news

Councilor-elect Alfred Vargas will return to TV work in July

by William R. Reyes posted on June 1, 2010  STATS: 34535 Views | 13 Comments

 

"For me it's an eye-opening experience. Mas nakilala ko yung mga tao, tapos nakita ko kung ano talaga yung kailangan nila, kung paano ako makakatulong," says Alfred Vargas about running in the last elections.

Photo By: JR Espejo

Sa shooting ng Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio kamakailan ay dumalaw sa set ang magandang girlfriend ni Alfred. Ipinakilala niya ito sa kanyang mga kasamahan, pati sa mga naroong movie reporters.

The pretty lady is from Lumban, Laguna, pero lumaki sa Italy at doon nag-aral ng pagpipinta. Alfred is indeed proud of her bilang isang mahusay na visual artist. 

"She's into the visual arts. Ako naman, performing arts," aniya.

Sabi rin ni Alfred, susuportahan niya ang nobya sakaling mag-decide itong magkaroon ng one-woman painting exhibit.

"Siguro, mga next year," banggit ng konsehal. "Sabi ko nga, 'Kung kailangan mo ng model, ako na lang...huwag lang nude!" At natawa si Alfred. 

Sa mga showbiz functions ay naisasama na rin ni Alfred si Yasmine.  At nitong panahon ng kampanya, sumuporta rin sa kanya ang girlfriend.

"Sumama siya, sa ibang mga lugar. Very supportive siya," sabi pa ni Alfred.

MULTI-LEVEL PLANS.  Sa pagiging isang konsehal ay malinaw ang naihayag na plataporma ni Alfred Vargas. Kabilang ito sa multi-level plans ng kanyang panunungkulan sa kanyang distrito (4th District), sa Quezon City.

"May long-term may medium-term, may short-term [plans]. Naka-specify na 'yan," sabi rin ni Alfred. "Yung platform ko kasi, yung acronym ko: A-L-F-R-E-D. A, para sa Arts; L, para sa Livelihood, o Lupa; F, para sa Food Production; R, for Recreation Centers; E, para sa Education and Environment; D, for Development of Health Centers and support for persons with Disability."

At ang unang tututukan ni Alfred sa kanyang unang isandaang araw, o first 100 days ng panunungkulan, ay: "Livelihood, or lupa (pa-lupa), kasi it's the biggest problem my district is facing now," pahayag ng bagong halal na konsehal ng Quezon City.

« Prev  1  2  

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  kayo_na_number1

    06/02/2010 | 12:55 PM
    sarap mo,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kapamilyaito

    06/02/2010 | 12:44 PM
    Galing! Edukado at gwapo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  angakinlang

    06/02/2010 | 12:15 PM
    mahusay na aktor at magaling dahil may pinag-aralan.. continue
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  lucasroulle

    06/02/2010 | 10:58 AM
    Sinu-sino ba ang mga artistang pulitiko na may mga kapita-pitagan sa pamumuno? Vilma Santos. Isko Moreno. Herbert Bautista. Sila kasi, iniwan na ang showbiz, o kung lalabas man, sa pelikula lang, para sandali lang mawawala sa trabaho.

    Hindi katulad mo, Alfred, hahatiin mo ang oras mo para sa mga tao. Tingin mo madali lang mag-konsehal? Tingin mo kaya mong pumasok sa session ng puyat mula sa madaling-araw na taping?

    Sige pagsabayin mo. Matalo ka sana sa susunod. Pagtatawanan ka na lang namin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • joey_123llagas

    06/02/2010 | 10:52 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • panday1

    06/02/2010 | 10:24 AM
    Kasalanan ni Bong Revilla ito. Siya ang pasimuno na puwedeng pagsabayin ang showbiz at politika. Malamang maaubos din ang oras ni Alfred sa TV tapos mga isa o dalawang oras sa isang linggo lang ang malalaaan niya para sa bagong trabaho niya.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dorsantiago

    06/02/2010 | 09:22 AM
    Ako ay teacher sa isang public school. Bawal kaming magtrabaho sa mga pribadong kumpanya. Nakasaad iyan sa Magna Carta for Public School Teachers.

    Dapat ganun din ang mga artistang tumatakbo para sa isang posisyon sa pamahalaan. Binoto ka bilang konsehal dahil inaasahan ng mga bumoto sa iyo na ibibigay mo ang serbisyo mo ng buong-buo. Huwag mong gawing part-time job ang pagiging konsehal mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • muchlikefallingme

    06/02/2010 | 05:00 AM
    Sexiest politician ever!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wilbertjayson

    06/02/2010 | 01:08 AM
    kawawang pilipinas dapat kung public servant ka magfocus ka sa trabaho mo...wag ung pashooting shooting ka jan...naku po pilipinas kawawa ka naman...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • solidaridad

    06/02/2010 | 12:32 AM
    Dapat siya ang ka partner ni Heart sa bagong soap at hindi si Mark Herras. Mas bagay si Heart kay Alfred pang leading man talaga ang tayo. Bakit ayaw bigyan ng leading role ng GMA si Alfred?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • edwinchinatrust

    06/01/2010 | 11:02 PM
    2 e bakit di mo tanungin ang mga botante kung bakit sya nanalo at tinalo pa si ara mina...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • vanderwoodsen01

    06/01/2010 | 10:24 PM
    Duh bakit kasi sya nanalo. Wala namang alam.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • presidentgibo

    06/01/2010 | 08:19 PM
    O sana matupad mo lahat ng promise mo sa mga naniwala sa 'yo. Im sure hindi ka masisira.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About