Toni Gonzaga downplays possibility of taking over Kris Aquino's hosting jobs

Mell T. Navarro
Sunday, May 30, 2010 @ 10:07PM  |  42708 views

 

"Si Ate Kris kasi, we talk," admitted E-Live's Toni Gonzaga, but adds, "Even before she made this decision, kinausap na niya ako, si Mariel [Rodriguez] at si Bianca [Gonzalez]. Tatlo naman kami."

 

Photo By: Noel Orsal













Isa si Toni Gonzaga sa mga napapabalitang papalit kay Kris Aquino bilang host ng The Buzz at SNN: Showbiz News Ngayon ng ABS-CBN.

Desisyon ni Kris na tumigil muna sa paghu-host ng mga talk shows habang pangulo ng Pilipinas ang kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino. Gaganapin ang presidential oath-taking sa June 30, at si Kris ay huling magbo-broadcast sa SNN on June 25, at sa The Buzz naman sa June 27.

Kahapon, May 29, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa Stars For A Cause, isang fund-raising variety show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa entertainment plaza ng SM North EDSA, Quezon City.

AWARDS FOR HOSTING. Sinabi ni Toni na malaki ang pasasalamat niya sa nasabing grupo ng mga showbiz editors and columnists dahil sa mga awards na iginawad sa kanya noong 2006, bilang Best Female TV Host for ASAP '06, at noong 2009 bilang Best Female Showbiz-Oriented Show Host for Entertainment Live.

"Kaya ako nandito ay dahil nagpapasalamat ako sa PMPC dahil last year ay ni-recognize nila ang kakayahan at abilidad ko," masayang bungad ni Toni.

Ang pagkilalang ito ang isa sa mga rasong ibinibigay kung bakit puwedeng si Toni ang pumalit kay Kris pag binakante na ng huli ang upuan sa The Buzz at SNN.

Pero ang sabi ni Toni, "Hindi ko pa iniisip ang mga gano'ng bagay. Kasi, right now, I'm very thankful dahil pinagkakatiwalaan ako ng management sa mga shows na meron ako ngayon, kaya I'm just really thankful sa lahat ng blessings.  Hindi ko iniisip masyado yung gano'n para hindi ako ma-pressure."

Ayon kay Toni, hindi lang naman siya ang blessed sa ABS-CBN, kundi marami pang kapwa niya Kapamilya.

Nasabi tuloy ng kanyang Entertainment Live co-host na si Mariel Rodriguez na kung merong isang humble na tao sa industriya, ito ay si Toni, na hindi ipinagmamayabang ang kanyang mga endorsements, investments, atbp.

"Si Mariel talaga," tumawa lang si Toni sa papuri ni Mariel.  "Kasi, dito sa showbiz... it pays to be humble...

"Siyempre, masarap yung feeling na nakakatulong ka sa family mo... Maraming bagay na pangarap mo ay nakukuha mo.  It inspires you to do better and to keep on learning and exploring to try new things."

TALKS WITH KRIS. Siya na nga ba ang papalit kay Kris sa mga shows na iiwanan nito?

"Ayoko pa sanang magsalita," sabi ni Toni.  "May meeting... may meeting kami.  Ang hirap kasi, si Ate Kris kasi, we talk.  Nag-uusap kami ni Ate Kris.  Even before she made this decision, kinausap na niya ako, si Mariel at si Bianca [Gonzalez].  Tatlo naman kami.

"Tinext ako ni Ate Kris.  She told me something like personal, so I  don't wanna really share it right now.  Basta, one thing I'll say, that I will never get tired of saying this, I will always admire her for what she did to her family. Na kaya niyang i-give up ang isang bagay na mahal na mahal niya at gustong-gusto niyang gawin. Alang-alang sa pamilya niya. 

"So, yun na lang muna siguro.  I will have a meeting this week.  And we'll see it from there."

1  2  Next »

Related Articles

119 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name