Toni Gonzaga downplays possibility of taking over Kris Aquino's hosting jobs

Mell T. Navarro
Sunday, May 30, 2010 @ 10:07PM  |  42708 views

 

"Si Ate Kris kasi, we talk," admitted E-Live's Toni Gonzaga, but adds, "Even before she made this decision, kinausap na niya ako, si Mariel [Rodriguez] at si Bianca [Gonzalez]. Tatlo naman kami."

 

Photo By: Noel Orsal













Since nabanggit niyang nakakausap niya si Kris, gaano ba talaga sila ka-close?

"Hindi ko masabing close na Tito Boy [Abunda] closeness na meron sila.  Close in a way na thankful ako na, in a way, kinu-consider niyang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Hindi lang siguro sa trabaho, but I guess with her life.  The mere fact na kinunsider niya ako na gusto niya akong maging friend...

"Kasi, hindi ko naman akalaing aabot kami sa ganoong level, kasi, ever since I entered ABS-CBN, ang tingin ko talaga kay Ate Kris, reyna talaga siya ng mga talk shows.  Isa siya sa mga institusyon sa ABS.

"It all started two years ago nung kinuha niya ang number ko.  I can still remember.  That's when it all started, kung anuman ang meron man kami ngayon."

BEST SHOWBIZ ADVICE. Kung sakaling siya nga ang papalit kay Kris, nagbigay na ba ito sa kanya ng payo sa pagho-host?

"Marami siyang sinabi sa akin.  Hindi ko makakalimutan na sinabi niya sa akin na mahalin ko yung staff ng show... Na hindi lang ang trabaho ko ang mahalin ko, kundi yung mga katrabaho ko.  Hindi lang on cam, kundi off cam.  Yung staff, yung audience, fans...

"Yun yung isang bagay na nakita ko sa kanyang importanteng-importante sa industriya."

Maraming nagsasabing mas mababagay siya sa The Buzz kaysa sa SNN.

 

"It's a big responsibility...," umpisa ni Toni. "Walang puwedeng pumalit kay Ate Kris sa The Buzz... Kung sino man ang pupuwesto at lulugar sa The Buzz, siguro, she has to be herself lang... pero hindi niya kayang palitan si Ate Kris!"

Kung lilipat nga siya ng show, paano na ang Entertainment Live?

"E-Live will go on.  Maraming changes na mangyayari in the coming days.  So, abangan n'yo 'yan!" pagtatapos ni Toni.

« Prev  1  2  

Related Articles

119 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name