AM mam welma we love you ipag laban mo ang trabaho mo, Mo layas kana ang yabang na tao nato bagay kayo ni criste pata, mga sinungaling, lalo na ang mga kapalmilyaks nakisawsaw sa isyung ito layas kayo
...
oh my, keepondreamin ka dyan inday - as if naman may lalayas sa mga pinalalayas mo at kung di mo carry ikaw na kaya lumayas babuh!!! - pwede mong ka love team si Wilma G hhahahaha