Ayon sa TV5 head for Creative and Entertainment na si Perci Intalan, mapapanood pa rin si Mo Twister sa showbiz talk show na Paparazzi this Sunday, June 6. Hindi na nga lang nakapag-taping si Mo ng nightly showbiz magazine talk show ng TV5 na Juicy dahil sa temporary restraining order (TRO) na hinihingi ng GMA-7 kaugnay ng isinampa nitong breach of contract lawsuit laban kay Mo at sa TV5.
Matatandaang nagsampa ng P4-million breach of contract case ang GMA Network dahil lumipat si Mo sa TV5 gayong may live contract pa raw ang TV host-DJ sa Kapuso network hanggang next year. (CLICK HERE to read related story.)
Ayon kay Perci, "Yes, as far he's concerned, oo. Unless totoo yung TRO. Hinihintay namin kung meron ngang TRO o wala. May kumakalat kasing tsismis na mati-TRO raw e...baka sumabit tayo. And in fairness naman kay Mo, siya yung nagsabi na huwag na siyang mag-taping [ng Juicy]."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Perci sa presscon ng Paparazzi kahapon, June 1, sa Alfredo's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Ayon sa balita, 20 days ang itatagal ng TRO kung sakaling i-serve ito ng korte kay Mo. Nangangahulugan ba itong 20 days na hindi makakapagtrabaho sa dalawang shows niya sa TV5 ang TV host-radio jock?
"Oo nga daw, e," sabi ni Perci. "Although sabi ko sa Legal [department], 'Do you think it's likely na ma-issue?' Nag-advice nga sa akin na let's play it by ear obviously, pero medyo sensitive ito dahil kabuhayan ng tao ang pinag-uusapan, loss of income. Baka mas inclined yung magsi-serve na tingnan muna yung merits no'ng case, kunyari isang palabas ang naipapalabas. Medyo cold. Pero ito, hindi, e, may isang person involved."
Suportado raw ng TV network si Mo sa kanyang laban sa Kapuso network.
"Obviously, we stand by him. And kausap namin siya regularly at kausap ng Legal namin yung lawyer niya. So, hindi namin siya iiwan dito. Sabi ko nga na obviously, we engaged his services so both parties, parang willingly went into this relationship," saad ni Perci.
Hindi pa masagot ni Intalan ang posibilidad na bilhin ang contract ni Mo sa GMA-7.
"Well, hintayin ko ang advice ng Legal kung ano ang next step," sabi niya.
Worth ba si Mo na bilhin ang kontrata nito mula sa dating pinaglilingkurang network?
"Ayokong sabihing to buy out the contract is the only course of action dahil magiging pera-perahan yung issue. Ang issue, ipinaglalaban mo ang something that is right. But if Legal tells me that yun lang ang only recourse, e, di that means we exhausted all other options," paliwanag ni Perci.
Hindi man diretsahang sinasabi ni Perci, pero naniniwala siyang malulusutan ni Mo ang kaso niya.
"Ako kasi, at the end of the day, you have somebody na... Eto, ha, this is me lang. You know, we can really say Mo waited until May 3. He appeared on Showbiz Central until his contract finished. So, kung talagang gusto niyang i-violate yun at kung talagang wala kang pakialam sa kontrata, he wouldn't have waited.
"Nag-launch yung mga shows namin, Easter e. Hindi 'Tara na, aalis ka rin diyan, di ba? Ayaw mo na diyan di ba? Alis na, tara na!' E, si Mo, di ba, palaban 'yan?' Sa tingin niya, gusto na niya at ayaw na niya doon...and lumalabas na yung mga issues, di ba? Yung mga interviews sa kanya na he was saying na he's not happy there [GMA-7] anymore. So, we waited. Ako, yun lang ang point ko, e. We obviously made an effort to honor the live contract," saad ni Perci.






pero pinag uusapan ang paparazzi ah. lol!
But if it came from Kris, always on the news.
Ruffa tweets more than Kris.
Why dont you discuss what's under your nose?
- Ruffa ang daming statements, why dont you analyse her statements and actions, and confirm what are lies, what are truths, all gimik
- Ruffa's siblings - Richard - why he has not been to court yet? what is he doing to face up to the wrong he committed?
- Raymond G - is he gay? when will he come out?
- Cristy - why is she so angry with Kris? and Boy? why is she always attacking them?
Clean your own backyard first!